Chapter 8

2.8K 115 5
                                    

"Vacation?" Takang tanong niya kay Millie. "You'll having a vacation with your dad?"
Agad siyang nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi nito. Kasalukuyan silang nakaupo sa gilid ng kama at naghahanda na para  matulog.

Ilang linggo na nga ba niyang hindi nakikita ang ama nito? Ang huling pagkikita nila ng lalaki ay noong araw na hinatid siya nito pauwi sa bahay ni Tita Michelle. Tuwing alam niyang pupunta ang lalaki doon ay naghahanap siya ng alibi sa ginang para makaalis ng bahay.

Regular na rin siyang  nakikipagkita kay Drake, hindi bilang date kundi bilang pasyente nito. Napag-isipan niyang kailangan niya iyon dahil lagi siyang nakakaramdam ng tensyon kapag nakikita niya si Byron.

'Is it a guilt?'

Maaaring oo, maaaring hindi. Nakaka-intimidate kasi ang presensya nito at parang pakiramdam niya kapag  malapit lang ang lalaki ay lagi siyang nanganganib. May pakiramdam kasi siyang may hindi magandang maidudulot 'pag palagi niya itong nakikita. Kaya naisipan niyang magpatingin sa Psychiatry kahit alam niyang wala naman siyang sira sa utak.

"Why you sound so sad mommy?" Anitong tumayo at humarap sa kanya.

"Because you will be away for   days", sagot niya. Itinaas niya ang kamay nito at pinaikot. Nakuha naman agad nito ang kanyang nais kaya nagsimula itong umikot at ganadong iginalaw ang katawan kahit walang tugtog.

"Of course not! You're going with us!", tumigil ito namaywang sa kanyang harap.

"You can't be serious sweetpea", aniyang natatawa. Impossible ang hinihiling nito. Para na rin nitong sinabi na kailangan niyang tawirin ang tulay na papaguho na.

"I am serious! Daddy said it's okay!"

"What?" Tila nabingi siya saglit sa sinabi nito. Hinuli niya ang kamay nito at pinaupo sa tabi niya saka sinapo ang malaman nitong pisngi.
"Millie, you know I can give anything that you want right? But not this one sweetheart, please?"

Napapangiwi na rin siya nang umiba na ang emosyon nito. Alam na niya agad ang kasunod niyon. Magwawala na naman ito hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.
But this time, paninindigan niya na hindi talaga pwede ang nais ng bata.
Hindi  nga niya maatim na makasama ang ama nito sa kahit ilang oras lang, ano pa kaya ang ilang linggo?
Ayon sa dito,magbabakasyon sila hangga't hindi pa dumadating ang pasukan. Sa susunod na buwan balik na ito sa eskwela.
Nakatulog itong hindi siya kinakausap. Ilang beses na siyang napabuntung-hininga. Mag-aalas diyes na ng gabi pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Gumugulo sa isip niya ang sinabi nitong pumayag si Byron na kasama siya. At sila lang tatlo ang pupunta ng South Korea. No, hindi niya kaya.

---------

Naisipan niyang dumeretso sa clinic ni Drake pagkagaling niya sa bahay ng mga magulang. Paminsan-minsan na rin siyang sumusulpot doon at medyo okay naman sila ng kanyang ina. 'Yun nga lang, hindi niya masabi sabi sa mga ito kung anong pinanggagawa niya sa buhay. Hinayaan na lamang niyang isipin nang mga ito na nandoon pa rin siya sa condo unit niya. Mag-iisang buwan na rin siyang jobless pero hindi na niya inalintana iyon dahil ang savings niya bago pa siya maaksidente ay sapat na para buhayin siya ng ilang taon. Mas lalo siyang napalapit sa maglola at parang itinuring na rin niya itong ina. Higit kanino man, alam niya sa sarili niya kung bakit niya ito ginagawa. Gusto niyang punan ang pangungulila nito sa anak. Kahit sa ganoong paraan man lang ay makabayad siya sa kasalanan niya kahit alam niyang hindi iyon sapat. Napapasaya din siya sa mga kwento nito tungkol sa namayapa niyang ama dahil kahit papano may nalalaman siya at pakiramdam niya parang buhay lang ang kanyang daddy sa mga kwento nito.
Ibinuhos na lamang niya ang atensyon kay Millie, dahil din sa kagustuhang punan ang pangungulila nito sa ina. 'Pag may pagkakataon, lagi siyang dumadalaw sa puntod ng tatlo at kinakausap ang mga ito. Nagpapagaan iyon ng kanyang kalooban tuwing nasasabi niya ang mga bagay na nagpapagulo sa kanya.

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon