Pabalik-balik na naglalakad si Ervin sa lobby sa harap ng Physics Lab habang nag-iisip ng malalim. Pinapanood lamang siya ng mga kaibigan. Papalubog na ang araw at umuwi na rin ang kanilang mga kaklase. Napagdesisyunan nila kanina na kanilang aalamin ang nakatagong kapangyarihan ni Ervin bago matapos ang araw na 'to.
"Ervin, tumigil ka nga sa palakad-lakad mo. Nahihilo na kami rito," saway ni Vince.
Huminto sa paglalakad si Ervin at tumayo na lamang sa harap nila. "May naiisip na ba kayo?"
"Alam mo, Ervin. Hindi ka makakapag-isip nang matino dahil kinakabahan at natatakot ka," sabi ni Melody na siyang ikinakunot ng noo ni Ervin. "Ayan, oh! Kulay lila 'yung aura mo ngayon."
"Based on the stories I've read, 'yung karakter na hindi alam ang kapangyarihan niya ay 'yun pa ang may malakas na kapangyarihan," saad ni Ervin na naging dahilan ng pagtawa ng mga kasama.
"Iniisip mo talaga na malakas na kapangyarihan na sa'yo?"
"Athena, hindi. Iniisip ko lang na... what if nga. Natatakot lang ako na may masaktang maraming tao kung hindi ko makontrol kung ano man 'to." Umupo sa sahig si Ervin at nakatingin sa papalubog na araw.
"Aha! 'Yun nga!" nagulat silang lahat nang tumayo si Bruce.
"May naisip ka na ba?" tanong ni Ervin.
"Sasaktan ka namin."
"Sure ka ba na gagana 'yan?" Nagdadalawang-isip si Ervin gawin ang suhestiyon ni Bruce.
"Natatakot ka dahil baka masaktan mo ang ibang mga tao, 'di ba?"
"Oo. Tapos?"
Ilang sandaling natahimik si Bruce bago nagsalita. "Iyon na."
"Ha? Ang gulo mo, Bruce," saway ni Aries.
"Sumasang-ayon ako kay Bruce," sabi ni Bryan.
"Na saktan ako?"
"Sa mga napanood kong pelikula na may ganito, lumalabas ang kapangyarihan ng karakter kapag pinapahirapan ito o 'di kaya'y may masidhing emosyon," wika ni Bryan.
"Pelikula. Eh, fiction 'yun! Nasa totoong mundo tayo-nasa realidad," pagsalungat ni April.
"Baka lang naman-" Napatikom ng bibig si Bryan nang pinanliitan ito ng mata ng kasintahan.
Bumuntong-hininga si Ervin. "Sige. Gawin natin ang suhestiyon ni Bruce. Kapag hindi ito gumana, siguro wala nga talaga akong hidden ability."
"April at Bryan, magbantay kayo malapit sa hagdan. Sabihan niyo agad kami kung may taong paparating," utos ni Vincent na sinunod naman agad ng dalawa.
"Maghanda ka na, Ervin," sabi ni Bruce.
Tumingin si Ervin sa dulo ng lobby. "Gerald, ang CCTV camera."
"Ako na ang bahala," taas-noong saad ni Gerald.
"Sinong mauuna?" tanong ni Ervin.
"Ako na lang," pagboluntaryo ni Sheina.
"Anong gagawin mo?" kinakabahang untag ni Ervin.
BINABASA MO ANG
UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)
Science FictionTwelve students having their normal college lives in a university discover something strange within them. This is the hidden ability that rested in the depths of their beings. This brings several changes to their lives and challenges the connection...