Chapter 4

51 5 0
                                    

Nasa gate ako ng school habang hinihintay si Chard ang bwisit na may pakana kung bakit nandito ako ngayon kesa nahilata sa bahay.

Bwisit talagang lalaki yon.

Isang linggo narin pala ang nakaraan bago malaman ni Chard ang sikreto ko.

And guess what?

Lagi kaming muntik nabubuko sa mga kaklase at kaibigan ko.

Masyado siyang madaldal.

Nakakainis.

Ang pinaka malala pa ay yung nangyari kahapon.

[Flashback]

Nasa library ako ng school ngayon at nagbabasa-basa nang biglang dumating si Chard.

Hays. Here we go again.

"Kailangan mo? Kung wala umalis ka dito nagbabasa ako"

"Easy lang BEKS" Sabi niya pa.

At talagang pinakadiin niya pa yung word na BEKS.

Potang.

"Umalis ka nga shoo, at wag kang maingay baka nasa library tayo e no?" Pagtataboy ko sakanya.

"Eh ikaw tong maingay diyan eh nandito lang naman ako para magtanong sayo at hindi ka pwedeng magsabi ng hindi"

At talagang hawak niya pati desisyon ko?

"Oh! Dalian mo na!" Bulong ko nalang.

"Ganito sasali ako ng Basketball try out na bukas." Bulong niya.

"Eh ano namang gagawin ko? Maging bola ganon?"

"Relax, gusto ko lang naman ng kasama kaya sa ayaw at sa gusto mo sasamahan mo ako sa try out bukas" Bulong niya.

"HA!?" Napasigaw na ako.

"You two! Get out of here! Ang iingay nyo ha? This is library hindi palengke." Masungit na sabi ng Librarian.

"Hays kasalanan mo to eh. Halika na nga" Sabi ko kay Chard.

Nag sorry muna kami sa Librarian bago umalis.

"Binablackmail mo ba ako ha?"

"Uhm, maybe"

Bwisit.

"Hindi ako naglalaro ng basketball Chard." Pagsisinungaling ko.

Ang totoo ay marunong pa naman ako pero hindi magaling!

Ang kaso nag ba basketball lang ako pag kasama si Papa dahil ang totoo napipilitan lang ako.

Tapos isasali niya pa ako?

"Okay. Madali lang naman ako kausap BEKS, Goodluck nalang bukas baka alam na ng lahat na BEKS ka." Panbablackmail niya sakin.

Wala akong magagawa kaya napilitan nalang ako sumang ayon sa katarantaduhan ng lalaking to. Ayoko rin malaman ng mga classmate ko na Gay ako at lalong lalo na si Mama at Papa ako lang ang isang anak nilang lalaki at ayoko ring mabugbog ni Papa.

Ganda ganda ng mukha ko e.

[End of flashback]

"HOY BEKS!" Sigaw ni Chard sa tenga ko.

"HOY PUTANGINAMO" Panggagaya ko sakanya.

Ang sakit kaya sa tenga, nagulat pa ako.

"Lalim ng iniisip mo ah, nag swimming na ba?"

"Ha ha ha funny" Sarcastic kong tawa sakanya.

"Aga mo ah mas excited kapa pala sakin eh" Chard.

"Alam mo kung mambubwisit ka lang uuwi nalang ako at mag isa ka mag try out diyan" Sabi ko.

"Sige uwi kana para bukas alam na nilang-"

Tinakpan ko nalang bunganga niya gamit ang panyo ko.

Masyadong madaldal.

Pumasok nalang kami sa loob ng court nang mapansin kong ang daming tao at halos babae.

"Akala ko ba try out lang? Mukhang finals na sa sobrang dami ng tao e" Halos bulong ko nalang kay Chard sa sobrang ingay ng mga tao.

"Ganyan talaga mga fans ko yan e alam mo na pogi tong kasama mo" Bulong niya din sakin sabay wink pa.

Kadiri.

Sinuntok ko nalang siya sa braso.

Nagsimula na ang try out at nagseryoso na si Chard.

Magaling din pala tong si Tukmol, at mas lalo yatang ginaganahan sa tili ng mga babae.

Nang matapos siya pumunta siya sa pwesto ko at nakipag-apir.

"Galing ko ba?" Cconfident niyang tanong sakin.

"Oo panget mo" Sabi ko nalang at narinig ko siyang tumawa, ako na ang sumunod na maglalaro kaya nag focus nalang ako.

Nang matapos na ako nakita kong nakatitig saakin si Chard.

Problema neto..

"Diko alam na may beks palang magaling mag Basketball" Sabi niya habang tumatawa.

Gustong gusto mo talagang inaaasar ako ah?

"Oo, mas magaling pa sayo" Sabi ko.

"Wow proud hahaha" Sabi niya at ginulo ang buhok ko. Katapos nun in announce na ang mga naka pasa na ilalaban sa mga grade 11.

Medyo unfair nga dahil grade 11 ang kalaban namin e grade 10 palang kami.

"Buenofelor"

Naunang natawag si Chard at napangiti siya.

Last nalang at hindi pa nababanggit ang pangalan ko, kaya inaya ko ng umuwi si Chard.

"Sandali lang, Last nalang oh baka ikaw pa ya--"

"Monaste"

"AYON!" Sigaw ni Chard at ngiting ngiti.

"Parang nanalo sa lotto ah?" Tanong ko sakanya habang tumatawa, nakakatawa kasi reaction niya para siyang bata.

"Congrats sainyo, meron tayong practice every Monday, Wednesday and Friday after class nyo. Yun congrats ulit. Pwede ng umuwi" Sabi ni Coach.

"Uwi na tayo" Sabi ko kay Chard.

"Oo na eto na"

Naglakad nalang ako pauwi dahil tinatamad akong sumakay, saka dagdag ipon din yun tipid pa.

Pagkapasok ko sa bahay una kong nakita si Papa nakita niya akong may suot na Jersey.

"Oh anak! Naglaro ka? Bakit hindi mo ako inaya?"

"Hindi pa, may try out ng basketball sa school kanina ayun nakapasa po ako hehe" Sabi ko kay Papa.

"Wow! Lalaking lalaki talaga anak ko!" Proud na proud niya pang sabi.

Tumango at ngumiti nalang ako kay Papa at umakyat na sa kwarto ko.

"Ew lalaking lalaki ako?? Ako??" Pandidiri ko.

Napatawa nalang ako sa sarili ko.

Ti amo così tanto |BL| (Completed)Where stories live. Discover now