Chapter 1

6.5K 115 29
                                    

Gab's POV

"Ma, alis na ako"

"Sige anak. Mag-ingat ka ha? Oh eto baon mo"
Inabot sakin ni mama yung tupperware.

"Thank you ma! I love you. Bye"
Nagpaalam na ako kay mama at naglakad na papuntang school.

"Good morning Mang Raul!"
Bati ko sakaniya nung nadaanan ko siyang naglilinis ng tricycle niya.

"Goodmorning iha. Papasok ka na ba? Ihahatid na kita"

"Hindi na Mang Raul. Malapit lang naman eh"

"Sigurado ka? Pers day of school pa naman, baka malate ka?"

"Hindi na ho. Baka masayang naman gasolina Mang Raul. Diyan lang naman yung school eh"
Malapit lang naman talaga yung school. Mga 20 minutes bago ka makarating sa school. Para saakin malapit na yun. Atsaka maaga pa naman.

"Sige iha. Mag-iingat ka ha?"

"Sige po!"
Nagpaalam na ako sakaniya.

Hayyy!!! Ang saya! First day of school ngayon!

Ang lapad ng ngiti ko habang naglalakad dahil excited talaga ako. Feeling ko magiging super ganda ng araw ko ngayon! Halos lahat ata ng nakakasalubong ko binabati ko kulang nalang pati mga ibon batiin ko na din sa sobrang ganda ng mood ko.

Naglalakad lang ako ng biglang may nakita akong lalaki na kalalabas lang galing coffee shop. Nakatalikod siya at may kausap siyang babae pero hindi ko din makita kung sino. Pumasok na yung babae sa coffee shop at natulala ako ng biglang humarap sa gawi ko yung lalaki.

Oh my gosh! Ang gwapooo!! Shet! Lord may ipinadala mo pa ba kayong anghel dito sa lupa? Napakagwapo naman pong anghel nito!

Napatingin naman ako sa suot niyang uniform.

BIS?! N-nag-aaral siya sa BIS? Wahhh! School mate kami!

Naglakad na yung lalaki papunta sa kotse niya at pumasok sa driver's seat ng hindi tumitingin sakin.
Nang nasa tapat na ako ng kotse niya, nakita kong busy siya sa pagtatype sa phone niya at sa kabilang kamay niya naman ay hawak niya ang dalawang kape. Napatingin naman siya sakin kaya napatulala nanaman ako.

Shemay! Ang gwapo niya talaga! Ang ganda ng mata! Para akong hinihynotize ng mga mata niya.

Inalis niya sakin ang paningin niya at nagkalikot nanaman siya sa cellphone niya. Napakurap-kurap ako at nagtuloy sa paglalakad. Hinawakan ko ang bibig ko at tiningnan kung may laway ba na tumutulo. Nanlaki ang mata ko nang may nahawakan akong laway sa baba ng bibig ko.

Shet lang! Baka naturn-off siya sakin!

Nilingon ko yung sasakyan niya at nakita kong hindi pa siya umaalis.

Sana naman isabay niya ako. Oh my gosh! Kung isasabay niya ako, ako na ang pinakaswerteng babae! Wahh!

Napaliko ako sa kanto at maya-maya lang ay may narinig akong sasakyan na paparating. Paglingon ko sa likod ay nakita ko yung kotse niya!

Shet! Susunduin niya ba ako? Sabay kaya kaming pupunta ng school? Kyahh! Kinikilig ako! Ay wait, pano niya naman malalaman na sa BIS din ako kung hindi pa ako naka uniform? Ah alam ko na!

Napahinto ako at humarap sa kalsada. Hinihintay ko siyang makalapit. Ngumiti ako ng malapad at kumaway pa habang papalapit yung kotse niya.
Normal lang ang pagpapatakbo niya sa kotse niya ng biglang bumilis yun at nilampasan ako.

"Ackkkk!!!"
Natalsikan ako ng putik! Hindi ko napansin na may putik pala sa harap ko kaya nung dinaanan niya ng kotse niya, natalsikan ako.
"Hoy! Bumalik ka dito! Bastos! Walangya!"

Never mess with an Enrile-MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon