Chapter 5

50 5 0
                                    

Nang mag Monday na nakita kong nauna sa Classroom si Sofia kaya kinwento ko lahat ng nangyari sakanya, alam ko namang naiintindihan niya ako.

"Tangina hindi niya alam yung nakakainis" Ako.

"Hayaan mo na, kakausapin mo yun pag nagkataon para di ka asar asarin."

Tinapik niya nalang ang balikat ko ng biglang dumating sila Cheala, Carlo at si Chard.

"Hoy goodmorning Be--" Si Chard.

Tangina naman, banggitin mo sila.

Masama ko siyang tinitigan ng marealize niya kung anong sinasabi niya.

"Berooo hehehe" Sabi niya dabay kamot sa ulo, inirapan ko nalang siya at umupo na sila.

"Bero ampota hahaha" Tawa naman nila Carlo.

"Hoy sabi sakin netong si Chard pinilit mo daw siyang sumali sa Basketball, nag try out daw kayo nung sabado ah bat hindi mo sinasabi samin Viro na naglalaro ka pala ng Basketball? Pinilit mo pa daw si Chard nako talaga tsk tsk" Sabi ni Cheala.

What the?! Ako pa ang pumilit?

Putangina ah.

"ANONG AK--" Sigaw ko pero biglang nag 'ehem' si Chard.

At alam ko na ibig sabihin non.

Pakyu bente Chard!! Sabi ko sa isip ko.

"Ah oo ako nga e WALA KASI AKONG KASAMA NA MAGLALARO KAYA INAYA KO SIYA, DIBA CHARRRRD? ANG BAIT MO PALA HEHE" Sarcastic kong sabi sakanya habang nakatitig sakanya.

Tumawa pa ang pota.

"Oo naman wala yon, kaibigan tayong lahat dito." Sabi niya.

Tangina mo plastik.

Kupal ka.

Hindi nalang ako nagsalita at pinabayaan sila kung anong pinagkekwentuhan nila hanggang sa dumating na ang Prof namin.

"Sa wakas uwian na makakapag pahinga na tara Che sabay na tayo." Sabi ko.

"Akala ko bang may practice kayo nila Chard. Lah ka diyan mauna na ako ha may lakad pa kasi ako goodluck enjoy bye!" Sabi niya at tumakbo na paalis.

Mukhang nagmamadali ah?

Oo nga pala may practice pa. Hay buhay nga naman.

"Una narin kami" Sabi ni Carlo at sumunod na sakanya si Sofia.

"Lika na, ma late pa tayo" Sabi naman ni Chard.

Hinampas ko sya ng notebook sa ulo bago siya makatayo. Bagay lang sayo yan! Plastik na sinungaling pa.

"Hoy! May kasalanan kapa sakin ah baka nakakalimutan mo yung pinagsasabi mo kila Che kanina!"

"Sige isang hampas pa, Famous kana bukas" At nakuha pa niyang mang asar.

"Bahala ka diyan!" Sabi ko at nauna na akong pumunta sa Court ng school namin.

And as usual madami ulit tao, sikat talaga tong si Chard.

Akala ko si Chard yung tinitilian nila pero nakita ko yung..

Yung shet!

Yung nakabunggo ko nung enrollment!

Ang gwapo niya..

Naglalaro din pala silang Basketball narinig kong sabi ng mga babae dito at Grade 11 sila.

Sila ang kalaban namin.

Pota.

Kalaban ko siya?

Siguro papatalo na ako.

Suko na po ako daddy.

"Shit putangina." Sabi ko habang sapo sapo ang ulo ko.

"Hala sorry hindi ko sinasadya"

Nananaginip lang ba ako?

Nasa harap ko siya!

Oh.

Siya ang nakatama sakin?

Siguro may tama siya sakin.

Tanginang isip to nasaktan na nga nakuha pang lumandi.

"Sorry sorry, nahihilo ka ba? Dadalhin kita sa Clinic" Siya.

Napaka gentleman naman po daddy.

Bumalik ako sa normal ng mapansin kong dumudugo ang ilong ko.

"Shit, dadalhin na kit--"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang sumulpot si Chard at kinwelyuhan siya.

"Anong ginawa mo sa kaibigan ko ha?!" Sabi ni Chard.

May mga ibang players na ang pumunta sakin at inalalayan ako at nakita kong marami na ding nakalupong kila Chard at dun kay pogi.

"Awatin nyo" Sabi ko sakanila.

"Easy pre, natamaan ko lang ng bola at dadalhin ko siya sa clinic sorry ulit" Narinig kong paliwanag ni Pogi.

Nakita ko namang tumakbo saakin si Chard at siya na ang umalalay saakin.

"Ayos ka lang ba? Nahihilo ka?" Sabi niya sabay punas sa ilong ko.

"Oo wag kang OA diyan malayo to sa bituka, napaka ano mo muntik mo pang suntukin si Pogi"

"Pogi? Bakit crush mo yon? Wala kang taste." Sabi niya.

"Hindi ko crush yon!" Sabi ko nalang.

Dinala niya ako sa Clinic at binigyan naman ako ng gamot ng nurse don at pinagpahinga dahil medyo nahihilo pa ako.

Lakas ng pagkatama.

Napaidlip ako ng kaunti at nang magising ako nandito pa si Chard.

Tangina di kami nakapag practice.

"Hoy ba't nandito ka? Bakit di mo ako ginising? Hindi tayo nakapag practice tanga!" Sabi ko sakanya.

"Chill beks, sinabihan ko na si Coach at yung kupal na lalaking nakatama ng bola sayo. Alam naman na lahat ni Coach atsaka pinabantay ka niya sakin" Paliwanag niya.

"Tara na, okay na ako"

"Sigurado ka?"

"Oo ba't parang ambait mo ngayon ha? Di ka nang aasar Wow thankyou Lord" Sabi ko at nag amen pa.

"Anong mabait? Ngayon lang to, yari ka bukas sakin bagot na bagot ako dito magbantay sayo. Utang mo yon ha!" Sabi niya at nauna ng lumabas ng Clinic.

"Salamat ha!" Bulong ko sa sarili ko at napairap nalang.

Sabi na eh, wala talagang libre sa lalaking yon lahat may kapalit!

Ti amo così tanto |BL| (Completed)Where stories live. Discover now