🖇 O37 || N

711 27 32
                                    

JEANA'S

ngayon na ang huling araw nila Soobin, kasalukuyan kaming nakain ngayon ng breakfast kasama ang mga kaibigan niya.

dapat kaming dalawa lang talaga pero namilit sila.

" pag niligawan ka nito, huwag mong sasagutin ah " sabi ni Taehyun sa akin.

" ulol, iba ang gusto ko " sagot naman ni Soobin.

" sino? si Yeonjun ba? " tanong ko at  inasar naman siya ng iba.

" straight po ako " sabat ni Soobin pero inasar pa rin namin siya.

pagkatapos ng ilang kwentuhan at pag aasaran ay natapos na kaming kumain.

umalis na ang mga kaibigan niya dahil hindi pa raw nila naaayos ang iba nilang gamit.

9 am palang at mamayang 12 pm pa ang out nila Soobin, kaya nag lakad muna kami sa tabing dagat at nag kwentuhan.

" hoy huwag mo akong kalilimutan ha " sabi bigla ni Soobin sa akin.

" luh syempre naman 'no, unexpected kaya na magkakaroon ako ng bagong kaibigan " sabi ko.

ngumiti si Soobin sa akin, " diba matagal mo nang gusto si Seungmin may alam akong paraan para magustuhan ka rin niya "

" oo, since grade 7 bakit? "nagtataka na tanong ko.

lumingon siya sa likuran namin at ngumisi, lilingon na rin sana ako pero  hinawakan ni Soobin ang pisngi ko at hinalikan ako sa gilid ng labi ko.

pagkatapos niya akong halikan ay may binulong siya sa akin, " balitaan mo nalang ako mamaya ha " sabi niya.

" huh? anong balita– " naputol ang sasabihin ko nang may biglang humila sa akin papalayo kay Soobin.

" h-hala hoy! bitawan mo nga ak– Seungmin!? "

sinubukan kong magpumiglas sa pagkakahawak ni Seungmin sa akin pero mas hinihigpitan niya pa ito.

" ano ba Seungmin! bitawan mo nga ako, nasasaktan ako oh! " reklamo ko.

nang makarating kami sa kwarto ko ay malakas niyang isinara ang pintuan at isinandal ako doon.

mahigpit niyang hawak ang mga braso ko habang nakatitig sa mga mata ko.

magsasalita na sana ako nang bigla niya akong halikan at magsalita.

" sinong may sabi na pwede kang makipag halikan sa iba? nakakalimutan mo na bang may boyfriend ka na Hwang Jeana?! "

-







𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon