Chapter 24

32 3 0
                                    

Maingat na nilinis namin ni Chard ang mga bubog at pinuntahan si Mama sa living room.

Kabado ko namang tinignan si Chard habang siya ay makikita mo rin sa mata niya kung gaano ka ka kabado, pero pilit niyang itinatago yon.

Umupo na kami sa sofa at nakita ko namang seryoso ang mukha ni Mama habang nagkakape.

"Ahm-"

Magsasalita sana ako ng biglang tumili ang Mama ko kaya gulat na tinignan ko si Chard ganon din ang reaksyon niya.

"M-ma sorry." Sabi ko.

"Matagal ko ng tinatago na iba ako...hindi ko alam kung paano po sabihin pero hindi ako nagkakagusto sa mga babae Ma.. natatakot akong ipaalam sainyo dahil baka itakwil niyo ako." sabi ko kay Mama at yumuko.

"Pasensya na po Tita." sabi naman ni Chard at yumuko rin.

Matagal ang katahimikan ng biglang lumapit saakin si Mama at bigla akong niyakap.

"Tanggap kita kung ano ka anak." Sabi nito sa tenga ko, hindi ko mapigilang mapaluha.

"Wag na wag mong sisisihin ang sarili mo kung bakit naging ganyan ka ah? Walang mali sa ginagawa mo." pagpapatuloy niya.

Lumingon naman ako kay Chard at nakita kong nakangiti to saakin.

Bumitaw naman sa pagkayakap si Mama at pinunansan ang luha ko na dumaloy na sa pisngi ko.

Nginitian ako nito at nakita kong medyo emosyonal ang mata niya.

"Dapat sinabi mo na saakin dati pa Nak e. Alam mo namang kahit sino o ano ka pa mamahalin at mamahalin parin kita, anak nga kita diba?" sabi neto at nginitian ko naman siya sabay tango.

Bumalik sa pag ka upo si Mama at nilingon si Chard.

"Baka may gusto kang ipaliwanag Chard." Sabi ni Mama habang nakangiti na tila'y nagpipigil.

"A-ahm hindi ko po alam ang tawag dito Tita eh, pero g-gusto ko po ang anak niyo. Gusto ko po si Viro." sabi ni Chard at proud pa siyang ngumiti kay Mama at sabay baling saakin.

Nginitian ko naman ito kahit na medyo naiilang ako.

Nagulat ako sa tili ni Mama at nakita kong medyo tumalon talon pa ito.

"Sabi ko na!" Sabi ni Mama at bigla kaming niyakap ni Chard.

"Hindi po kayo galit Tita?" Tanong ni Chard. Mabilis namang umiling iling si Mama at

"Bakit ako magagalit? Walang mali doon mga anak, as long as wala kayong ginagawang mali. Love is love." Sabi ni Mama saakin at ngumiti.

Nagkwento kami sakanya kung paano kami nagsimula at ang mga pang b blackmail din saakin ni Chard noon ay kinwento niya.

Tawa ng tawa si Mama kaya naman masaya ako ngayon.

Medyo guminhawa rin ang pakiramdam ko.

Nang matapos makipagkwento ni Chard kay Mama biglang nagsalita si Mama.

"Wala pa bang nakakaalam nitong inyo bukod saakin?" Tanong ni Mama.

"Alam po ni Iya Ma naiintindihan niya po kami." sabi ko.

"Good to know." tumango ito. "Kung ayos lang sainyo ay huwag nyo munang ipaalam kahit kanino. Alam nyo na ang mga tao ngayon diba? Bumabase sila sa pisikal na nakikita nila kaya mag ingat kayo anak, saka nyo na sabihin ang tungkol sainyo kapag handa na kayo dahil ngayon medyo bata pa kayo. Marami pa kayong pagsubok na pag dadaanan. Kung maaari satin satin lang to ah? Ayoko kayong mapahamak anak, lalo na ang Papa mo masyadong istrikto." sabi ni Mama.

Tumango tango naman ako sakanya at ganoon din si Chard.

"The most thing in love is not telling everyone your relationship status, but understanding each other." sabi ni Mama.

Mas lalo kaming napangiti ni Chard.

"Oh wag kayo nakuha ko sa Dark Blue Kiss yun! Haha. O siya anak babalik lang ako sa kwarto medyo inaantok pa ako kahit nag kape na ako." sabi ni Mama.

"Sige po Ma pahinga kayo." sabi ko.

Sinulyapan ko naman si Chard, nakita kong nakangiti saakin to.

"I'm so happy." sabi niya.

"Me too."

Hinawakan niya ang kamay ko at ipinagsiklob yun.

Mabilis lumipas ang mga araw, sinunod namin ang utos ni Mama na huwag ipaalam sa kahit sino ang relasyon namin ni Chard.

Bukod don sinusunod na rin ni Chard ang limitasyon niya kapag nasa public place kami.

Sa bahay lang siya bumabawi.

Araw araw siyang nasa bahay namin pero hindi naman nagrereklamo si Mama dahil tumutulong siya sa gawaing bahay kahit na binabawalan ko siya.

Nung minsan nga e tinulungan pa akong maglaba at pinagtripan ang mga boxers ko.

"Hoy bakla birthday mo na pala bukas." Salubong saakin ni Iya ng magkita kami sa gate ng school.

"Eh ano naman ngayon?" Sabi ko.

"Sakto sabado bukas, anong gusto mong regalo?"

"Kahit ano. Wag ka ng mag aksaya ng pera." Sabi ko napansin ko namang kumapit to sa braso ko habang papunta sa room.

"Kahit ano kahit ano ka pa diyan, palibhasa nakuha mo na si Fafa Xavier Chard eh!" Sabi neto sabay kurot sa braso ko.

Tinawanan ko nalang ito ng maka punta na kami ng room.

Uwian na at nagmamadali si Chard na umalis, nagulat nga ako dati ay hinihintay ako lagi neto pero ngayon siya ang unang lumabas.

Saan kaya pupunta yon?

"Birthday na niya bukas yie~" sabi ni Che.

"Advance happy birthday bro! Pa shot ka na." Sabi naman ni Carlo.

"Bawal gago." Sabi ko dito at tinawanan ko.

Nilabas ko ang phone ko para itext si Chard ng nakita ko namang may text din siya saakin.

Chard: Una kana uwi babe, may inutos saakin si Dad kailangan ko emergency daw e.

Ako: sige take your time. balitaan mo nalang ako mamaya.

Pagkauwi ko ng bahay nakita ko si Mama na may kausap sa Phone.

"Oo anak, blue dapat maganda ang design?" Rinig kong sabi ni Mama.

"Sino yan Ma?" tanong ko sakanya.

"A-ah si Iya, nagtatanong kung anong pwedeng design ng kwarto niya." sabi neto.

Huh? Bakit naman siya magtatanong ng design at kay Mama pa?

Tumango nalang ako at pumunta na sa kwarto ko.

Madadagdagan nanaman ako ng isang taon bukas. Patanda na ako ng patanda.

Ti amo così tanto |BL| (Completed)Where stories live. Discover now