Chapter 6

42 6 0
                                    

Maaga ako magising at hindi na ganon kasakit ang ulo ko.

Habang nagbibihis napansin kong tunog ng tunog ang cellphone ko.

Naka off pala simula kahapon nakatulog narin kasi ako kaagad pagkauwi ng bahay kaka charge ko lang kaninang kagising ko.

Nang binuksan ko ang messenger ko nangunguna si Iya.

Sofia Wage •
Hoy okay ka lang? Tinamaan ka daw ng Bola kanina ah. May amnesia kana ba? Wag mo kaming kakalimutan huhu.
7:31 pm.

Ang OA talaga neto. Agad agad ko syang nireplayan.

Viro Monaste •
Hindi kita kilala.

Bwisit na bwisit ako at nakita ko pa ang chat ni Che.

Cheala Ramos •
Hoy tanga! HAHAHAHA sa sobrang katangahan mo bola nalang hindi mo pa nailagan ano buhay ka pa? Ako na bahala sa Sopas kung pateyy kana.
7:19 pm.

"Tarantadong babae talaga to" Sabi ko sa sarili ko, hindi ko nalang siya nireplyan.

Nakita ko ding nag message si Carlo.

Carlo Deguzman •
Ingat sa susunod.
7:45 pm.

Mabuti pa to matino.

I o off ko na sana ang cellphone ko ng biglang nakita ko ang message ni Chard kahapon din to.

Chard Buenofelor •
Ingat sila sayo wag ka mang re rape sa daan beks ah.
6:16 pm.

Diko nalang nireplyan at umalis na ako sa bahay sinalubong agad ako nila Che, Iya at Carlo.

Wala pa si Chard.

"Kala ko patay ka na pa paparty na sana ako e sayang" Sabi ni Che at mukhang nanghihinayang pa.

Binatukan ko nalang siya ng mahina at tumawa nalang.

Nang dumating si Chard may binulong agad siya sakin.

"May utang ka pa ah wag mong kalimutan" Sabi niya sabay ngisi.

Siniko ko nalang siya at sinimulan ko ng makinig ng dumating na ang Prof namin.

Katapos nun maaga kaming nakapunta sa practice at normal lang naman ang araw, si Chard laging nang aasar habang nagpapractice kami kaya minsan pinapagalitan kami ni coach.

Nang sumunod na araw naman ay nalate ako ng gising siguro pagod din kahapon dahil sa kagaguhan ni Chard hinabol kami ng aso kahapon dahil ang ingay niya sa daan para siyang lasing na ewan.

"Late ah may ginawa ka kagabi no?" Sabi ni Iya.

Anak ng pota.

"Malamang natulog" Sabi ko at nakinig nalang sa klase.

Nang matapos ang klase diretso kami agad sa Court.

"Break time 15 minutes." Sabi ng Coach namin.

"May homework pala tayo ngayon no?" Sabi ni Chard.

Shit oo nga pala, sa mathematics.

"Bayaran mo na utang mo saken" Sabi ni Chard.

Anak ng wag mong sabihin papagawa niya sakin assignment niya?

"Ayoko"

"Okay sige madali lang ako kausap bukas famou--" Hindi niya natuloy ang sinasabi nya ng sinabatan ko agad.

"Oo na oo na happy?" Sabi ko.

"Kulang pa yan, kailangan 1week mo ako gawan ng assignment" Sabi niya.

"Ano ka sinu swerte?" Sabi ko.

Confirm mas makapal pa ang mukha niya sa pinakamakapal na libro.

"Oh sige madali lang naman ako kausap. Bukas famou--"

Nilagyan ko kaagad ng tinapay ang bibig nya ng sabihin niya nanaman yon.

"Oo na!" Sabi ko at nag middle finger sakanya.

Nang matapos ang practice dumaan muna ako sa supermarket, nagpapa grocery kasi si Mama.

Nang matapos ako mag grocery pagkalabas ko may nabangga ako at natapon sakin ang hawak niyang Milktea.

"Shit naman, tumingin ka kasi sa dinadaanan m--"

Hala.

Si Pogi!

"Tumingin kasi ako sa dinadaanan ko yan tuloy may nabunggo pa ako" Pag iiba ko sa sinasabi ko.

"Sorry sorry. Diba ikaw yun? Yung natamaan ko ng Bola, sorry ulit ha." Sabi niya at pinunasan ng tissue ang damit kong natapunan niya.

Oh shit.

"O-okay l-lang sige mauuna na ako" Sabi ko sakanya at naglakad ng mabilis pero narinig kong may sinabi pa siya.

"Sorry babawi nalang ako nextime" Sabi niya.



Ti amo così tanto |BL| (Completed)Where stories live. Discover now