JEANA'S
ngayon ang huling araw namin, bukas ay babalik na kami at sa makalawa naman ay may pasok na.
kasalukyan kaming nakapa-ikot sa buhangin at nagkwekwentuhan, parang yung unang araw lang namin pero ngayon walang soju.
" laro tayo " yaya ni Jisung.
" kung truth or dare yan, ayoko " sagot ni Kuya Changbin.
" hindi 'to truth or dare! basta hindi pa natin nalalaro " sabi ni Jisung. pumikit siya sabay hinilot ang sentido.
" siguraduhin mong maganda yan Han Jisung, kapag walang kwenta ilulunod kita sa swimming pool! " sabi ni Yunhee.
hindi siya pinansin ni Jisung," hulaan nyo kung ano " sabi niya.
napasimangot siya nung walang sumagot, " salamat sa sagot ha "
" sabihin mo nalang kaya " sabi ni Felix.
nag drun roll muna siya bago mag salita, " edi..Tagu-taguan! " masayang sagot ni Jisung, nakataas pa ang dalawang kamay at nakatayo.
buti hindi nahihiya si Eunha na jowa niya si Jisung.
" nalaro na natin yan hoy! " sabi ni Kuya Chan.
" huh? di pa kaya " sabi ni Jisung.
" oo kaya, tagu-taguan ng feelings " sagot ni Kuya Chan at tumawa.
haha, nakakatawa. sumakit tiyan ko dun.
" ayaw pa kasi umamin nung iba diyan eh " pagpaparinig ni Kuya Minho at tumingin kay Felix, Yunhee- sa aming lahat.
luh, eh matagal ko na kayang pinararamdam kay Seungmin na gusto ko siya!
" tara laro na tayo " sabi ni Jisung at in-extend ang kamay sa gitna, ginawa rin namin yun.
naunang na-out si Kuya Changbin, sumunod naman sina Ara, Kuya Minho at Kuya Hyunjin, sumunod ay ako, Jeongin, Felix at Eunha. sumunod ay si Seungmin at si ate Euri, sumunod ay si kuya Woojin . naiwan ay sila Ally, Minseo at Jisung, sa huli natalo si Jisung.
" bwiset! ako ang nagyaya ako rin naman ang natalo! " reklamo ni Jisung.
napag usapan na walang magtatago sa mga kwarto at sa cr.
nang magsimulang mag bilang si Jisung ay agad akong tumakbo,
nang mapadpad ako sa playground ay umakyat ako sa may slide at nagtago sa loob, lumuhod ako at tumungo.
para kaming mga bata, ba't ba 'to ang naisipan ni Jisung? at bakit ba kami sumali. jusko.
makalipas ang ilang minuto ay may narinig akong paakyat.
ayoko maging taya!
naramdaman kong may umupo sa tabi ko, tinignan ko yun at si Seungmin lang pala.
jusko!
akala ko naman si Jisung.
" bakit ka nandito? " bulong ko sa kaniya, pero hindi niya ako sinagot at tumingin lang sa labas.
boyfriend ko ba talaga 'to?
" psst, Seungm- "
" shh, andiyan na si Jisung " bulong ni Seungmin, kaya tumahimik ako.
nang makarinig kami ng mga pag apak ay mas lalo akong yumuko, nabigla ako ng bigla akong yakapin ni Seungmin.
" naririnig mo ba? " tanong niya
" oo kaya huwag kang maingay baka maging taya ka " bulong ko.
mas lalo niya akong niyakap,
" patahimikin mo nga " sabi niya.tanga ba 'to? paano ko naman gagawi-
"patahimikin mo nga 'tong puso ko" sabi niya.
" h-ha? gusto mong patayi- "
" HULI KAYONG DALAWA! " bigla kong itinulak papalayo si Jisung nang may sumigaw sa gilid namin.
" naglalaro ho tayo! mamaya na landian jusko! " sabi ni Kuya Minho.
" kanina pa namin kayo hinahanap nandito lang pala kayo at naglalan
dian " sabi naman ni kuya Changbin." sinong taya? " tanong ko tiyaka tumayo.
bababa na sana kami sa hagdan pero nagyaya si Jisung na mag slide kami.
" jusko! di ka namin kilala, sino ba 'to? " biro ni Yunhee
bumaba kami sa hagdan- maliban kay Jisung na nag slide.
nagpasya sila na huwag na mag laro at matulog na, maaga pa daw kasi ang alis namin bukas dahil may meeting daw sila Kuya Chan sa school.
pumunta na kami sa mga sarili namin na kwarto, pero bago ako pumasok ay pinigilan ko muna si Seungmin na pumasok sa kaniya.
" bakit? " tanong niya
" goodnight! " nakangiting sabi ko at niyakap siya, hindi ko na hinintay na sumagot siya at pumasok na sa loob.
-
BINABASA MO ANG
𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 √
Fanfiction- 𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘴𝘩𝘦'𝘴 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘦𝘳𝘢𝘵𝘦 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘴𝘦𝘶𝘯𝘨𝘮𝘪𝘯 𝘩𝘦𝘳𝘴 ___ 𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 𝘴𝘦𝘶𝘯𝘨𝘮𝘪𝘯 𝘹 𝘺𝘰𝘶 051120 - 060320 highest rank 🏅#3 Desperate