🖇 O70 || N

682 25 26
                                    

JEANA'S

kinakabahan ako habang naglalakad pauwi, pakiramdam ko kasi ay may mangyayari o baka masyado lang akong OA?

mga 8:00 na ata nang makarating ako sa bahay. nang makapasok ako sa loob ay mas lalo akong kinabahan.

nasaan ba si Kkami?

" Arf! Arf! "

" ay mamatay ka na Seungmin! " sigaw ko, tumingin ako sa likuran ko at nakitang naroon si Kkami, gumagalaw pa ang buntot at nakatingin sa akin.

lumuhod ako tiyaka binuhat si Kkami.

" gusto mo nang mamatay ako? "

Seungmin?

tumingin ako sa harap at gilid ko pero wala naman si Seungmin.

jusko! nababaliw na ata ako.

" Kkami, ikaw ba yon? " tanong ko sa aso, pero dinilaan lang niya ako sa pisngi.

" Jeana.."

yan nananamn siya!

" Kkami baliw na ba ako? bakit naririnig ko ang boses ni Seungmin? " tanong ko ulit sa aso.

tumahol lang siya at dinilaan ulit ako.

" iniiwasan ko na nga siya pero naririnig ko pa rin ang boses niya, ganon ko ba siya kamiss na kahit ang boses niya ay naririnig ko na? ha kkami? " tumahol lang ulit si kkami.

" baka gutom lang 'to! oo gutom lang 'to tara sa kusina Kkam- SEUNGMIN?! "

putangina, bakit nandito si Seungmin sa bahay? akala ko umalis na sila kanina pa??

tatakbo na sana ako papunta sa kwarto ko pero mabilis akong nahila ni Seungmin pabalik sa kaniya.

naramdaman ko nalang na nasa mga bisig na niya ako.

yakap ako ni Seungmin! shet!

sinubukan kong umalis sa pagkakayakap niya ngunit mas hinigpitan niya pa.

teka- ang bango ni Seungmin, ano bang pabango ang gamit niya?

hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o mainis sa ginawa niya, pero mas lumalamang ata ang kilig na nararamdaman ko.

ang rupok mo self!

kumalas siya sa yakap at hinawakan ako sa balikat. sinubukan kong tignan siya pero agad akong umiwas, nararamdaman ko ang pagtitig niya sa akin.

iginala ko ang mata ko sa paligid pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya.

gusto ko nang kumawala sa hawak niya pero hindi ko magawa! pwede ko namang gawin pero may pumipigil.

" Jeana "

hoy teka kinikilig ako!

" Hwang Jeana "

matatae na ako sa kilig dito!

" titingin ka o gusto mong may gawin ako? "

anong gagawin niya? aanuhin na ba niya ako? char!

gusto kong tumingin sa kaniya pero curious ako sa gagawin niya kapag hindi ako tumingin.

titingin na sana ako sa kaniya nang ilapit niya ang muka niya sa akin at nagkalapat ang mga labi namin.

yung second kiss ko!!

-

habang ginagawa ko 'tong chapter nakikinig ako sa 예뻤어 cover ni Seungmin 🥺❤

stan day6 !!

btw maraming salamat sa 2k reads!!

𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon