🖇 O12 || N

607 23 5
                                    

JEANA'S

finally! monday na at excited na akong pumasok. isang araw ko din di nakita si Seungmin, nakakamiss.

on the way na ako ngayon papunta sa classroom.

bago ako pumasok ako kinuha ko muna ang phone ko sa bulsa ko tiyaka tinignan ang sarili.

maayos ang buhok, check! pulbo at lip balm lang, check! maganda,check! bagay kay Seungmin, check na check!

nakangiti akong pumasok sa loob, akala ko nandoon na si Seungmin dahil palagi siyang maaga dumarating
nandoon na si Jeongin pero nasaan si Seungmin?

lalapitan ko na sana si Jeongin kaso napansin ko naman na kausap niya si Minseo, kaya ichachat ko nalang si Seungmin.

kaso naalala ko nga pala na gusto niya munang di ko siya kulitin ng isang linggo :<

anubayan!

habang nakapalumbaba ako sa desk ko, bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang teacher namin sa first period kasabay si Seungmin na nasa likuran niya.

magulo ang buhok ni Seungmin at mukang nagmadali.

babatiin ko sana siya nung paupo siya sa tabi ko pero naalala kong ayaw niya nga pala ng kinukulit ko siya kahit isang linggo lang.

at yung isang linggo na yun ay magsi-
simula ngayong araw.

-

natapos ang isang linggo na hindi ko kinukulit si Seungmin.

may mga araw na niyayaya ako nila kuya na sumabay sa kanila kumain pero minsan sumasabay ako, pero di ako sa tabi ni Seungmin natabi at minsan naman sumasabay ako kayla Ally.

may araw pa nga na may naihanda akong pagkain para kay Seungmin pero ibinibigay ko nalang ito kay Jeongin o minsan kahit kanino nalang.

-

𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon