Chapter 17

2.8K 89 2
                                    

Napahawak siya sa kaliwang dibdib nang makapasok siya sa loob ng kanyang sasakyan. Damn, why it beats so fast? Is he happy? Yes he is.

Tiningnan niya ang sarili sa rear view mirror. Saka napagtantong nakangiti pala siya at kumikinang ang kanyang mga mata. He used to have that smile when Mileena was still alive.
Nasaan na ba ang sinabi niyang hindi na muling titibok iyon kahit kailan?
Na mamamatay siyang si Mileena lang ang kanyang mamahalin?

But things changed when he hug Serene while watching the view of volcano. Ang lakas nang tibok ng puso niya lalo na nang mapagmasdan niya ito habang inosenteng nakatingin sa tanawin sa paligid.

"Am I inlove?"

Nakakahiya mang aminin sa sarili, pero kinilig siya kanina nang patakan siya nito ng halik. Hanggang maghapon ang ganong saya niya na kahit tinatarayan na siya ng ina nito ay balewala lang sa kanya.

Bago siya dumeretso ng uwi,may dinaanan muna siya. He should tell her everything. Kahit na siguro maraming bagay pa ang darating sa buhay niya, parte pa rin si Mileena ng kanyang nakaraan.

______

Kanina pa hindi mapakali si Serene, kasalukuyan siyang nasa bahay ng mga magulang at nagkulong sa silid. Ngayong gabi pupunta si Byron sa bahay nila at nag-alala siyang baka gisahin ito ng tanong kanyang pamilya. Ang usapan nila ni Byron ay tanging sila lang ang makakaalam sa relasyon nila ngunit napaka-wrong timing naman ng kanyang ina at noong mga oras na iyon pa naisipang pumunta sa kanyang condo.
Napapitlag siya nang may kumatok mula sa labas ng kanyang silid.

"Ate",tawag ni Caspian. "Baba na daw sabi ni Mommy. Nasa baba na po 'yung bisita mo."

"Sige, susunod na ako",saka malakas na bumuntung-hininga. Saglit na pinaraanan ng kamay ang buhok at saka naisipang lumabas.

Malakas ang tambol ng kanyang dibdib nang maabutan doon ang lalaki kaharap ang kanyang ina at stepfather na si Cleef. Napansin niya ang hawak nitong bulaklak kapareho ng hawak ng kanyang ina. Marahas na paglunok ang ginawa niya.

"Maupo ka dito sa tabi ko Serene", seryosong saad ng ina ng akmang tutunguhin niya ang katabi ng inuupuan ni Byron.

"So hanggang kailan mo balak itago na nakipagrelasyon ka na pala sa lalaking ito, Serenity?"

"Mom...." Nag aalalang tawag niya dito. Nagpasensyang tumingin siya sa gawi ng katipan.

"Hon.... You can ask slowly. Masyado mo naman nilalagay ang mga bata sa hotseat", pagkuway saway ng kanyang Daddy Cleef sa kanyang ina.

"Pwede ba Cleef, kaya lumalaki ang ulo ng mga bata dahil sa pangungunsinti mo",galit nitong baling sa esposo. Agad naman niyang sinaway ang ina dahil baka mauuwi na naman sa pagtatalo ang dalawa.
Hindi niya alam kung nananadya ba ito dahil pagdating na pagdating niya kanina sa bahay ay kinausap na niya at ipinaliwanag dito ng maayos. Akala niya naiintindihan siya nito.
Akma pa sanang magsalita ang esposo nito nang tumunog ang doorbell. Nakangiting tumayo ang kanyang ina na ikinakunot ng kanyang noo.

"That must be Drake", sabay tungo sa pinto. Agad siyang napatingin sa gawi ni Byron. Kitang-kita niya ang pagkuyom ng kamao nito at pilit na tinatago sa hawak nitong bouquet ng bulaklak.

"Good evening everyone!" Agad na bati nito pagkapasok na pagkapasok. "Oh, pare",baling nito kay Byron. "Nandito ka pala."

"Hi babyloves, flowers for you",sabi nito nang makalapit sa kanya sabay kindat. Pinandilatan niya ito ng mata bilang warning. Ngunit tila nananadya pa itong ilapit ang ang bibig sa kanyang tenga.

"Damn, I love your mom's game", pasimple niya itong inirapan nang tunguhin nito ang puwesto ni Byron at umupo sa tabi nito. Mas lalo siyang naging uneasy nang mag-umpisa ng magtalak ang kanyang ina at tanging si Drake lang ang kinakausap nito. Parang mistula tuloy na invisible si Byron sa paningin ng ina. Hindi na siya umimik para kahit papaano ay mas kasama itong ma out of place.

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon