"Nagawa mo ba?" tanong ng isang babaeng nakaupo sa isang swivel chair nang nakatalikod sa kausap sa kaniyang office.
"Tapos na po," diretsong sagot ng babaeng nakatayo.
Humarap ang babae. "Alam mo na ang susunod mong gagawin."
"Opo," sabi nito sabay talikod at lumabas ng silid.
"Malapit na," bulong ng babae sa kaniyang sarili nang nakangiti.
+ + + + +
Nakaupo lang sa isang bench sa may lobby ng Science Building si Bryan habang naghihintay sa mga kaklase dahil maaga siyang dumating sa unibersidad. Ilang sandali pa lamang ay dumating na rin sina April at Sophia nang magkasama.
"Bry, ang aga mo naman," natatawang saad ni April.
"Mabuti na 'yun kaysa ma-late."
Umupo si April sa tabi ni Bryan habang inilagay lang ni Sophia ang kaniyang bag sa gilid ni April at nagpaalam na pupunta muna ng canteen dahil bibili siya ng pagkain para sa kaniyang agahan.
"Bry, naaalala mo ba noong una tayong magkita?" tanong ni April nang nakatingin sa mga kamay nilang magkahawak.
"Nadapa ka pa nga noon sa may hagdan sa 1st floor nitong building." Tumawa naman nang napakalakas si Bryan nang maalala ang tagpong iyon.
Pinalo naman siya ni April sa braso ngunit niyakap naman niya ito. "I found you cute when I saw you stumble."
"Ah ganoon! Cute ako sa paningin mo kapag nadadapa. 'Yun ba?" Umaaksiyong parang nagtatampo si April at pilit kumawala sa mga bisig ng kasintahan subalit mas malakas si Bryan.
"Hindi. Ayaw ko namang masaktan ka. What I meant is that you're clumsiness-you're not always clumsy-you're flaws, generally, it's already part of your system and I accept it-I like it-because it's you," sambit ni Bryan habang nakatingin sa mga mata ni April.
"I lo-"
"Ano 'yan? Ang aga-aga ito madadatnan ko? Uy, ang daming langgam!" Humiwalay sa pagkakayakap ang dalawa subalit magkahawak pa rin ng kamay nang dumating si Ervin.
"Istorbo mo naman."
"May sinasabi ka, Bry?" Inilapag ni Ervin ang kaniyang bag sa tabi ni Bryan.
"Anong sinasabi?" nagtatakang tanong nito.
"Sabi ko na istorbo ka. Sana hindi ka muna dumating."
"Anong istorbo?"
"Ano bang pinagsasabi mo, Ervin? Wala namang may sabi niyan, ah," naguguluhang saad ni April.
"Eh, sabi ni Brya-wait. Nakakabasa na ako ng isip ng ibang tao-I am a mind reader na," bulalas ni Ervin habang hinihimas-himas ang kaniyang baba.
Tumawa lang ang dalawa sa sinabi ng kaibigan. "Ano na naman ba ang binabasa mong aklat?"
"April naman, eh. Sige try kong basahin nasa isip mo." Seryosong nakatingin si Ervin kay April at inilapit ang kaniyang palad sa ulo ng kaibigan.
Lumipas ang ilang sandali ay tinapik ni April ang kamay nito. "Para kang timang." Tumawa na lamang ang magkasintahan habang seryoso pa rin si Ervin.
"Ano bang nakain mo? Kumain ka nga ba talaga ng almusal? Baka mas lumala na 'yung saltik mo sa utak," pabirong sambit ni Bryan at tumawa na lang sila ulit-tumawa na rin si Ervin.
"Nagsalita ang mga walang saltik. May mga sayad naman tayong magkakaibigan, ah," biro ni Ervin.
"Sa'yo naman 'yung pinakamalala," saad ni April.
Napaisip si Bryan, "Paano nangyari 'yun? Inisip ko lang naman 'yun na sabihin kay Ervin pero-bahala na nga."
"Punta tayong canteen," yaya ni Ervin na siya namang nakapagtigil sa pagmumuni-muni ni Bryan.
"Eh, sinong maiiwan sa mga bag natin at kay Sophia?" tanong ni April.
"Dalhin na lang natin," suhestiyon ni Bryan.
"Maghintay na lang tayo sa mga darati-ay nandiyan na pala si Vince, oh," tinuro pa ni Ervin ang kakarating lang na si Vince.
"Saan kayo pupunta?" bungad na tanong nito.
"Magpapasama lang sana ako sa dalawang 'to sa canteen pero walang maiiwan sa mga bag."
"Sige ako na maiiwan dito."
Umalis silang tatlo subalit nang makarating sa labas ng building ay kinapa-kapa ni Ervin 'yung bulsa niya. "Guys, balik muna ako kasi nakalimutan kong dalhin 'yung wallet ko."
Dali-dali siyang umakyat pabalik sa 2nd floor ng building at naabutan niyang wala si Vince doon. Inisip niya na baka nagpunta lang ng CR ang kaibigan. Kinuha niya ang kaniyang wallet sa bag.
"Bakit ka bumalik?" tanong ni Vince na ngayon ay nakaupo lang sa bench na kinalalagyan ng mga bag nila. Nagulat si Ervin dito.
"Ginugulat mo naman ako. Saan ka ba nanggaling?"
"Hindi naman ako umalis, ah. Nakaupo lamang ako dito habang pinipikit ang aking mga mata kasi inaantok pa ako," nagtatakang sagot ni Vince.
"Ha? Eh, habang nasa dulo pa ako ng lobby na 'to wala naman akong nakitang Vince dito-mga bag lang." Naguguluhan si Ervin sa mga nangyayari.
"Baka gutom lang 'yan. Hindi ka pa siguro nag-aalmusal."
"Eh, nag-agahan na ako. Hind-"
"Ervin, ang tagal mo naman!" Narinig niya ang tawag ni Bryan sa kaniya kaya umibis na siya agad ng building at hindi na lang inisip pa ang nangyari.
"Bakit ang tagal mo?" usisa ni April.
Umiling lamang si Ervin bilang sagot at nagmadali sa paglalakad.
"Anong nangyari doon?" nagtatakang tanong ni April kay Bryan.
"Hindi ko alam. Baka nagugutom na." Patakbo nilang hinabol ang kaibigan.
Nang makarating sa canteen ay nakita nila sina Bruce at Sophia na magkasama. Sinabihan nila ito na sabay silang babalik pagkatapos nilang makabili ng pagkain.
Tahimik lang silang naglalakad habang kumakain nang biglang sumigaw si Bruce. "Lubayan niyo na ako!" Nagulat sila sa ginawang iyon ni Bruce.
"Sinong kaaway mo diyan?" natatawang tanong ni Ervin.
"Iyong mga ibon kasi kanina pa ako ginagambala. Ang daming sinasabi," parang napipikong saad ni Bruce.
Tinawanan lamang siya ng mga kaibigan. "Hindi kayo naniniwala sa akin?" seryosong tanong niya.
"Kailan ka pa natutong makipag-usap sa mga ibon?" tanong ulit ni Ervin na pinipilit kontrolin ang pagtawa.
"Hindi lang ibon ang nakakausap ko. Una kong nakausap 'yung pusa nila ate Lance. 'Yung pauwi ako, narinig ko pa 'yung pag-uusap ng mga aso sa kalyeng dinaraanan ko."
"I have read something about that. Some people can understand what the animals around them want; somehow they can connect to each other, especially, when they are together for a long a time."
"Hindi ko naman alaga ang mga 'yan, ah."
"Sig-"
"Guys, nag-chat si Vince. May nangyari daw kay Athena," ani April na siyang nakapagpabahala sa kanila at patakbo nilang pinuntahan ang kinaroroonan ni Athena.
__________________
BINABASA MO ANG
UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)
Ciencia FicciónTwelve students having their normal college lives in a university discover something strange within them. This is the hidden ability that rested in the depths of their beings. This brings several changes to their lives and challenges the connection...