Chapter CPH4-1028-14

48 3 9
                                    

Nakaupo sina Vincent at Sheina sa bench sa labas ng Physics Lab nang dumating si Vince.

"Kayo pa lang?" bungad na tanong ni Vince sa dalawa.

"Nasa canteen daw sina Bryan at April," sagot ni Vincent.

"Guys, bakit nag-leave sina Khalil at Divine sa group chat natin?" nagtatakang tanong ni Sheina.

"Hindi ko alam," saad ni Vince.

"Add ko ba ulit?"

"Huwag na muna, Sheina. Siguro may dahilan sila sa pag-alis," pagpigil ni Vincent.

Dumating si sir Arnel, ang chemistry laboratory technician, na may dalang folder. "Dumating na ba si Sophia?" bungad na tanong nito.

"Wala pa po, sir," sagot ni Vince.

"Pakiabot 'to sa kaniya kapag dumating siya. Sabihin mo na ibigay 'to kay Ms. Urbano agad-agad." Kinuha ni Vince ang folder at umalis na si sir Arnel.

"Tanungin mo nga si Sophia kung nasaan siya," utos ni Vince kay Sheina. Napalingon siya nang dumating si Ervin na nakangiti. "Anong ningingiti-ngiti mo diyan?"

"Masama bang ngumiti?" tanong ni Ervin.

"Mukha ka kasing timang." Nawala ang ngiti ni Ervin at sinamaan niya ng tingin si Vince.

"Vince, nag-reply na si Sophia."

"Anong sabi?"

"Tayo na lang daw magbigay kay Ms. Urbano niyan."

"Tara! Samahan mo ako, Ervin." Hinila ni Vince si Ervin patungong TAC 6th floor kung nasaan ang office ni Ms. Urbano. Hindi siya nakaalma sa ginawa ng kaibigan.

Pagkarating nila doon ay wala si Ms. Urbano. Pumasok sila dahil hindi naman naka-lock ang pinto.

"Ilagay na lang ba natin 'to dito?" tanong ni Vince kay Ervin habang hawak ang folder na ipinabibigay.

"Sa table na lang niya para makita niya agad." Lumapit sila sa table ni Ms. Urbano at may napansin si Ervin. "Ito 'yung mga folder na dala ni ate Lance kahapon, 'di ba?" Tumango lang si Vince bilang sagot.

Kumuha si Ervin ng isang folder mula sa box at binuklat. Saktong sa kaniya ang folder na kaniyang nakuha. Nakapaloob dito ang kaniyang student profile at resulta ng mga tests. Sa pinakahuling pahina ay ang unlocked ability na seksiyon. "Can manipulate gaseous molecules?"

"Anong pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ni Vince.

"Nagsinungaling si Ms. Urbano. Sabi niya na ang pagtaas lang ng air pressure ang nakuhang datos ng mga researchers pero bakit ito ang nakalagay?" Hindi siya makapaniwala na hindi nagsabi si Ms. Urbano ng totoo.

"Ano bang ginawa mo sa silid na pinagdalhan sa'yo?"

"Pumikit lang ako sa buong proseso at pinilit ang sarili ko na magalit dahil 'yun lang ang alam kong nakapagpapalabas ng ability ko. Hindi ko kasi alam kung ano talaga ang ability ko," sagot ni Ervin.

"Ngayong alam mo na, makokontrol mo na ito. Pero bakit hindi sinabi ni Ms. Urbano?"

"Iyan din ang ipinagtataka ko." Bumalik siya sa unang pahina at may napansin siya sa pinakaibabaw na bahagi ng papel. "Subject H-0015? Anong ibig sabihin nito?" Narinig nila na may pumihit sa pinto kaya dali-daling ibinalik ni Ervin sa lalagyan ang folder na kaniyang kinuha. Iniluwa ng pintuan si Lance.

UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon