"Ano bang sagot niyo sa number 28?" tanong ni Bruce nang makalabas sila ng Science building. Katatapos lang ng kanilang midterm exam sa University Physics na siyang natatanging pasulit para sa buong araw. Ikaapat na araw na ng midterm examination ng buong unibersidad at para sa kanilang magkakaibigan ay isang asignatura na lang ang kulang at maaari na silang magpakasaya.
"Kalimutan mo na lang 'yun. Tutal tapos na at wala ka na namang magagawa roon," saad ni Romeo. Tumigil sila sa lilim ng isang puno sa harap ng Science building para hintayin sina Athena at Vince.
"Guys, mauna na ako sa inyo, ha. Medyo masama 'yung pakiramdam ko, eh," paalam ni Sophia.
"Ihahatid ka na namin sa boarding house," pagpresenta ni Gerald pati na rin ang iba.
"Huwag na kasi kaya ko naman. Kailangan ko lang ng pahinga," pagtanggi ni Sophia na nauunawaan naman ng kaniyang mga kaibigan. Tumalikod siya at agad na naglakad paalis.
"Bakit ba ang tagal ng dalawa?" nababagot na tanong ni Aries subalit nagkibit-balikat lamang ang iba.
"Guys! Ano nga ang sagot niyo sa number 28?" pangungulit ni Bruce.
"Ano bang tanong?" nakasimangot na singhal ni Romeo.
"Which of the following types of thermometers have to be in thermal equilibrium with the object being measured in order to give accurate readings? (a) a bimetallic strip; (b) a resistance thermometer; (c) a temporal artery thermometer; (d) both (a) and (b); (e) all of (a), (b), and (c)," pagbasa ni Bruce sa mga nakasulat sa kaniyang kaliwang palad.
"Isinulat mo pa talaga," singhal muli ni Romeo.
"Kasi hindi ako sigurado sa naging sagot ko," singhal naman pabalik ni Bruce. "So, anong sagot mo?"
"Nakalimutan ko na," sagot ni Romeo.
"Ang labo mo naman kausap," sambit ni Bruce at inirapan ang kaibigan.
"Letter A 'yung sagot ko," saad ni Sheina.
"Letter B 'yung sa'kin, eh," bigong wika ni Bruce.
"Both of you are correct in answering the problem but not in answering the test question," sabi ni Ervin na nagpalito sa dalawa.
"Both a bimetallic strip and a resistance thermometer measure their own temperature. In order for it to be equal to the temperature of the object being measured, the thermometer and object must be in contact and in thermal equilibrium," pagkumpirma ni Gerald sa sinabi ni Ervin.
"A temporal artery thermometer, however, detects the infrared radiation from a person's skin, so there is no need for the detector and skin to be at the same temperature," dagdag pa ni Ervin.
"So, letter D." Tumango lang sina Ervin at Gerald bilang pagkumpirma sa sinambit ni Bruce. Nanlumo naman ang huli sa nalaman.
"Tama pala kami ni Bryan," masayang saad ni April at nakipag-apir pa sa kasintahan. Naging dahilan naman ito para mas manlumo pa si Bruce.
"Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? Kung kinalimutan mo na lang, hindi ka sana magmumukhang ewan diyan kakadalamhati mo sa sawi mong sagot," pangaral ni Romeo kay Bruce subalit hindi na nagsalita ang huli at nanatili na lang nakasimangot.
BINABASA MO ANG
UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)
Science FictionTwelve students having their normal college lives in a university discover something strange within them. This is the hidden ability that rested in the depths of their beings. This brings several changes to their lives and challenges the connection...