Bagong araw, bagong mga pangyayari ang maisusulat sa kasaysayan. Kapapasok lang ni Athena sa unibersidad. Habang siya'y naglalakad patungong Science building ay narinig niya si Bryan na nagsalita sa kaniyang isipan na nagpaigtad sa kaniya.
"Tingnan niyo kung may nag-message sa inyo na unknown number at sinasabing papupuntahin kayo sa TAC 605."
"Ito naman si Bryan, nanggugulat," bulong ni Athena sa sarili. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nakita ang mensaheng sinasabi ni Bryan. Nagmadali siyang nagtungo sa Physics Lab subalit walang tao roon. Tinanong niya sa group chat nilang 12 kung nasaan sila pero walang sumagot.
Tiningnan niyang muli ang mensahe at napagdesisyunan niyang puntahan iyon. Hinihingal siyang nakarating sa 6th floor ng TAC building. Bumungad sa kaniya ang mga nakakahong mga papel sa gilid ng lobby.
"Dito pala ang mga office ng mga professors," sabi niya sa sarili.
Hinanap niya ang room 605 at natagpuan niya ito sa dulo ng lobby. Ang pinto ay gawa sa kahoy kaya hindi niya makita kung anong nasa loob. Kumatok siya bago binuksan ang pinto. Tumambad sa kaniya ang mga kaibigang nakaupo sa mga silya at nag-uusap. Lumingon ang mga ito sa kaniya na parang nagtataka nang siya'y pumasok. Tumayo si Bruce at nilapitan siya.
"Bago ka ba rito?" tanong ni Bruce sa kaniya.
Lumapit na rin sa kaniya si Romeo at nagtanong, "Anong pangalan mo?"
Naguguluhan at natatakot siya sa mga nangyayari. Gusto niyang magsalita subalit hindi niya kaya.
"Athena ang pangalan niya," sabi ni Sheina na biglang sumulpot sa kanilang harapan sabay pakita ng ID ni Athena.
"Hi, Athena!" nakangiting saad ni Romeo. Lumapit na rin ang iba habang binibigkas ang kaniyang pangalan nang paulit-ulit. Hindi niya alam kung anong gagawin kaya pumikit na lang siya at tinakpan ang mga tainga.
Sa muling pagmulat ng kaniyang mata ay nakita niya si Sophia habang niyuyugyog siya at binibigkas ang kaniyang pangalan. Agad niya itong niyakap.
"Masamang panaginip ba?" tanong ni Sophia.
Hindi sumagot si Athena na patuloy pa rin sa pagyakap at malakas ang kabog ng dibdib.
"Bakit ba ang aga mo at nakatulog ka pa rito sa bench?" tanong muli ni Sophia. Umupo siya sa tabi ni Athena nang humiwalay ito sa yakap.
"Maaga lang akong nagising at walang magawa sa boarding house kaya pumuta agad ako rito," sagot ni Athena na unti-unti nang nawawala ang kabang naramdaman dulot ng masamang panaginip.
"Maiwan na muna kita, Athena. May gagawin pa ako sa ChemLab, eh." Tumango lang si Athena rito at kinuha ang kaniyang cellphone nang makaalis si Sophia upang siya'y malibang at makalimutan ang napanaginipan. Ayaw niya ring makatulog muli dahil natatakot siyang managinip na naman ng masama.
Ilang sandali pa ay nagsidatingan na rin ang kaniyang mga kaibigan. Bumalik din si Sophia mula sa Chemistry Laboratory na may dalang mensahe.
"Guys, sabi ni Ms. Urbano na pumunta raw kayo sa TAC 605." Kinabahan si Athena sa narinig.
"TAC 605? Parang narinig ko na 'yan, ah."
"Bakit naman?" tanong ni Gerald.
"Hindi ko alam. 'Yun lang ang sinabi niya. Pumunta raw 'yung mga nakausap niya after Gerald's accident. Pati na raw si Gerald at Ervin. Puntahan niyo na lang para malaman niyo kung bakit. Babalik pa ako sa ChemLab kasi may tatapusin pa ako." Tumalikod na si Sophia at umakyat ng 3rd floor.
BINABASA MO ANG
UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)
Science FictionTwelve students having their normal college lives in a university discover something strange within them. This is the hidden ability that rested in the depths of their beings. This brings several changes to their lives and challenges the connection...