Gab's POV
Natapos ang araw na puro discuss at recitation. Idagdag pa ang maraming assignments.
Pagkatapos ng nangyari kanina, hindi ko pinansin at hindi ko manlang tiningnan yung Maxspaun na katabi ko sa upuan. Gusto ko man siyang iwasan pero pano ko naman magagawa yun diba? Bukod sa kaklase ko siya, katabi ko pa.
Pesteng buhay!
Hindi ko nalang pinansin ang mga students na nagbubulungan at sobrang sama ang tingin mula pa kanina dahil sa hindi ko sinasadyang pagtapon ng juice kay Maxspaun.
Taas noo akong naglakad sa hallway hanggang sa makapunta sa parking lot.
Naikwento ko na din kay Lea ang nangyari kanina dito sa parking lot at ang mga pinag-usapan namin nung Maxspaun.
"Don't worry, kakausapin ko si Maxspaun"
Sabi niya habang nagdadrive."Naku hindi na Lea! Ayoko namang madamay ka sa away namin"
"No, I'll talk to him. I'm not sure kung makikinig siya sakin but I will try. Hindi pwedeng ganun yun Gab"
Sabi niyang may pag-aalala."Hindi na Lea. Okay lang talaga. Duh! Hindi naman ako takot sakaniya noh!"
Sumimangot ako."Gab, you know why you're here and remember why you transferred in BIS"
aniya na nakatingin sa daan.Napabuntong hininga ako at tumingin sa labas ng bintana.
"Alam ko naman yun Lea. Hindi ko naman nakakalimutan yun. Wag kang mag-alala, mag-iingat naman ako"Napabuntong-hininga siya at alam kong hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.
"Well, I hope Maxspaun is not serious about what he said"
Hindi na ako sumagot at nakasimangot lang.Psh! Paki ko dun sa lalaking yun!
Nakarating na kami ng bahay at nagpaalam na ako sakaniya.
"Dito na ako!"
Sabi ko kay mama at hinalikan ko siya sa pisngi habang hinahanda niya ang ulam na ibibigay sa customer.
"Ako na diyan ma. Si ate?""Male-late daw siya ng uwi. Naku anak, buti nalang nandito ka na"
Nginitian ko si mama.Napansin kong napakadami ng customer kaya naman tinulungan ko si mama mag hatid ng mga pagkain sa customers. Binati ng ibang mga customers na nandun dahil yung iba sakanila ay suki na dito.
Maya-maya lang ay kumunti na ang customer kaya naman nilapitan ako ni mama.
"Oh mag bihis ka na at pumunta sa trabaho mo""Pwede naman ako magpalate ma eh. Tulungan na kita hanggang sa makarating si ate"
Hinawakan niya ako sa balikat.
"Hindi na anak. Siguradong paparating na din ang ate mo. Alam mo, hindi talaga ako kumbinsido diyan sa pagta-trabaho mo na yan. Mapapagod ka lang Gab"Inakbayan ko si mama.
"Ma, pinag-usapan na natin to diba? Okay lang ako. Don't worry about me"
Nginitian ko siya at gumaan ang loob ko dahil ngumiti din siya pabalik."Thank you anak ha. Talaga namang ang swerte ko sainyo ng ate mo"
Nginitian ko siya at nagyakap kami.Pinilit ako ni mama na pumasok na sa trabaho kahit na gusto ko pa siyang tulungan sa karinderya namin. Bago palang daw ako sa trabaho ko kaya
wag daw dapat akong magpalate. 6 pm to 12 am ang shift ko dahil sa oras din na yun nagsasara ang restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Sa sunday naman ang off ko.Pwede naman akong tumulong nalang sa karinderya namin pero hindi sapat yung kinikita namin dun para sa pang araw-araw namin lalo na't pareho kaming sa BIS na nag-aaral ni ate Alessandra.

BINABASA MO ANG
Never mess with an Enrile-Moon
Teen Fictiona Maxspaun Thaddeaus Enrile-Moon story (ON-GOING) He's into Her Fanfiction ^_^ Credits to the owner of He's into Her: miss Maxine Lat Started: May 11, 2020 Ended: Highest ranks: #1- he's into her #1- maxinejiji #55- fanfiction #1-tagsen #435- teen f...