Chapter 20

44 4 0
                                    

Buong byahe sa iba't-ibang klase ng isla, ganito lang ang pwesto namin ni Chard nakatulog siya sa balikat ko. Hindi naman ako nagreklamo dahil baka antok na antok lang siya.

Ang kaso lang sila Che at Iya ang ingay. Kinikilig.

Buti nalang hindi nagising si Chard.

Hindi ko naman pagkakaila na hindi ako kinikilig sa totoo lang kanina pa ako naninigas sa pwesto naming ganito ni Chard at mabilis at malakas ang tibok ng puso ko.

Sana lang hindi niya narinig.

Napailing iling nalang ako at maingat nag take ng mga pictures.

Mag gagabi na ng makabalik ang bangka namin sa mismong resort na tinutuluyan namin, nauna naman ng bumaba sila Che at Iya na halatang sobrang saya.

Habang si Carlo ay nandito parin, si Chard naman ay mahimbing parin ang tulog.

"Ah Viro, hindi na pala ako matutulog sa room nyo may extra room pa daw sabi ng Coach nyo doon nalang ako." Carlo said. "Gisingin mo na yan. Baka hindi na makatulog mamaya, oh sya una na ako sunod nalang kayo." Dugtong niya pa.

Tinanguan ko nalang ito at bumaling ulit kay Chard.

Tinitigan ko ng maigi ang mukha niya.

Matangos ang ilong..Mahahaba ang pilik mata..Clearskin..Kapag tumatawa pa ito ay lumalabas ang malalalim niyang dimples na bumabagay lalo sa mukha niya.

"Kung ice cream lang siguro ako kanina pa ako nalusaw." Sabi ni Chard na ikinagulat ko. Minulat naman nito ang dalawang mata niya at tumawa.

"A-ah tara na kakain na daw.. Kanina ka pa tulog." Nanginginig na sabi ko at nauna ng bumaba sa bangka, narinig ko pa ang tawa nito.

Tumakbo naman ito papalapit saakin at hinawakan ang pulsuhan ko.

"Ano ba?!" Sabi ko at hinarap siya. Nagulat naman ako ng makita kong seryoso ang mukha neto.

"Hindi tayo kakain diyan." Seryosong sabi niya at bigla nalang akong hinila.

Hindi naman ako nagpumiglas dahil natatakot ako sa itsura niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ng pumasok kami sa Elevator.

"Malalaman mo rin." Nginisian naman ako nito. Hinayaan ko nalang siya.

Nagulat ako ng pagkabukas ng elevator biglang tinakpan ni Chard ang mata ko.

"Ano ba Chard?! Nasa rooftop ba tayo? Sabihin mo lang kung itutulak mo ako dito ah. Alam ko namang ayaw mo saakin pero wag mo naman ako patayin sa ganitong paraa-- oooooooh." Nahinto kong sabi.

Dahil

Dahil may naka set na table dito na pang dalawang tao at may mga pagkain na nakahanda.

Ang romantic tignan.

Sinulyapan ko naman si Chard, napansin kong nahihiya ang mukha nito at mapula ang tenga niya.

Tinignan ko naman siya ng matang nagtatanong.

Sa halip na sagutin niya ako, pinanghila niya ako ng upuan at ipinaupo doon.

Hindi ko parin maintindihan ang nararamdaman ko.

Bakit niya ginagawa to?

"Kumain muna tayo at mamaya ka na magtanong." Basag niya sa katahimikan.

Sumunod naman ako at kumain nalang.

Kaya ba wala siya kanina para ayusin to?

Nakita ko pang nakasabit ang mga pictures naming dalawa at mga pictures ko na epic.

Nang matapos kaming kumain, pansin saaming dalawa ang ka awkward-an.

"So? A-ano to Chard?" Basag ko sa katahimikan.

"Alam kong naguguluhan ka, pero listen to me first okay? Tumahimik ka lang habang nagsasalita ako." Sabi niya.. halata sakanyang namumula ang magkabilang tenga neto.

Gulong-gulo parin ako sa mga kilos niya.

May kinuha siyang mga papel at tumayo siya sa harapan ko habang ako ay nakaupo.

"I know gulong gulo ka sakin." Panimula niya. "Ako rin Viro naguluhan din ako nung una..Akala ko normal lang ang ganito simula nung una kitang ko palang sayo
I don't know how to say this pero i think.. i think I like you when i first saw you. Siguro hindi mo na ako natatandaan pero.. ako to.. ako yung sinabihan ka ng bading dun sa Cr.. i just wanted to tease you. Pagkatapos nun sinabihan ko ang sarili kong nahihibang lang ako hanggang sa naging kaklase kita at naging kaibigan pa..Do you remember when I found out you were gay? I felt excite.." Huminto muna siya.

Habang ako nakatulala lang at nakikinig sakanya.

"Yes I admit I don't like gay people, pero ikaw... iba ka eh. Ni hindi nga halata sayong bakla ka." Tumawa pa ito pagkatapos sabihin yun.

"I just can't control my feelings kaya sinasabi ko to sayo ngayon baka masiraan pa ako ng ulo pag hindi ko pa ito inamin." Dagdag pa niya.

Ipinakita niya naman saakin yung mga papel na may sulat.

Ang nakalagay dito ay..

TI AMO COSI TANTO

Natulala nalang ako doon, hindi ko alam ang meaning non pero nasisiguro kong may ipinaparating si Chard doon.

Nakita ko namang pumatak ang luha ni Chard at agad niyang pinunasan yun.

"Hindi ka ba nandidiri saakin Chard?" Yan ang unang lumabas sa bibig ko.

"Hindi! Bakit ako mandidiri sayo? Gusto kita. I don't fucking care if you're a boy. I still like you. I really do." May diin nitong sabi.

Hindi ako makasalita ng kahit ano hindi padin kasi nagpoproseso sa utak ko lahat ng sinabi niya saakin at na estatwa lang ako sa pwesto ko.

"Nahihiya ako." Yun lang ang nasabi ko.

"Don't be shy. Wala tayong pake sa sasabihin ng iba okay?" Sabi nito at bigla niya akong hinila at sabay niyakap.

Binaon ko naman ang ulo ko sa balikat neto at hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko.

"I-i don't k-know what to say C-chard." Nanginginig na boses na sabi ko.

"Shhhh. Don't cry." Sabi naman niya at lalo pang hinigpit ang pagkayakap niya saakin.


______________•

Paveve pa ang baklang Viro naten, may puday ka ghorl?! HAHAHAHA.

Happy Reading, i love y'all mwa mwa.

♡-♡

Ti amo così tanto |BL| (Completed)Where stories live. Discover now