JEANA'S
❝ hi kuya changbin! nasaan si hyunjin? ❞ tanong ko kay kuya changbin pagkabukas niya ng pintuan.
❝ pasok ka muna, nasa kwarto niya siya eh ❞ sagot ni kuya changbin, pumasok ako at umupo sa sofa.
❝ ikaw palang ang gising kuya? ❞ tanong ko
❝ gising na yung iba pero tinatamad pang tumayo ❞ sabi niya
❝ sige, tawagin ko lang kuya mo ❞ sabi ni kuya changbin at umakyat sa second floor.
gising na rin kaya si Seungmin? baka tulog pa, nakita ko kasing online kaninang 2 am eh, ichachat ko sana kaso biglang nag offline :(
❝ ang aga mo naman ❞ reklamo ni kuya pagkababa niya.
inirapan ko siya tiyaka inabot ang supot na may lamang pagkain na niluto ko.
❝ aba! pasalamat ka at dinalhan pa kita, namiss mo lang luto ko eh ❞ sagot ko.
inirapan niya ako, bakla ata 'to eh.
❝ salamat, sige makakaalis ka na ❞ sabi niya at pilit na tinutulak ako palabas ng dorm nila.
❝ wait lang! ❞ angal ko tiyaka kumapit sa may pinto para di ako tuluyan mapalabas.
tinaasan niya ako ng kilay, ❝ asaan si Seungmin? ❞ tanong ko tiyaka ngumiti.
miss ko na si Seungmin ko.
❝ wala, patay na. pinatay ko ❞ sagot niya at tinulak ulit ako palabas.
❝ hmp! mamatay ka na sana ❞ sabi ko at lumabas na ng tuluyan ng dorm nila.
nakakainis talaga si kuya, di ko man lang nakita si bb seungmin ko.
nakasimangot akong naglakad paalis ng dorm nila kuya.
hay, gusto ko nang mag monday. gusto ko na makita si Seungmin.
habang naglalakad ako palabas ng building ng dorm nila kuya ay nakita ko ang lalaking kanina ko pa iniisip na may dalang supot ng 7/11.
juskoo! ba't ang pogi niya kahit naka hoodie at sweatpants lang siya?!
❝ SEUNGMIN! ❞ tawag ko sa kaniya at tumakbo papunta sa kaniya.
akala ko ay papansinin niya ako pero dumiretso lang sya ng lakad. hmp !
sinundan ko siya papasok ng building ❝ hi seungmin! good morning ❞ bati ko.
❝ hmm ❞ sagot niya at pumasok sa elevator, pumasok din ako.
❝ ano yang binili mo? ❞ tanong ko habang nakatitig sa kaniya.
pogi talaga oh!
❝ pagkain ❞ sagot niya tiyaka lumabas, sinundan ko siya at nang makarating kami sa mismong dorm nila ay pumasok din ako.
❝ ba't nandito ka pa rin? ❞tanong ni kuya hyunjin
❝ sinundan ko 'to ❞ sagot ko at tinuro si Seungmin na pumasok sa kusina.
❝ tigilan mo na nga si Seungmin, Jeana. Wala kang mapapala dun ❞ seryosong sabi ni kuya sa akin.
❝ sus,hindi ka lang pinayagan ni Ally manligaw eh ❞ pangangasar ko
❝ aba! seryoso kasi Jeana! ❞ sabi ni kuya pero inirapan ko siya, inirapan niya din ako. barbie talaga.
lumabas si Seungmin ng kusina at umakyat ng second floor, susundan ko sana siya pero pinigilan ako ng panget kong kuya, ❝ lumayas ka na nga! pinakain mo na ba si kkami? ❞ tanong ni kuya.
si kkami ay aso ni kuya pero iniwan na niya sa akin dahil bawal ang hayop sa building na tinitirahan nila kuya, pero bakit si kuya hyunjin? Hayop naman siya ah bakit pwede siya dito?
❝ oo naman, nakaka limang kain kaya yun araw-araw! ❞ sagot ko
❝ okay, lumayas ka na!❞ sabi ni kuya, hihilahin nya sana ako palabas pero kusa na akong lumabas.
hays, di ko man lang nakausap ng matagal si Seungmin! ang tipid pang sumagot, kaunti lang bang salita ang alam nun?
BINABASA MO ANG
𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 √
Fanfiction- 𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘴𝘩𝘦'𝘴 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘦𝘳𝘢𝘵𝘦 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘴𝘦𝘶𝘯𝘨𝘮𝘪𝘯 𝘩𝘦𝘳𝘴 ___ 𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 𝘴𝘦𝘶𝘯𝘨𝘮𝘪𝘯 𝘹 𝘺𝘰𝘶 051120 - 060320 highest rank 🏅#3 Desperate