Chapter 10

41 5 0
                                    

Habang kumakain kami hindi ko maiwasang ma ilang kay Chard.

Tingin kasi siya ng tingin.

"Anong tinitingin tingin mo diyan?" Tanong ko.

"Ikaw? Titignan ko? Nakaharang ka kaya sa TV, nanonood kaya ako" Sabi niya at tumutok ulit sa TV habang kumakain.

"Assumerong bakla tsktsk" Sabi pa niya.

"Kumain ka nalang." Sabi ko sakanya.

Nang matapos kami kumain ako na nagligpit at naghugas.

Nakakahiya naman kasi sa bisita kong walang ibang ginawa kundi manood.

"Gusto mo pumunta sa kwarto ko?" Tanong ko sakanya. Natigilan naman siya manood ng marinig ang sinabi ko.

Depota anong iniisip neto?

Inaaya ko lang naman sya sa kwarto para maglaro, may video games kasi ako sa sarili kong kwarto baka ano pa isipin neto.

"Hoy bakla baka i rape mo ako, wag virgin pa ako saka hindi ako pumapatol sa lalaki." Sabi niya naman habang yakap yakap ang sarili.

"Tanga ka." Sabi ko at hindi nalang siya kinausap.

Pumunta ako sa kwarto ko at hinubad ko muna ang damit ko at nag shower saglit.

Lumabas ako ng kwarto at pinupunasan ko ang buhok ko at tanging towel lang na nakalibot sa bewang ko pero may suot ako panloob. Damit lang ang wala.

Nakita ko namang napatingin saakin si Chard at biglang umiwas ng tingin.

"Porn!" Sigaw niya sabay bato ng unan saakin na galing sa sofa namin.

"Porn ka diyan? Wala akong suso tanga, lalaki parin ako" Sabi ko. "Atsaka wag kang mag alala hindi naman kita type para gahasain, kalma mabuting bakla ako" Dagdag ko pa at tumawa.

Hindi naman kasi mapapansin saakin na gay ako kasi lalaking lalaki naman ako mag ayos, gumalaw at magsalita.

HAHAHA ang sarap pala asarin neto eh.

Kumuha na ako ng damit ko na galing sa terrace at pumasok ulit sa sala.

Nakita ko namang mukhang bagot na bagot si Chard kaya hinila ko siya papunta sa kwarto ko.

"Hoy hoy! Ginagawa mo ah?!" Sabi niya saakin.

"Maglalaro tayo sa kwarto" Sabi ko at ngumiti ng paasar. Alam ko naman kung anong tumatakbo sa isip neto. Nakakatawa lang mga reaction niya.

"Wag moko i rape uy! Susumbong kita sa Dad ko sige!" Sabi niya at mukhang natatakot.

Tumawa naman ako at binatukan siya ng malakas.

"Pinag iisip mo diyan? Hahaha tanga, Laro means game bakit gusto  mong mabagot diyan? O sige umuwi ka nalang." Sabi ko.

"Oh sige na nga." Sabi niya at pumasok na kami sa kwarto ko.

Simple lang ang kwarto ko.

Black and white ang design, hindi naman siya ganon kalaki pero hindi naman maliit. Sakto lang para saakin, marami din akong mga Cd ng cartoons na halos lahat pambata dahil laging nandito sa kwarto ko si Vien tuwing weekend.

At may sarili din ako Table study. Madami akong books don pero hindi naman lahat tungkol sa pag aaral.

Halos yaoi.

Agad ko naman tinago ang mga yon sa cabinet ko ayokong makita pa ni Chard at baka bagong pang blackmail niya pa saakin to.

"Hilig mo pala sa Barbie, kaya pala lumaki kang barbie" Sabi niya na nang aasar pa.

"Sa kapatid ko yan ungas" Sabi ko at humiga sa kama ko.

"Ayoko na palang mag laro" Sabi niya at humiga din sa tabi ko. "Matulog nalang tayo" at niyakap niya ako.

Nagulat naman ako kaya inalis ko kamay niya saakin at umupo.

"Gago" Sabi ko at lumabas iinom muna ako at kukuha narin ng snacks namin.

Pagkapasok ko sa kwarto nakita ko namang nagcecellphone si Chard pero hininto niya rin ng makita ako.

"Oh kain na Master" Sabi ko at nilapag sa kama ang mga hawak kong snacks.

Habang kumakain bigla siyang nagtanong saakin.

"Alam ba ng Mama mo?" Tanong niya.

Kumunot naman ang noo ko ng hindi ko maintindihan sinasabi niya.

"Huh?"

"Na g-gay ka" Sabi niya at umiwas ng tingin.

"Ah..Hindi kaya ayokong ipaalam sa kahit sino kasi natatakot akong ma judge." Sabi ko at ngumiti sakanya.

"U-uh sorry" Sabi niya.

"Wala yon, sanay nako sa pang aasar mo atsaka sure naman ako na hindi mo pag sasabi yon kasi magkaibigan tayo diba? diba?" Sabi ko.

"Depende" Sabi naman niya na mukhang nang aasar nanaman.

Tumahimik kami ulit at bigla ulit siyang nagtanong.

"Paano mo naman nasabi sa sarili mo na Gay ka? Bakit may nagugustuhan ka ba na lalaki? Kasi hindi naman halata sayong gay ka." Tanong niya ng hindi nakatingin saakin.

"Ah yon? Wala akong gusto, malalaman mo rin kasi sa sarili mo pag Gay ka yung parang mas na eexcite ka sa lalaki kesa sa babae" Sabi ko at tumawa ng nakakaloko.

"Bastos amputa" Sabi niya naman.

"Atsaka hindi porke gay e maglaladlad ka na, ayoko ngang mahuli diba?" Sabi ko naman at tinawanan nalang siya.

Katapos naming kumain nagpaalam na siya saakin dahil susunduin na niya ang kapatid niya kaya naman maiiwan ako ulit mag isa dito sa bahay.

Pagkabalik ko ng kwarto nag cellphone nalang ako at in open ko ang instagram ko para mag story.


Ti amo così tanto |BL| (Completed)Where stories live. Discover now