Chapter 12

34 3 0
                                    

Tinignan ko naman sila na parang hindi ko maintindihan mga pinagsasabi nila.

"Anong ViArd?" Ulit ko nang makalapit ako ulit.

Bigla namang sumagot si Carlo. "Etong si Che nanaginip daw na naging kayo ni Char-- Hoy!--" Hindi natuloy ni Carlo ang sinasabi niya ng tinakpan ni Che ang bibig ni Carlo.

"Masyado kang madaldal kailangan ka ng ipatumba" Sabi ni Che at ngayon lumabas sila habang hila hila si Carlo.

Tinignan ko naman si Sofia ng tingin na nagtatanong.

At parang naintindihan niya naman ako.

"Eh yun si Che nanaginip daw na naging kayo ni Chard." Sabi niya naman.

"Yuck? Seriously? Chard? Hello m-magkaibigan lang kami atsaka, he hate gays."

Tumango tango nalang siya ngunit nang magsalita siyang muli hindi na niya natuloy dahil biglang sumulpot si Chard kasama sina Che at Carlo.

Katapos non dumating na din si ang Prof namin.

Habang nagkaklase hindi ko maiwasang tignan si Chard kanina pa kasi siya ngumingiti-ngiti at parang may iniisip na kung ano ano.

Nagkasalubong bigla ang mata namin.

Nahuli niya ako!

Kalma. 'Tinitignan mo lang naman siya self wala namang masama dun diba?' Kumbinsi ko sa sarili ko.

Maagang natapos ang klase dahil lahat daw ng students ay tutulong sa pag aayos para sa Intramurals bukas.

"Excited nako bukas, mag hunting tayo ng mga pogi Iya ah!!!!" Sabi ni Che habang kilig na kilig pa.

"Oo naman syempre." Sagot naman ni Sofia at nagtatalon talon silang dalawa.

Parang tanga lang.

"Nandito naman ako girls, bakit hindi nalang ako?" Sabi ni Chard at mukhang nagpapaawa pa.

"Hay naku Chard! Crush na crush nga kita kaso hindi pwede! Fangirl lang ako dito e!" Sabi ni Che sabay tingin sakin at kumilig kilig sila ulit ni Iya.

Nasiraan na. Tumawa nalang din si Chard. Habang ako inirapan sila.

"Pre bukas na pala laban niyo no? Nood kami ah, wag kayong papatalo." Sabi ni Carlo saamin ni Chard.

"Oo nga! Wag kayong pa tanga tanga ha! Hahaha!" Singit ni Che.

"Kung ikaw nalang kaya maglaro? Mukhang mas marami kang alam samin eh." Sabi ko kay Che.

Hinampas niya naman ako at "Attitude mo sis ha, hindi kita isusupport bukas sige kay Bebe Chard nalang ako ahihihi." Sabi ni Cheala sabay kapit sa braso ni Chard.

"Oo ang arte niyan kala mo magaling e mas malakas naman hahaha!" Sabi namab ni Chard at binelatan ako.

"Omg omg" Sabi naman ni Sofia at bigla silang nagkatinginan ni Che at tumawa.

Ok? Weird.

"Oy Monaste, Buenofelor tawag na sa Court." Sabi nung ka team mate namin at nagpaalam na kami kila Che.

Pagkapasok ng Court nakita naming paalis naman sila Ginno nginitian ko sya at kinawayan, ngumiti naman siya sakin at kumaway rin pabalik atsaka umalis na.

"Ano yan Miss Universe?" Sabi ni Chard sa tabi ko at kumakaway-kaway rin at ginagaya pa ang itsura ko kanina.

Nagsisimula nanaman siyang mambwiset pero hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Ang cute niya kasing tignan na medyo may pagkabaliw.

"Ngiting ngiti ah?" Sabi niya. "Gwapo ko ba?" Dagdag pa niya at nag Pogi sign.

Binatukan ko nalang siya at nag ayos na.

Habang nag p practice kami napansin kong biglang dumating yung kausap kagabi ni Chard, si Zia ba yun?

Yung lakad niya parang lumalaban ng pageant pati na yung ngiti niya.

Pero hindi ko alam kung bakit nabubwisit ako sa presensya niya.

"Break break 15 minutes." Sabi ni Coach.

Nakita ko namang agad lumapit si Zia kay Chard at inabutan to ng Towel at tubig ngumiti naman si Chard at tinanggap yon.

Nang pumunta ako sa pwesto nila para kunin ang tubig ko bigla akong tinawag nung Zia.

"Ikaw yung kagabi diba?" Lumingon naman ako. "I knew it! Alam mo ba na crush na crush ka ng friend ko? Gusto mong ipakilala kita sakanya? Viro right?" Sabi niya saakin at nag smile.

"Zia!" Nakita kong pagbabawal sakanya ni Chard.

"Why babe? Bagay naman sila ah. Hihi." Sabi ni Zia at tumingin pabalik saakin at ngumiti ulit.

Ngumiti nalang ako at hindi nalang sila pinansin.

Anong akala sakin ng babaeng yon uhaw na uhaw sa babae?

Okay sana kung lalaki pa eh.

Charot!

Maagang natapos ang practice dahil sabi ni Coach kailangan daw namin ng pahinga.

Nag lupong lupong naman kami at sabay sabay naming sinabing..

"Red Dragons! Fighting!"

Ngumiti kami lahat atsaka lumabas na sa loob ng court.

Nakita ko namang hinihintay ako ni Chard dahil nauna siyang nakalabas.

"Dalian mo!" Yan ang nababasa ko sa Labi niya at mukhang may tinataguan.

Nangmakalapit nako sakanya hinila niya nalang ako bigla.

"Problema mo?!" Sabi ko habang tumatakbo parin kami.

Hindi niya ako kinibo at patuloy parin kami sa pagtatakbo.

Huminto lang kami nang medyo malayo layo na kami.

Parehas kaming pagod na pagod kakatakbo.

"Zia kasi ang kulit." Sabi niya at tumawa.

"Gago ka idadamay mo pa ako, ikaw nalang sana tumakbo!" Sigaw ko sakanya at binatukan ko.

"Aray ko naman!" Reklamo niya. "Kapag naman iniwan kita don e kukulitin ka non tatanungin sayo kung nasaan ako atsaka diba nga nirereto ka sa kaibigan niya baka i pag meet up-an niya pa kayo non, dapat nga pagpasalamat ka sakin eh." Sabi niya.

"Ew." Sabi ko nalang at medyo hindi na kami hinihingal kakatakbo kanina.

"Goodluck bukas." Sabi ni Chard at ngumiti siya sakin.

Medyo natulala ako sa ngiti niya pero tumango ako agad.

"Uhm, goodluck din." Sabi ko at ngumiti rin sakanya.

Mali to.

Ti amo così tanto |BL| (Completed)Where stories live. Discover now