🖇 046 || N

622 30 7
                                    

JEANA'S

" bye kuya Woojin! " paalam ko, tumango siya at umalis.

inihatid na namin ang ibang babae sa bahay nila at yung mga lalaki naman ay sa dorm lang.

hinatid lang ni kuya Woojin ang Van sa bahay at yung isang van naman ay na kay Kuya Chan, bukas na ibabalil dahil may meeting pa siya sa school ngayon.

nang mawala sa paningin ko si Kuya Woojin ay dali-dali kong ibinaba ang ibang mga gamit ko sa harap ng pinto ng bahay at umalis na para kitain si Soobin.

nag sinungaling ako sa kanila na hindi na tuloy ang lakad ko, ayoko kasi na pasamahin pa sa akin si Seungmin.

kuya kasi masyadong epal, bwiset.

mga mag si-six na ako nakarating sa cafe, pagpasok ko ay umakyat ako sa second floor dahil nandoon si Soobin.

nang makita ko siya ay umupo ako sa harap niya.

" sorry late ako " sabi ko pagkaupo ko sa harapan niya.

ngumiti siya, " ayos lang, kararating ko palang naman " sabi niya.

nag order muna kami ng pagkain at nag kwentuhan.

-

inabot kami hanggang 9:00 ng gabi, kung wala lang pasok bukas at kung di lang maaga mag sasara ang cafe siguro ay mamaya pa kami aalis.

" hatid na kita sa inyo " yaya niya, dahil gabi na rin at baka wala na akong masakyan ay pumayag na ako.

nagkwentuhan kami saglit at naikwento ko rin ang tungkol sa amin ni Seungmin, pati na rin ang sinabi ni kuya Hyunjin.

" tama rin ang kuya mo Jeana, kapag hindi nagwork ikaw din ang kawawa sa huli, ikaw ang maiiwan na luhaan at wasak " sabi niya.

" sayang din kasi Soobin, ayan na eh, tatanggi pa ba ako? tiyaka matagal ko na rin 'to pinangarap, hahayaan ko nalang na masaktan ako " sagot ko

marami pa siyang sinabi pero pinili ko nalang na huwag nang intindihin at isipin yun.

nagpasalamat ako nang maihatid niya ako sa bahay, ngumiti siya at bumaba na ako.

papasok na sana ako ng makita ko na wala na ang gamit ko sa labas.

nataranta ako ng kaunti dahil nanakawan ata ako, puro damit lang naman ang laman nun pero sayang din ang mga damit ko.

bubuksan ko na sana ang pintuan gamit ang susi kaso biglang bumukas ang pinto.

" kuya- Seungmin? a-anong ginagawa niyo ditong lahat? "

" tumawag si Woojin hyung sa amin, sinabi niya na wala ka raw sa bahay kaya pumunta agad kaming lahat dito dahil akala namin may masamang nangyari sa iyo, tinawagan ka pa namin pero hindi ka sumasagot. akala namin may masamang nangyari sa iyo pero nakipag date ka lang pala sa iba "

" woah rapper na pala si Seungmin? "

" dinaig na yung 3racha HAHA "

" mag explain ka Hwang Jeana "

-

bukas ulit hehe

𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon