Chapter 14

35 4 0
                                    

Katapos naming kumain nag handa na kami para sa laban namin mamaya umalis na rin si Ginno dahil pinapatawag siya ng Coach nila.

"Traydor kang bakla ka." Badtrip na sabi saakin ni Chard nang papunta na kami sa Court.

"Gago."

Hindi ko nalang siya pinansin at nauna akong naglakad sakanya.

"Pagnanalo tayo mamaya anong gusto mo? Ililibre kita." Sabi ko sakanya habang naglalakad parin pero hindi siya umiimik.

"Hoy Chard--"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng makita kong hindi pala sumusunod saakin si Chard at nandon parin siya sa pwesto namin kanina at kausap ngayon si Zia.

Hindi niya daw girlfriend pero ang lakas nila magharutan sa public.

"Hoy Chard mamaya kana lumandi mag uumpisa na ang laro!" Sigaw ko sakanya at inirapan sila sabay tumakbo na ako sa loob ng Court.

Pagkapasok ko sa Court nandoon na sila Che at sobrang daming tao.

Karamihan babae.

Nagulat naman ako ng bigla akong akbayin ni Chard.

Nandito na pala siya.

Nakasimangot parin ako.

"Bakla galingan mo ah libre kitang gummyworms pag nanalo tayo dito." Bulong niya saakin at bigla namang lumiwanag ang mukha ko at ngumiti sakanya.

Nakita ko namang may hawak na Camera si Carlo at nakita kong pinicturan kami habang sila Che at Iya nilabas ang cellphone nila para pang picture saamin.

Nakita ko ring maraming tao na nagsigawan ang iba pa ay mukhang nagseselos.

Nang makita ko si Ginno inalis ko ang akbay ni Chard at pumunta kay Ginno.

"Galingan nyo wag kayong papatalo sakin, ako lang to." Sabi ko kay Ginno at tumawa naman siya.

"Uhm, kayo din."

Tumango naman ako at bumalik sa pwesto namin nila Chard nakita kong matalim ang tingin niya saakin.

"Mukha kang unggoy hahaha." Sabi ko sakanya at inirapan lang ako.

"Attitude ka? Haha." Hindi niya parin ako pinapansin ng magsimula ang Game 1 nakita kong may nilabas na banner si Iya at hinawakan nila ni Che ito habang si Carlo nag t take lang ng pictures.

"TEAM VIARD PORDAWIN!"

#GOGOGORAWRRAWRRAWR

#KAYOLANGYAN!

#REDDRAGONMABANGISSS

Buti at dinagdag nila yung sa huli kung hindi iisipin kong kaming dalawa lang ni Chard ang sinusupportahan nila.

Napatawa nalang ako at nakita kong tumawa din si Chard.

Nagsimula na ang Game at nagsigawan ang lahat.

Nakuha namin agad ang bola at naka score.

Malapad ang ngiti ni Chard kaya in enjoy ko nalang din ang laro bahala na.

Nanalo kami sa Game 1 kapag nanalo pa kami sa Game 2 kami na ang Winner pero kung mag Tie kami sa Game 2 may Game 3 pa.

Kaya mas pinakaigian namin.

Game 2 na nang nakuha agad ni Ginno saakin ang bola at nakapuntos agad siya ng 3.

Hindi ko maitatangging magaling siya mag laro at malinis siya gumalaw.

Nang hawak ko na ang bola at is shoot ko na sana nang biglang..

"Ugh, shit." Sabi ko ng may bumangga saakin na kalaban namin kaya bumagsak naman ako at napitpitan pa ang paa ko.

Nakita ko naman sila Che na may pag aalala sa mukha at parang gusto akong lapitan.

Agad naman akong inalalayan patayo ni Chard at nakita kong talo kami sa Game 2.

"Okay lang yun habol nalang kami sa Game 3" sabi ni Chard habang inaalalay nila ako sa upuan.

Ang sakit ng paa ko at tuhod ko sa tingin ko hindi ako makakapaglaro.

Nang mag game 3 na pinilit kong tumayo pero hindi ko talaga kaya.

"Huwag ka ng maglaro sa Game 3 sinabi ko na kay coach magpahinga ka diyan namamaga paa ko, papatingin natin sa clinic mamaya." Seryosong sabi naman ni Chard.

"Uhm, sorry.. galingan niyo."

"Tangina kasi ng bulok na negrong nagbangga sayo eh, gusto mo banggain ko din? Ampanget ng putanginang yon." Parang galit na galit siya.

Tumawa nalang ako sakanya at tinawag na sila ni Coach dahil magsisimula na ang Game 3 may substitute naman agad silang ipinalit saakin.

Hawak hawak ko parin ang paa ko dahil kumikirot. Ang sakit.

Nagiging mainit ang laban dahil halos pantay lang ang Score ng Red Dragons at Gray Wolves na kalaban namin.

At mas lalong nagbabaga ang laban dahil sa mainit na tensyon ni Chard at Ginno.

67-69 Ang score habang 30seconds nalang ang oras natatalo kami pero pag napasok ni Chard ang bola siguradong panalo kami.

Sana mapasok niya.

Nagdadasal nalang ako rito at sobrang ingay na ng mga tao at nakita ko ring nagwawala na sila Che at Iya sa upuan nila at pinipigilan nalang sila ni Carlo.

Mukha silang takas mental hahaha.

Ibubunggo na sana ni Ginno si Chard pero nahuli siya dahil pumwersa ng tumalon si Chard and....

Yun!

Napasok niya!

70-69 na ang score.

At panalo kami!

Ang daming sumigaw at nagpalakpakan.

Maski ako ay napasigaw rin nakita ko namang agad pumunta saakin si Chard katapos non at binuhat ako nito.

Shit.

"Hoy ibaba moko! ang bigat bigat ko." Sabi ko sakanya at hinampas hampas.

Nakita ko namang pumunta rin sila Che dito sa pwesto namin.

"Mag jowa??? Mag jowa???." Sabi naman ni Iya ng makalapit sila saamin.

"Congrats pare galing mo pala!" Sabi ni Carlo at nakipag apiran kay Chard.

"Congrats mga brads kahit engot yung isa diyan." Sabi naman ni Che at binatukan ko nalang siya at nagtawanan kami.

"Congrats, sabi na e kayo lang yannnn!." Sabi ni Iya at nagsisigaw sigaw sila ni Che pero natigil din nang biglang sumulpot si Zia sa harapan namin na may dalang towel at tubig.

As usual para kay Chard.

"Congrats babe! You did it! Ang galing mo talaga i'm so proud of you." Sabi ni Zia at agad niyakap si Chard.

Nakita ko namang napairap si Che at Iya.

Nanahimik nalang ako at sinubukang maglakad.

Pero muntik akong matumba, nakita ko namang agad inalis ni Chard ang pag kayakap sakanya ni Zia at agad akong inalalay.

"Dalhin na kita sa Clinic." Sambit niya.

Nakita kong sumunod naman sa paglakad namin si Carlo.

Habang yung dalawang bruha kinausap ata si Zia.

"Back off ghorl!" Narinig kong sabi ni Che.

"Team ViArd por da win! Tsee!" Sabi naman ni Iya.

Ti amo così tanto |BL| (Completed)Where stories live. Discover now