Chapter 11

38 4 0
                                    

Chardii_ followed you.

Nakita ko namang finollow ako ni Chard kaya finollow back ko naman siya.

Nakita ko ang post niya 1hr ago. Yung nakahiga siya sa kama ko naka wink at naka pogi sign pa ampota siguro kanina yun habang kumukuha ako ng snacks namin.

Nakita ko pa ang caption niya.

che bella giornata.

Diko nalang pinansin kasi hindi naman ako marunong mag italian.

Kinabukasan naging sobrang busy kami papalapit na kasing papalapit ang intrams namin at lumalaban pa kami.

Minsan ko na nga lang makausap sila Che dahil araw araw na kaming nasa court.

"Pagod kana?" Tanong ni Chard.

Hello? Malamang oo sinong hindi mapapagod e kanina pa kami nandito at mag aalasais na ngayon.

Sa susunod na araw na kasi ang laban namin kaya todo practice na kami.

"Malamang, bakit ikaw hindi pa?" Tanong ko naman kay Chard. Sa mga linggong lumipas medyo hindi na niya ako inaasar ewan ko ba ano nangyari dito. Bigla nalang bumait saakin ng hindi ko alam ang dahilan.

Pero isa lang ang alam ko.

Lagi siyang kumakain sa bahay namin! Halos araw araw narin siya sa bahay namin tuwing uwian galing ng practice uuwi lang siya kapag susunduin niya ang kapatid niya.

"Oo, malapit narin matapos niyan." Sabi naman niya at bumalik na kami sa pagpapractice, katapos nun sabay na sana kaming uuwi kaso may biglang sumulpot na babae sa harap namin at si Chard ang tinitignan.

"Hi babe, hows your practice? Pagod ka ba? Tara na sabay na tayong umuwi." Sabi nung babae. Sabay kapit sa braso ni Chard.

Actually hindi mo maitatangging maganda siya, makinis ang balat at mahaba ang buhok.

Baka girlfriend niya to.

Medyo lumayo nalang ako ng konti kay Chard.

Bakit ganon? Naiirita ako.

"May kasabay ako Zia, atsaka gabi na bakit nandito ka pa?" Narinig kong sabi ni Chard.

"Ayun nga babe e hinintay kita tapos hindi mo ako isasabay umuwi? hmpp." Sabay pout pa nung Zia.

"H-hindi mauuna na ako Chard, siya nalang isabay mo babae yan delikado sa daan." Sabi ko naman at umalis nalang para hindi mailang.

Pagkarating ko ng bahay tila may hinahanap si Vien at si Mama.

"Wala si kuya Chard?" Tanong ni Vien.

Buti nalang at wala pa si Papa baka madaling araw nanaman umuwi yun.

"Oh asan si Chard nak?" Sabi ni Mama.

Nasanay na kasi silang lagi kong kasama si Chard dito. Kahit gabi na ay tumutuloy parin siya dito ngayon lang hindi.

Ngumiti nalang ako sakanila at "Nako pagod si Chard Ma, maaga siyang pinauwi ngayon atsaka kasama niya rin po Girlfriend niya." Sabi ko sakanila.

"Ay ganon ba" Sabi ni Mama at nag pout pa. "O sige kumain na tayo" Dugtong niya.

Katapos naming kumain dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpahinga ng kaunti katapos non nagshower ako.

Nag online ako sa Facebook at nakita kong may message saakin si Chard.

Chard Buenofelor •
Hoy beks wag kang mangrape sa daan ah? Reply ka pag nakauwi kana. Ingat sila sayo :>.

Ngumiti naman ako at nireplyan siya.

Viro Monaste •
Nakauwi na ako. Kayo ng girlfrien mo nakauwi na ba? Oh wag mo siyang i r rape ah bata pa kayo hahahahaha ^_^

Nakita ko namang agad agad siyang nag reply.

Chard Buenofelor •
Gago, hindi ko girlfriend to. Magpahinga ka na pagod ka kanina baka mamatay ka agad dyan wag muna may laban pa tayo.

Sabi niya at tinawanan ko nalang nakita kong nag ring naman ang cellphone ko at tumatawag siya.

[Goodnight beks, see u tomorrow] Yan lang ang sinabi niya at pinatay na niya ang tawag.

Napangiti nalang ako.

"Parang baliw lang" Sabi ko at natulog nalang.

Kinabukasan medyo maaga ako at nandoon na rin sila Che, Iya at Carlo. Si Chard nalang ang wala.

Nakita ko namang parang may pinag uusapan sila at mukhang kilig na kilig si Che habang sila Carlo at Iya ay tumatawa lang.

"Oo gagu, kinikilig ako dati Team CaRo shipper ako pero ngayon Team ViArd nako" Narinig kong sabi ni Che kaya nagtanong ako agad.

"ViArd?"

Nakita kong natigilan naman silang tatlo.

Ti amo così tanto |BL| (Completed)Where stories live. Discover now