🖇 O25 || N

640 24 41
                                    

JEANA'S

lunch time na nang makarating kami sa resort nila kuya Changbin, pagkadala ng mga gamit namin sa kwarto ay kumain na agad kami ng lunch.

sa tabi ako ni Ally umupo habang si Seungmin at yung kalandian niya ay di ko alam kung nasaan.

Jeana, nasaan sila Seungmin? ❞ tanong ni Kuya Chan sa akin.

ba't ako tinatanong? di naman ako hanapan ng taong nawawala.

di ko alam kuya, di naman ako ang last na kasama walang gana kong sagot.

selos ka lang eh ❞ pangangasar ni Jeongin, sinamaan ko siya ng tingin at inirapan.

oh ayan na pala eh sabi ni kuya Woojin, tumingin ako sa entrance at andoon nga siya, papasok sila ni Ara.

umiwas ako ng tingin at finocus ang sarili sa pagkain.

naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero di ko pinansin yun at pinagpatuloy lang ang pagkain.

nang matapos akong kumain ay nagpaalam akong magpapahinga lang.

-

kinagabihan, pagkatapos naming kumain ng dinner ay tumambay kaming lahat sa may dagat, may sinet up silang bonfire at umupo kami sa buhangin.

nagkwekwentuhan kami habang nagawa ng s'mores at yung iba ay umiinom ng soju.

" naalala niyo nung grade 7 tayo? ginupit ni Jeana yung buhok ng classmate nating babae dahil partner siya ni Seungmin" sabi ni Jisung, nagtawanan naman sila.

putek, tahimik na nga akong kumakain at nakikinig dito dinamay pa ako.

" since grade seven pa pala may gusto si Jeana kay Seungmin? six years na pala" sabi ni kuya Woojin at umiling-iling pa.

" oo, six years na siyang desperada " sagot naman ng kuya ko.

bwiset siya! parang siya di desperada kay Ally, hmp.

" may mas malala namang ginawa si Jeana 'no! Nung grade 10 tayo sinira niya yung project nung babaeng may gusto kay Seungmin, eh ilang weeks pa naman daw nun pinaghirapan na gawin ang project" kwento ni Felix.

" eh? ba't naaalala niyo pa yan? " tanong ko

nag kibit balikat sila at nagpatuloy sa pagkwekwentuhan.

-

ilang oras din kami na nag kwentuhan, yung iba ay inaantok na at ang iba ay medyo lasing na.

kasama na si Seungmin sa medyo lasing, actually, lahat ng lalaki ay lasing na at nauna na sila sa sari-sarili nilang kwarto.

" ihahatid ko muna 'tong kuya mo sa kwarto niya ha " paalam ni Ally habang naka akay sa kaniya si kuya.

tumango ako, so kami nalang tatlo ni nila Ara at Seungmin ang nandito, yung iba kasi ay nasa kwarto na nila.

gusto ko sanang ihatid si Seungmin sa kwarto niya, kaso nandito si Ara.

tatayo na sana ako ng kinausap ako ni Ara, " uhm..Jeana pwede bang ikaw ang mag hatid kay Seungmin sa kwarto niya? katabi lang naman yun ng sa iyo, sumakit kasi bigla ang tiyan ko " sabi ni Ara, hindi pa ako nakakapag salita ay umalis na agad siya.

𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon