Chapter 1

3.8K 107 19
                                    

2 years later.....

" Pasensya ka na talaga Serene ha, sinubukan ko namang kumbinsihin si Boss pero ayaw talaga e", nahihiyang sabi Pixie, isa sa mga executive assistant nang studio na nag-alaga sa kanya noong nasa kasagsagan pa lang siya ng kanyang karera. Pero simula nang masangkot siya sa aksidente dalawang taon na ang nakararaan ay niluwa na siya ng mga ito.

"They just been saying they are not willing to take any chances. Baka hindi mo na daw maibabalik pa ang galing mo sa pagbalanse", pagpatuloy nito.

"They don't trust me", mapait niyang sabi. Matapos ang mga itong makinabang sa kasikatan niya noon ay iluluwa na lang siya dahil lang sa wala na ang tiwala nang mga ito sa kakayahan niya? Life is really cruel.
Simula nang makapaglakad siya sinubukan niya ulit matutong magbalanse ng katawan. Sometimes she failed but she kept on trying. Nasa pagsasayaw ang buhay niya at hindi niya p'wedeng kalimutan lang iyon basta-basta.

"I'm sorry", sambit lang nito at bahagyang yumuko saka iniwan siya.
Kuyom ang kamaong nilisan niya ang lugar na iyon. Ilang araw siyang pabalik-balik doon ngunit isang sagot lang ang lagi niyang naririnig.

'hindi na siya pwede do'n'

She promised herself, this will be her last time na tutuntong siya sa lugar na iyon. Bakit ba kasi hindi siya nakinig sa mga magulang niya? Hindi niya kailangan ang kasikatan para makapagsayaw. Tinalikuran na nga niya iyon diba? Bakit naisip na niyang bumalik-balik pa sa lugar na iyon?

-----

"Huyy!"

"Ay ate!", gulat na lingon ni Willow sa kanya. Naabutan niya ito sa kanilang garahe at nilalabas ang big bike nang kanyang kapatid.

"Pinaalam mo ba yan sa kanya?", naninitang sabi niya. Mag-aaway na naman ang mga ito pag nagkataon. At kilala niya ang kapatid pagdating kay Willow. Hahantingin nito ang babae kahit saang sulok man ito magtago.

"Shhh", anitong nakalagay ang hintuturo sa labi. "Hindi niya alam"

Napailing na lang siya. Bahala na ito sa mga kalokohan nitong ginagawa. "Basta mag ingat sa pagmaneho niyan", paalala na lang niya. Sumaaludo naman ito sa kanya bilang tugon.

------

"Anak, baka naman pwedeng ipagpabukas mo na 'yan?", nababahalang wika nang kanyang ina. Kasalukuyan siyang nag-eempake nang kanyang mga gamit dahil lilipat siya nang tirahan sa Guadalupe. Una hindi ito pumayag na malayo dito ngunit nagpumilit siya. Kailangan niyang magsimula ulit. Hindi man kasing tanyag noon, ang importante makakabalik siya sa pagiging ballerina.
Bumalik siya sa paaralan kung saan siya natuto nang ballet. At pinalad namang natanggap siya bilang isang ballet trainor sa mga toddlers na pito pababa ang edad, sa isang pribadong paaralan ng St. Ignatius. Hindi man kalakihan ang sahod ayos na yun sa kanya. Pribado iyon at mas nakampante siya dahil malayo sa media.

Ayaw na niyang balikan ang buhay noon na nasilaw siya sa kanyang katanyagan. Ang tanging goal na lang niya ngayon ay ibahagi ang kanyang talento sa mga batang may mga pangarap na maging ballerina.

"Mommy, sa lunes na ako magsisimula. At kailangan ko pang ayusin ang mga gamit ko pagdating sa condo", paliwanag niya sa ina.

"Magdala ka nang katulong para may makatulong ka", giit nito.

"My, alam mong ayaw ko nang may kasama",giit niya.

Bumuntung-hininga na lamang ito at hindi na nakipagtalo sa kanya. Nangako na lang siya ditong tuwing linggo ay dadalaw siya roon.

"Basta ba ayaw kong marinig-rinig na nagmamaneho ka ulit, Serene", paalala nito habang tinutulungan siyang mag-empake nang kanyang dadalhin.

"Promise po mommy, alam niyo namang takot pa akong humawak ng manibela".

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon