Chapter CPH4-1028-11

44 4 2
                                    

"Who wants to take the floor first?"

Walang gumalaw sa kanilang magkakaibigan at nagmamatyag lamang kung sinong unang tatayo.

"Ikaw na mauna, Bruce. Tutal ikaw naman 'yung bloc chairperson, eh. 'Di ba, guys?" saad ni Bryan gamit ang kaniyang telepathic ability.

"Bakit ako na lang palagi?" bulong ni Bruce sa sarili. Kinukulit siya ni Bryan sa isipan at paulit-ulit na binabanggit ang kaniyang pangalan. Walang nagawa si Bruce kundi tumayo at pumunta sa harapan. Tumingin siya kay Bryan na nasa likurang bahagi at pinanliitan ng mga mata.

"I am Bruce Borja and I can communicate with animals." Pagkatapos niyang magsalita ay bumalik agad siya sa kaniyang upuan. Tumango lang dito ang mga namamahala sa unibersidad.

Sunud-sunod na silang nagpakilala sa harapan dahil ibinase na nila ito sa pwesto ng kanilang kinauupuan.

"I am Athena May Ypil. I can project my astral body."

"Show us," sabi ni Dr. Armada.

"I still can't control it, sir." Tumango lang sila at bumalik na rin si Athena sa pagkakaupo.

"I am Vince Marie Legara and I can make myself and other people and objects invisible; but I need to have a direct contact with them."

"Can you show us?" Sa pagkakarinig ni Vince sa sinabi ni Dr. Dayagbil ay agad siyang naglaho at muli siyang nagpakita na nakaupo na sa kaniyang pwesto. Namangha naman sina Dr. Armada at Dr. Dayagbil sa kaniyang ginawa.

Tumayo si Bryan sa harapan at tiningnan silang lahat isa-isa. "I am Bryan Quiapo and this is my unlocked ability," saad niya sa mga isipan ng lahat ng tao sa silid at bumalik sa kaniyang kinauupuan sa likod.

Sumunod si April na nasa kaniyang kanan. "I am April Rose Romero. I can see the past of an object by touching it."

Nagpunta naman sa harapan si Romeo. "I am Romeo Chavez at nawawalan ng alaala ang mga taong makakarinig ng pagtugtog ko ng aking violin."

"I am Ariesrio Jhunsin Base and I am very strong," sabi niya at may pa-flex pa ng kaniyang biceps. Natawa ang mga kaibigan sa kaniya. "Anong nakakatawa doon?"

"Wala," sagot ni Bruce at patuloy sa pagtawa.

"I am Melody Prahinog. I can see colors around people and it somehow corresponds to what they feel at that moment."

"I am Sheina Mae Labiste and this is my unlocked ability." Tumakbo siya nang mabilis mula sa harapan patungong likod at pabalik.

"I am Vincent Brian Indac. Buhay na buhay ako ngayon kahit nakainom ako ng tubig na may lason last Tuesday and I think that's my unlocked ability."

"I am Gerald Michael Sayud and I can control gadgets and electronic devices." Biglang nag-flicker ang LED screen at maraming application windows ang naka-display. Namangha silang limang sa nakita.

"Your ability is kind of interesting," saad ni Dr. Armada.

Pagkaupo ni Gerald ay tumayo si Ervin at pumunta sa harap nang nakayuko. Tumingin siya sa kanilang lahat bago nagsalita. "I am Ervin Claide Estelloso. Hindi ko pa alam kung ano talaga ang aking nagagawa gamit itong unlocked ability ko pero according to what happened last Wednesday, it falls on the offensive type of ability."

"What do you mean?" tanong ni Dr. Dayagbil.

"According to what I've read, some abilities can be categorized as offensive and defensive. 'Yung offensive abilities ay ginagamit sa pag-attack while 'yung defensive is for defense. Some can be both."

"Well, I think you already have some knowledge on that. Keep reading for it will help you in your development." Bumalik si Ervin sa kaniyang upuan matapos sabihin iyon ni Dr. Dayagbil.

Muling nagsalita si Ms. Urbano. "This will be your classroom. You can enter here as long as you want. Just don't let somebody not from the 12 of you to enter here and I will be your adviser. I know it feels like high school but you're a group of special students. You need guidance-a hands-on guidance. When you're outside with other people, act normal like you used to. Understood?"

"Yes, miss," sabay nilang bigkas.

"Follow us in the 7th floor," utos ni Ms. Urbano. Unang lumabas sina Dr. Armada at Dr. Dayagbil. Sumunod sina Ms. Galon, Ms. Urbano at Lance.

"Anong gagawin natin sa 7th floor?" tanong ni Aries.

"Sumunod ka na lang," singhal ni Melody.

Pagkarating nila sa 7th floor ay tumambad sa kanila ang isang malawak na auditorium.

"Anong gagawin natin dito, ate Lance?" tanong ni Sheina.

"We'll run some tests on you."

"Dito sa gitna ng malawak na auditorium?" hindi makapaniwalang saad ni Sheina dahil wala siyang nakikitang ni isang apparatus man lang. Napaigtad siya nang may tumunog na alarm at bumukas ang mga dingding ng auditorium. Tumambad sa kanila ang mga taong nakasuot ng puting lab gown sa likod ng mga fiberglass na nagsisilbing pader mula sa loob.

"Welcome to Bivertum Normal University's Research Facility," saad ni Dr. Dayagbil.

Namangha sila sa kanilang mga nakita. Hindi nila batid na may ganitong facility pala ang unibersidad.

"May ganito pala rito," sambit ni Aries habang nililibot ang tingin sa buong facility.

"This is intended only for researches," sabi ni Ms. Galon.

May lumapit sa kanila na isang lalaki na kasing edad lang ni Lance at nakasuot ng lab gown.

"This is Mel Theo Salazar, my research assistant and student," pagpapakilala rito ni Ms. Galon.

"Sa RF 701, your height and weight will be measured. You will have your eye check-up also in that room. After that, you will proceed to the next rooms-don't worry may gagabay sa inyo," saad ni Ms. Urbano.

"Relax. We're all in this together," wika ni Dr. Dayagbil na may matamis na ngiti sa labi.

Pumunta silang magkakaibigan sa RF 701 kung saan magsisimula ang pagsusuri sa kanila. Isa-isa rin silang kinuhanan ng mga blood samples at sumailalim rin sila sa X-ray at MRI sa mga sumunod na rooms.

Matapos ang iba't ibang physical, mental at medical tests ay bumalik silang magkakaibigan sa TAC 605.

"May makakatulong na sa atin. Hindi naman pala masamang malaman ng iba lalo na kung malawak ang isipan ng mga ito," maligayang sambit ni Bruce.

"Tutulong sila sa pag-develop sa atin kaya tulungan din natin ang mga sarili natin," wika ni Melody.

"Mabuti na lang nandito tayo sa university na student's welfare ang inuuna," ani Bryan.

"Ano na? Balik na tayo sa Physics Lab," nakangiting saad ni Vince.

"Ang mahuli, pangit!"

"Ang daya mo, Sheina!" singhal ni Aries sa kaibigan.

___________

UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon