Nakaupo si Gerald sa hospital bed at may benda sa kaniyang kanang balikat hanggang sa braso. Mag-aapat na oras na mula nang dalhin siya rito. Kaharap niya ang kaniyang ina na alalang-alala nang dumating matapos malaman ang nangyari sa anak.
Nagtaka ang mga doktor kung bakit madaling naghilom ang fracture ni Gerald kaya gumawa sila ng ilang pagsusuri para dito. Hinihintay naman nila ang resulta.
Habang naghihintay ay hindi mapigilang magtanong ng ina. "Ano ba talagang nangyari sa'yo?"
Nag-isip si Gerald kung paano sasabihin sa ina habang tinatago ang mga kakaibang nangyari sa kaniya. Alam niyang masyado itong mag-aalala at hindi agad maiintindihan dahil siya rin ay hindi maintindihan at hindi alam kung bakit siya nagkaroon ng kapangyarihan.
"Aksidente lang po ang nangyari. Nakaapak po kasi ako ng ballpen kaya nawalan ako ng balanse at tumama ang likurang bahagi ng balikat ko sa pader nang tuluyan na akong matumba," sagot ni Gerald nang hindi tumitingin sa kaniyang ina.
Wala namang ibang tanong ang kaniyang ina at nagpaalam lang ito upang bumili ng mga gamot sa labas.
Natuwa naman si Gerald nang nagsidatingan ang kaniyang mga kaibigan.
"Okay ka na ba?" bungad na tanong ni Bruce habang nakangiti.
"Oo, wala nang dapat ipag-alala pa."
"Kailan ka makakalabas dito?" usisa naman ni Vince.
"Hinihintay lang namin ang resulta ng tests. Nagtaka kasi ang mga doktor-nandiyan na pala." Napalingon sila sa pagpasok ng doktor.
"Mr. Gerald Michael Sayud, pwede ka nang ma-discharge. Wala nang dapat ipag-alala pa."
"Ano pong resulta ng mga ginawa niyong test sa'kin?"
"We found out that your stem cells are working at a higher rate than normal. We also found a minute concentration of a strange chemical substance in your bloodstream and we hypothesized that it constitutes to how your stem cells act. But no worries, you're good to go. May I leave you now?"
"Thank you, doc." Lumabas na ang doktor sa silid at sakto namang bumalik na ang ina ni Gerald.
"Ma, pwede na akong ma-discharge," sabi ni Gerald habang may ngiti sa mga labi na siya ring ikinatuwa ng ina.
Napansin naman ni Gerald si Ervin na walang imik at hindi makatingin nang direstso sa kaniya. Lumapit siya dito at yumakap. Nagulat naman si Ervin sa kaniyang ginawa.
"Huwag ka nang mag-alala, maayos na ako," bulong niya dito.
"Sorry," tanging nasambit ni Ervin.
"Wala kang kasalanan dahil aksidente ang lahat. Kalimutan mo na ang nagyari," sabi ni Gerald.
Mahigpit namang yumakap pabalik si Ervin at nagpasalamat. Humiwalay lang sila nang magsalita si April.
"Lumabas na tayo rito. Nakakatakot ang mga nakikita ko rito."
"Huwag ka kasi humawak sa kung anu-ano rito. Kamay ko lang hawakan mo," saad ni Bryan sabay hawak sa mga kamay ni April.
"Tara na! Sana lahat mayroong jowa."
"Mag-focus ka na lang sa pakikipag-usap sa mga hayop," singhal ni Romeo na naging dahilan ng pagtawa ng lahat maliban kay Bruce na sinamaan sila ng tingin.
BINABASA MO ANG
UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)
Science FictionTwelve students having their normal college lives in a university discover something strange within them. This is the hidden ability that rested in the depths of their beings. This brings several changes to their lives and challenges the connection...