This is the last part of their Acquaintance party. Enjoy! ^_^Gab's POV
Masama ang mukha na nakaupo ako ngayon sa isang table habang nakatingin sa mga taong sumasayaw at nakikinig sa music na nagmumula sa dj.
Sa kabilang side naman ng table na inuupuan ko ay nakaupo si Maxspaun. Kaming dalawa lang ang nakaupo dito since hinihintay namin sila Lea at Aki, kung ano ba ang naging resulta ng relationship nilang dalawa.
Lihim akong tumingin kay kupal. Walang reaksiyon lang siyang nakatingin sa paligid. Kalahating oras na kaming nandito. Walang imikan, hindi nagpapansinan at hindi kami nagtitinginan. Wala rin siyang pinapansin na kahit sino. Mapababae o mapabakla man na niyayang isayaw siya, hindi niya kinakausap o sulyap manlang.
Iniwas ko na ang tingin sakaniya bago niya pa mapansing tinitingnan ko siya at ngumuso.
Badtrip! Bakit kasi laging lumalapit yang bwiset na yan. Bigla-bigla nalang sumusulpot. Sinusundan ba ako nito?! Feeling ko talaga nananadya to para mang-inis eh.
"Spaun!"
napalingon ako sa biglang tumawag kay kupal at nakitang si Zelestaire yun. Kahit kanina pa nagsimula ang party, napakafresh at napakaganda niya pa din.Samantalang ako, sabog-sabog na at sobrang haggard pa. Hindi naman kasi ako nag-aayos eh at hindi ko pa tinitingnan ang sarili ko sa salamin simula nung pumunta ako dito.
"I was looking everywhere for you"
aniya kay Maxspaun.
Biglang napatingin sakin si Zelestaire at ngumiti.
"Hi Gab"
ngumiti din naman ako sakaniya pabalik at agad na bumalik sa pagkakasimangot.Nakita ko sa gilid ko na nagpapalit-palit siya ng tingin saming dalawa.
"You're together" kahit di ko siya nakikita, alam kong natutuwa siya sa nakikita niya.Iniisip siguro nito na ayos na kami ng kupal na to. Well duh! Hindi mangyayari yun!
"Where's Aki by the way? We still have to dance"
"He's with Lea. They're talking outside. Don't worry, they'll be here in a minute"
"Wow. Really? It's good to hear that they're talking again"
San ba pinanganak ang mga to? Sa Amerika? Hello? Magtagalog kaya kayo..
Mamaya-maya lang ay hindi ko na sila pinansin pa at hinayaan silang mag-usap.
Anong...bakit may hinayaan? Bakit? Kailangan ba, may permiso ko? Paki ko ba kung mag-usap sila. Edi mag usap sila buong magdamag. Kung pwede ngang ilayo na yan ni Zelestaire para hindi ko na makita si kupal. Kanina pa kasi sulpot ng sulpot.
"Hey!"
nakacross-arms at nagmamaldita nanaman na lumapit sakin si Naya.
"Where's our deal?"Agad ko siyang hinila paupo sa tabi ko.
"Ano ba?! What are you doing?!""Pinapaupo ka. Kailangan ko ng makakausap. Pumapanis na ang laway ko. Okay nang magsigawan tayo dito, kesa wala akong nakaka-usap"

BINABASA MO ANG
Never mess with an Enrile-Moon
Teen Fictiona Maxspaun Thaddeaus Enrile-Moon story (ON-GOING) He's into Her Fanfiction ^_^ Credits to the owner of He's into Her: miss Maxine Lat Started: May 11, 2020 Ended: Highest ranks: #1- he's into her #1- maxinejiji #55- fanfiction #1-tagsen #435- teen f...