Chapter 21

38 3 0
                                    

Magkahawak kami ng kamay ngayon at parehong nakatingin sa langit.

Ang saya na nararamdaman ko ay hindi ko maintindihan.

"U-uhm diba sabi mo na ayaw mo sa bakla?" tanong ko sakanya at nakita ko naman itong lumingon saakin kaya napaiwas ako ulit.

Dahil ilang na ilang pa ako.

"Oo ayoko talaga sa bakla." Sabi niya at nginitian ako bigla.

Nagtaka naman ako na medyo nasaktan sa sinabi niya.

Kung ayaw niya sa mga bakla ano yung mga pinag sasabi niya sakin kanina?

Ano yun biro lang ba lahat?

Bigla ko namang inalis ang kamay ko sa kamay niya at tumalikod sakanya.

"Haha. Hindi pa kasi tapos nagtatampo ka kaagad kalma ka lang." Sabi niya.

"I don't like men, I only like you...Viro" dagdag neto at nagulat ako ng kunin niya ulit ang kamay ko at inilagay iyon sa tapat ng puso niya.

Naramdaman ko naman ang pintig ng puso neto na siyang nagpangiti saakin.

"Naniniwala kana?" si Chard.

Tinanguan ko nalang ito at nginitian.

"Malamok na dito. Pumasok na tayo sa loob." Aya ko sakanya.

Naglakad parin kaming magkahawak ng kamay pero binibitawan ko ito kapag may mga taong nakakakita saamin.

Hindi parin ako sanay sa ganito dahil hindi kopa nararanasan to.

Nang makapasok kami sa kwarto nakita ko naman si Carlo bigla kaya bigla ko ulit binitawan ang kamay ni Chard.

"Oh bro san kayo galing? Tapos na kaming kumain. Nandito lang ako para kunin mga gamit ko, kumain na ba kayo?" si Carlo.

"A-ah oo kumain na kami namasyal lang kami ni C-chard kaya ayon." Sabi ko at medyo naiilang pa dahil sa mga tingin ni Carlo. Si Chard naman ay parang wala lang sakanya at ngumingiti pa ang mokong.

Kahit na mukhang hindi naniniwala si Carlo tumango nalang ito. "Sige mauna na ako." sabi nito.

Pagkalabas naman ni Carlo agad agad kong binatukan si Chard.

"Anong ngini ngiti-ngiti mo kanina ah?"

"Aray ko naman, sinasaktan moko." Pagpapabebe nito.

"Seryoso nga, baka malaman nila." Sabi ko.

"Eh ano naman? Mas mabuti nga yon." Sabi nito at tumawa pa.

Inirapan ko nalang ito.

"Sungit sungit ng Viro ko" sabi nito at yayakapin sana ako kaso bigla ko itong iniwasan.

"Bahala ka diyan, mag h halfbath lang ako." Sabi ko habang kumukuha ng towel at damit ko.

"Sabay ako." Sabi nito at ngumuso pa.

"Batukan kita ulit gusto mo?" Sabi ko at pumasok agad ng Cr. Narinig ko panag tumatawa tawa to.

Hinawakan ko ang dibdib ko ng naramdaman kong malakas ang pag tibok nito.

Habang nakababad ang katawan ko sa bath tub hindi ko parin maiwasang mag isip sa mga mabilis na pangyayari.

Yes aaminin ko gusto ko sya.

Pero masyadong mabilis.

Pero wala naman siyang sinabi na kami na diba?

Tama.

Pagkalabas ko naman ng Cr sumunod naman saakin si Chard.

Kaya tinransfer ko muna ang mga picture namin kanina mula sa Camera ko.

Pagkatapos non isinend ko lahat sa GC namin good thing, malakas ang signal ng WiFi nila dito.

Napangiti naman ako habang tinititigan ang mga litrato namin.

Sana ganito nalang lagi... sana masaya lagi.

Nag post ako sa IG ng mga pictures naming lima, ang iba ay puro ako, dagat, langit, at syempre picture naming dalawa ni Chard.

Nakaakbay ito sakin at nakangiti kaming dalawa, napangiti nalang ako habang tinitignan yun.

Tinignan ko ang katawan namin, mas matangkad siya saakin pero mas maputi ako sakanya malaki ang katawan niya at ang saakin ay medyo maliit lang.

Nag scroll pa ako ng makita ko rin ang post ni Chard.

Kaming dalawa to nung bigla niyang inilabas nag cellphone niya.

Felicità

Yun ang nakalagay sa caption niya at tinignan ko ang translation.

'Happiness'

Napangiti naman ako, kahit ang epic ng mukha ko dito.

Pero kahit ganon ni like ko pa din.

Pagkalabas naman ng Cr ni Chard naka topless lang ito at ang tuwalya lang ang nakapalibot sa bewang nito kaya napaiwas ako ng tingin.

"M-magbihis ka nga sa loob ng Cr" sabi ko.

Nakita ko namang tumawa tawa to at nag damit sa loob ng Cr.

Maayos na akong nakahiga sa kama ng naramdaman kong tumabi saakin si Chard at niyakap ako.

"C-chard dun ka na sa k-kama mo--"

"Shh. Ngayong gabi lang." Sabi niya kaya napahinto ako.

Naramdaman kong tumataas ang balahibo ko at medyo namamawis ako kahit may aircon naman dito sa Kwarto.

"Matulog kana, alam kong pagod ka kanina." Sabi nito at hinawakan ang buhok ko.

Ngumiti nalang ako at hinigpitan niya pa lalo ang yakap niya saakin.

Kinabukasan nagising akong maaga, habang si Chard ay tulog na tulog pa.

Pinaghanda ko ng almusal to at ginising.

"Morning kiss ko?" Sabi niya sabay turo sa pisngi niya.

Binelatan ko naman ito at nagtawanan lang katapos non kumain na kami.

Last day nalang pala ngayon at uuwi na kaming mamayang hapon siguro ay bibili nalang kami ng souvenir.

Mabilis nagdaan ang mga oras, nakasakay na kami ng bus ngayon katapos naming bumili ng souvenir at si Chard parin ang katabi ko ngayon.

"May ibibigay ako sayo." Sabi niya at may inilabas sa bag niya. Saktong umandar naman ang Bus.

Nakita kong naglabas siya ng couple bracelet.

Ibinigay niya naman saakin ang isa nakita ko ang naka ukit dun.

'CV'

"Thankyou.." sabi ko at isinuot agad yun sa kamay ko at isinoot niya rin ang sakanya.

Hindi naman gaanong kahalata na magkapares to dahil maliliit lang ang mga letrang naka ukit.

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman. Sagot ko habang tinitignan ang bracelet na ibinigay niya saakin.

Ngumiti ako sakanya at ngumiti rin ito saakin.

Mabilis ang byahe nakauwi naman na kaming agad.

Sila Che, Iya at Carlo ay sabay sabay ng umuwi, halatang pagod silang tatlo at antok na antok.

"Uwi na tayo." Aya naman ni Chard.

"Uhm." sabi ko.

Hinatid niya pa nga ako sa mismong bahay namin. Masyado siyang mapilit sinabi ko ng wag eh.

"Tinatrato mo akong babae Chard." Sabi ko ng nasa may labas na ako ng gate namin.

"Gusto kita kaya itatrato kitang prinsesa kahit na lalaki ka." Sabi niya at pinisil pa ang ilong ko.

Inirapan ko nalang siya at tumawa.

"Papasok na ko...ingat ka pauwi." Sabi ko.

Tumango naman ito at kumaway.

Ti amo così tanto |BL| (Completed)Where stories live. Discover now