Chapter 13

35 3 0
                                    

Maaga akong nagising. Hindi dahil sa kinakabahan o excited ako sa laban para mamaya kung hindi..

ALAS KWATRO BA NAMAN TINAWAGAN AKO NI CHARD PARA SABIHING EXCITED DAW SIYA.

Kaya ayon. Hindi na ako nakatulog 5 am palang at wala na rin naman akong balak matulog nag warm up nalang ako katapos nun nagluto ako ng pagkain ko dahil tulog pa si Mama.

Bigla namang nag ring ang cellphone ko.

Umirap ako bago sumagot ng makita kong si Chard ang tumatawag.

[Hoy bakla buksan mo gate niyo]

"Tangina mo umagang umaga wag kang nag bibiro diyan 5:30 palang sasapakin talaga kita"

[Buksan mo na! Nasa labas ako makikikain ako eh] Anak ng.

Pinatay ko ang tawag at lumabas.

Nakita ko naman siyang bitbit na ang mga gamit niya mamaya para sa laban namin.

"Deputa ka ang tagal tagal mo, ang lamig eh" Reklamo niya at agad pumasok sa loob ng bahay namin.

Wow feel na feel ha?

Bahay mo? Bahay mo?

Sumunod din ako sa pag pasok at inirapan siya. "Sino ba naman kasing tangang umagang umaga pupunta dito? Masyado kang excited."

"E bakit ba, uy ano yang niluto mo? Pahingi ako ah." Sabi niya at agad kumuha ng hotdog, ham, at scrambled egg.

"Gutom na gutom? Wala bang pagkain sainyo? Putang akin pagkain yan e" Sabay agaw doon.

"Anong sayo? Sige isusumbong kita kay tita at sasabihin kong--" Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya dahil sinubo ko sakanya yung buong hotdog na niluto ko.

"Ingay mo"

Tawang tawa ako sakanya habang nginunguya niya yung buong hotdog na sinubo ko sakanya.

Nagluto nalang ako ulit at hindi na nagsalita.

Katapos non umalis kami agad ng bahay pumunta kaming court para mag warm up.

Nakita ko naman sila Che, Iya at Carlo na kasama doon na nag aasikaso ng Booth nila.

Good thing na hapon pa ang Laro namin kaya makakanood sila mamaya dahil hanggang hapon lang din yang booth nila.

Nakakatawa nga gumawa pa silang banner para samin ni tukmol.

Katapos naming mag warm up ni tukmol pumunta kami sa Booth nila Che.

"Kita mo yung pangalan ng booth nila? Hahaha puta sino nakaisip non." Sabi ni Chard habang tawang tawa ng makalapit kami sa Booth nila Che.

'FOODHUB MAPAPA UGH KA SA SARAP'

Nang makita ko rin hindi ko mapigilan ang tawa ko.

Nakita ko namang tinignan ako ni Chard at tumawa siya ulet.

"Ay tawang tawa mga teh?" Sabi ni Che ng makalapit kami sakanya.

"Sino nakaisip ng Title ng booth nyo? Tangina kabastusan hahaha" Sabi ko kay Che.

Nakita ko namang busy sa pag aayos sina Iya at Carlo.

"Syempre ako! Galing diba. O bili na kayo aba eto oh Palubog, limang piso lang yan kada isa o kaya pwede naring sampong piso mayaman naman kayo e." Sabi ni Che habang turo turo yung Palubog na sinasabi niya.

"Palubog? Ano yon" Nagtataka namang tanong ni Chard.

Yung palubog kasi na sinasabi ni Che ay palitaw. Yung may asukal at buko.

Etong si Chard naman hindi ma gets.

Napaka slow.

"Hay nako Chard, pogi pogi mo pa naman pero ang slow mo." Sabi ni Che. "Palitaw yan! Ginawa ko lang Palubog, ang astig kaya diba?"

"Utak mo nasa pwet hahaha." Asar naman sakanya ni Chard.

Mas lalo akong natawa ng makita ko yung tinitinda nilang palamig na pinangalanan nilang Painit.

Hahaha puta seriously pumayag si Carlo sa kagaguhan nila Che at Iya?.

Tumawa nalang ako at umiling iling.

"Hoy wag kang masyadong masaya diyan, baka mamaya matalo tayo sa Laro." Singhal naman sakin ni Chard.

Napaka isip bata talaga.

Habang kumakain nakita ko naman si Ginno na mag isa naglalakad kaya pinuntahan ko siya.

"Uy bro andyan ka pala, Goodluck mamaya." Sabi niya saakin ng kalbitin ko siya.

Tumango naman ako at ngumiti. "Oo goodluck din sainyo, kumain kana?"

"Hindi pa nga eh."

"Oh tara dun sa booth nila Che, may pagkain don makisalo kana samin." Sabi ko naman sakanya.

Nakita ko namang umirap si Chard at nag 'tch'  Parang sira ulo lang.

"Uy si Fafa Ginno, ehehe hi po" Sabi ni Che at kumapit agad sa braso niya na ikinagulat ko kaya inalis ko ang kamay niya doon.

"Ano ka ba Viro, crush ko kasi tong si- ehe shi Ginno, selos ka naman agad diyan hmp."

"Marunong ka ba mahiya Che?" Tanong ko at tumawa nalang sakanya.

Ti amo così tanto |BL| (Completed)Where stories live. Discover now