JEANA'S
walang nangyari, hindi kami mag
katabi na natulog dahil di naman siya dito natulog sa kwarto niya.sayang! charot.
pagkatapos niya akong dalhin sa kwarto niya ay binigyan niya lang ako ng damit at lumabas na din agad siya.
sakto namang pagkabihis ko ay pumasok si Ally na nakabihis na.
si Seungmin? kay kuya ata natulog.
❝ hoy! tama na kakayakap sa sarili❞ sabi ni Ally sa akin na nakahiga na sa kama at nakatingin sa akin.
❝ kasi naman eh! damit 'to ng lalaking gusto ko! ❞ sabi ko tiyaka impit na tumili at tumalon talon.
napailing naman si Ally sa ginawa ko.
❝ baliw ka na ❞ sagot niya tiyaka tumalikod sa akin.
parang siya di nabaliw sa kuya ko, charot!
bago ako humiga sa kama ay pinatay ko muna ang ilaw. habang nakahiga ako ay may narealize ako.
dali-dali ko namang niyugyog si Ally na tulog sa tabi ko, ❝ bakit ba? ❞ iritang tanong niya sa akin.
ngumiti ako at kinagat ang ibabang labi ko, ❝ Ally~ kinikilig ako ❞ sabi ko.
❝ putangina, alam ko kanina pa! ❞ sabi niya at nag talukbong ng kumot pero hinila ko ito.
❝ ngayon ko lang kasi narealize na sa kama ni Seungmin ako nakahiga! shet kinikilig ako!! ❞ sabi ko, nag takip ako ng unan sa muka ko at tumili.
shet, kinikilig ako >.<
❝ Jeana please matulog ka na, 3 am na ❞ sabi ni Ally, umayos na ako ng higa at tumahimik.
pero hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa labi ko.
–
maaga akong nagising, pag sinabi kong maaga, maaga talaga!
❝ muka kang zombie ❞ sabi ni Felix sa akin pagkababa ko.
pinakita ko ang middle finger ko sa kaniya, tumawa naman siya.
❝ anong oras ka ba natulog at 2pm ka na nagising? ❞ tanong sa akin ni Kuya.
❝ 6 am ❞ sagot ko at sumubo ng cereal. tanghali na pero ang kinakain ko ay pang agahan.
❝ 2 am tayo natulog, bakit natulog ka na ng 6 am? ❞ tanong ni Kuya sa akin habang nakapamewang.
ibinaba ko ang plato at lumapit kay kuya, ❝ putangina kuya! ❞
❝ aba– minumura mo ako?! ❞ tanog niya at nakataas ang kilay. putek parang bakla talaga 'to, kung wala lang siyang gusto kay Ally iisipin ko talagang bakla 'to.
lumayo ako ng kaunti sa kaniya tiyaka pinakita ang suot ko, napataas siya ng kilay. ❝ wala ka bang napapansin? ❞ tanong ko at kinagat ang ibabang labi ko, pinipigilan ang kiligin.
❝ maliban sa malaking eyebags, may pimple sa noo, medyo oily ang muka at ang dry ng lips mo, wala na❞ sagot ni Kuya na ikinasimangot ko.
❝ puta ka! ❞ sabi ko at ihahampas na sana sa kaniya ang tsinelas ko pero umiwas siya.
❝ joke lang! ba't mo suot yung damit ni Seungmin? eh ang baho mo kaya!❞ sabi ni kuya.
lord, kaunti nalang po talaga at mapapatay ko na 'to.
❝ binigay niya sa akin kagabi eh nung hinila niya ako sa kwarto niya❞ sagot ko
❝ ah okay, akala ko naman kung anong nangyari eh ❞ sabi ni kuya.
sana nga eh, char!
❝ kainin mo na nga yang cereal mo nang makauwi ka na! kawawa si kkami walang kasama ❞ sabi ni kuya, kaya kinain ko na ang cereal ko at dali-daling naligo at nag palit ng damit na suot ko kagabi, di pa naman mabaho.
psh, palagi nalang aso ang inaalala!
iniwan ko lang ang damit na pinahiram sa akin ni Seungmin sa marumihan nila at umalis na.
–
BINABASA MO ANG
𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 √
Fanfiction- 𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘴𝘩𝘦'𝘴 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘦𝘳𝘢𝘵𝘦 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘴𝘦𝘶𝘯𝘨𝘮𝘪𝘯 𝘩𝘦𝘳𝘴 ___ 𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 𝘴𝘦𝘶𝘯𝘨𝘮𝘪𝘯 𝘹 𝘺𝘰𝘶 051120 - 060320 highest rank 🏅#3 Desperate