Chapter 18

1.3K 40 2
                                    

Gab's POV

Nasa locker room kami ngayon at nagbibihis dahil PE namin ngayon.

"Alam mo na ba yung nangyari kahapon?"

"Bakit ano ba yun?"

"Binuhusan kasi ni Maxspaun si warfreak girl kahapon ng pintura"

"Talaga? Hahaha! Bagay lang yun sakaniya!"

"Oo nga! Akala mo kung sino. Ang yabang niya masiyado. Ang kapal kasi ng mukha niyang kalabanin si Maxspaun. Yan tuloy napapala niya! Hahaha!"

Nag-init agad ang ulo ko sa dalawang babaeng nag-uusap kaya agad akong napatayo at akmang susugudin yung dalawa.

"Gab, don't"
pigil sakin ni Lea.

"Pero---"

"Let me handle it"
ngiti niya sakin at pumunta dun sa dalawang babae.

"Excuse me?"

"A-azalea"
gulat na humarap yung dalawa.

"What are you two talking about again?"

"A-ano kasi L-lea..."

Nakita ko namang ngumiti si Lea.
"I heard you did not know about what happened yesterday between Maxspaun and Gab?"

Mukhang nabigla yung isang babae.
"H-hindi. Hindi ko alam. A-absent kasi ako k-kahapon"

"Do you want me to repeat it for you?"

"H-ha?"
gulat niyang sabi.

"May nakita akong pintura sa likod. Pwede nating ulitin ngayon ang nangyari kahapon"

Napatingin naman sakin yung babae at bumalik ang tingin kay Lea.
"K-kanino?"

"Obviously...not to her"
turo sakin ni Lea.
"Kung gusto mo, sainyong dalawa ko gawin para hindi niyo lang makita, maramdaman niyo pa"

Gulat akong napatingin kay Lea.

Ano bang ginagawa niya?

"A-azalea"
nagulat naman yung dalawa at napaatras.

"Why? Ayaw niyo ba?"
ngiti niya.

"A-ayaw namin L-lea. Please wag mong gawin samin yun"

"Tsk"
napapailing akong natatawa habang pinapanuod sila.

"I bought this locker room. If you're just going to gossip about yesterday, you better leave kung ayawa niyong kaladkarin ko kayo palabas"

O_O

"S-sorry Lea. O-oo, aalis na k-kami"
akmang tatalikod na sila nang magsalita ulit si Lea.

"Wait"
natatakot namang lumingon yung dalawa.
"Apologize to her"
turo niya sakin.

Napatingin sila sakin.
"P-pero---"

"Gab can you give me the paint on the back please?"

Mukha namang natakot sila kaya bumaling sila sakin.
"S-sorry Gab"

Napaangat ang kilay ko.

Ang pangit pala pakinggan kapag yung chismosa ang bumanggit ng pangalan ko.

Dali-dali namang umalis yung dalawa.

"Hahahahahahaha!"
tawa ko.

"Why are you laughing?"

Never mess with an Enrile-MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon