Chapter 19

40 4 0
                                    

Sabay kaming tumatakbo papunta sa dagat ng makita namin si Carlo habang pinipicturan sila Che at Iya.

Naka simpleng sando lang ang dalawa at shorts syempre bawal pang mag two piece yang mga yan.

Tsaka nakakadiri kung makikita ko.

Tumakbo kaming dalawa ni Chard papunta sakanila at nakigulo.

"Hoy sali kami!" Sabi ko nang makapunta sakanila at umakbay ako kay Iya.

Nakita ko namang napatingin saakin si Chard pero hind ko nalang to pinansin.

Tinawag naman ni Chard yung isa naming ka team para picturan kaming lima.

Unang picture nakangiti kami lahat katapos nag wacky kami nung pangalawa nung pangatlo naman nag piggyback si Iya at Che kay Carlo at Chard habang ako ay nasa gitna nila.

Tawa kami ng tawa habang tinitake kami ng picture.

Katapos nun back to picture nanaman sila Che at Iya habang ako nag take din ako ng picture ng Langit, Mga puno at syempre ang Dagat.

"Picture tayo." Lumapit saakin si Chard at inilabas ang Cellphone niya.

Napansin kong namang inakbayan ako nito saktong pagkagulat ko cinlick niya ang cp niya.

"Hoy burahin mo ang pangit ko don!."

"Ngayon mo lang nalaman? hahaha." Asar niya. Kaya hinablot ko ang Cellphone niya at ako ang nag delete nun katapos ako ang humawak para mag take ulit kami ng pictures.

Nakita kong nakatitig siya saakin habang nakangiti hindi ko maiwasan ang ilang ko at parang may nararamdaman akong iba kaya tumakbo nalang ako palayo sakanya.

Nagbabad ako sa tubig ng dagat, mainit man pero na eenjoy ako.

Nakita kong dumatin bigla sila Che, Iya, Carlo at kasama si..... Chard.

Naglaro laro sila habang ako nakababad lang at nakatingin sa kalawakan pero nagulat ako ng may tumalsik biglang tubig saakin.

"Shit"

Nakita kong hinampas hampas ako ng tubig ng dagat ni Chard kaya gumanti ako dito.

Para kaming batang naglalaro sa dagat kaya tawa kami ng tawa. Natamaan nga yata ang mata nito kaya kinusot niya.

Akala ko titigil na siya pero imbes na hamapasin niya ako ng tubig, hinabol niya ako kaya ang ending pareho kaming napababad sa tubig.

Tawang tawa pa ang Gago.

"Tama na." Sabi ko.

"Anong tama na? Hindi mo lang ako kaya." Sabi niya sabay patong saakin sa ilalim ng tubig at kiniliti pa ako neto.

Inis na inis ako habang siya ay tawang tawa naman.

"Nakakatawa yon?" Sabi ko ng nakaahon na kami sa tubig dahil tinawag na kami ni Carlo kanina, maglilibot daw kasi kami ng iba't-ibang island dito.

"Oo, ang pangit mo kasi para kang ginagahasa hahaha."

Hindi ko nalang siya pinansin pero tumakbo to papunta sakin at inakbayan nanaman ako.

Pinalo ko ang kamay nito ngunit mas hinigpitan niya ang kapit sa balikat ko.

Kaya sobrang lapit ng katawan namin sa isa't-isa hindi ko alam pero nakaramdam ako ng init.

Siguro dahil sa araw? Siyempre kakaahon lang namin sa tubig at sobrang tirik na tirik yung araw kaya mainit.

Tama tama.

Tumango tango naman ako.

"Tinatango mo dyan?" Tanong bigla ni Chard.

"Gusto kitang patayin eh." Sabi ko at inilayo ko ang sarili ko sakanya.

Ti amo così tanto |BL| (Completed)Where stories live. Discover now