Chapter CPH4-1028-04

100 11 6
                                    

"Vince! Nasaan sila?" bungad na tanong ni Athena nang makarating siya sa 2nd floor ng Science Building.

"Nagpunta lang ng canteen. Pabalik na rin siguro 'yun." Tumango lamang si Athena at inilagay ang bag sa sahig.

"Siya nga pala, Vince, may sasabihin ako sa'yo," seryosong sambit niya.

"Ano naman 'yun?" naiintrigang untag ni Vince.

"Kagabi kasi sa boarding house, bigla na lang akong nahimatay. Nakita ko pang bumagsak ang sarili ko sa sahig."

"Baka panaginip mo lang 'yun."

"Hindi, eh. Kasi nakita kong pumasok 'yung mga kasama ko sa boarding house. Narinig ko pa nga ang mga sinabi nila at nakita ko rin kung paano nila ako binuhat papunta sa higaan ko. Tumawag sila ng maaaring tumulong. Natakot ako sa mga nagaganap kaya inisip ko na lang na magising at 'yun nga ang nangyari. Medyo nanghina ako pagkatapos."

"Nagpatingin ka na ba sa doct-Athena!" Nataranta si Vince dahil bigla na lang bumagsak ang kaibigan sa sahig. Humingi siya ng saklolo nang ilang beses. Mabuti't may tatlong estudyante na nakakita at tinulungan na madala si Athena sa clinic. Nagpadala na rin ng mensahe si Vince sa mga kaibigan.

Dumating sina Bryan, April, Bruce, Ervin at Sophia sa clinic na puno ng pag-aalala.

"Anong nangyari sa kaniya?" agad na tanong ni Bruce.

"Nag-uusap lang kami tapos bigla na lang siyang bumulagta," malungkot na saad ni Vince.

Lumapit sa kanila ang university physician at sinabing nasa mabuti nang kalagayan si Athena at nagising na rin. Pinuntahan naman nila ito at nakita nila ang nakangiting si Athena.

"Kumusta 'yung pakiramdam mo? Okay ka na ba talaga? May masakit ba sa'yo?" sunud-sunod na tanong ni Ervin.

"Huwag kayong mag-alala. Mabuti na ang pakiramdam ko. Wala namang masakit sa'kin. Medyo nanghihina lang ako pero wala kayong dapat ikabahala." Ngumiti naman siya para ipakita talaga sa mga kaibigan na walang dapat ipag-alala.

"Huwag ka na lang kaya munang pumasok sa klase ngayong umaga. Mamayang hapon ka na lang pumasok."

"Okay na ako, April. Kaya kong pumasok ngayon." Muli siyang ngumiti sa mga kaibigan.

"Guys, aalis muna ako, ah. Pinapapunta ako ni sir Arnel sa ChemLab," pagpapaalam ni Sophia. Si Sophia ay isang student assistant sa Chemistry Laboratory.

"Sige, kami na ang bahala rito," sabi ni Bryan.

Maya-maya'y bumangon si Athena at bumalik na ang lakas nito. "Guys, it felt strange."

"Strange? What do you mean?" nagtatakang tanong ni Ervin.

"That I saw myself rushed here," seryosong sagot ni Athena. "Hindi ito ang unang pagkakataon na nahimatay ako at nakita ko lahat ng mga nangyayari habang ako'y walang malay."

"Something like... an out-of-body experience?"

"Parang ganoon na nga, Ervin."

"May mga nabasa at napanood na rin akong ganiyan. An out-of-body experience or some called it... astral projection," saad ni Ervin.

UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon