🖇 O48 || N

633 32 14
                                    

JEANA'S

nakangiti akong naglalakad patungo sa Jyp univ. bibit ang paperbag na may lamang pagkain, balak kong ibigay ito kay Seungmin mamayang lunch.

actually hindi lang kay Seungmin, kundi sa kanilang lahat. hihingi ako ng sorry dahil naabala ko sila kagabi.

pagkarating ko sa classroom ay wala pa sila Seungmin. umupo ako sa pwesto ko at nag phone muna habang naghihintay.

dahil wala akong magawa sa phone ko ay naisipan kong kamustahin si Soobin, nagkamustahan lang kami saglit dahil dumating na daw ang prof nila.

sakto naman na dumating na ang prof namin, dumating na rin pala sila Seungmin. hindi ko napansin.

babatiin ko sana siya kaso nag turo agad ang prof namin.

mamaya ko nalang kakausapin.


lunch time na at hindi pa rin ako pinapansin ni Seungmin. kapag sinusubukan ko siyang kausapin, bumabaling siya sa likuran at kinakausap si Jeongin.

magkakasama kaming lahat ngayon sa iisang table, si Seungmin lang ang wala. kasama ata si Ara.

" salamat sa pagkain, Jeana! " sabi ni kuya Minho at masayang kumakain.

sana all masayang kumakain.

tumango at ngumiti lang ako at sinubukan na mag focus sa pagkain.

" hayaan mo na si Seungmin, Jeana. sa mga susunod na araw kakausapin ka na nun " sabi ni Kuya Changbin.

hindi na ako sumagot at kumain nalang.

pagkatapos kong kumain ay nag paalam ako na papasok na ako sa susunod kong klase, nag restroom muna ako bago pumasok sa susunod na klase.

pagkatapos kong mag restroom ay dumiretso na ako sa susunod kong klase.

habang naglalakad ay nakita ko si Seungmin na nag lalakad papunta ata sa susunod niyang klase.

" Seungmin! " tawag ko at tumakbo papalapit sa kaniya.

" uy Seungmin, sorry na " sabi ko pagkalapit ko sa kaniya. pero hindi niya ako pinansin at nag diretso lang sa paglakad.

" Seungmin, kung tungkol 'to sa nangyari kahapon, sor- "

" please Jeana, huwag mo muna ako kausapin kahit ngayon lang " pakiusap niya.

" bakit? ano bang pro- "

tumigil siya sa paglakad at humarap sa akin, " tigilan na natin 'to Jeana " seryoso niyang sabi.

" h-ha? "

" itong relasyon na 'to, Jeana. tigilan na natin " sabi niya at umalis na.

-

aaaaa boring hehe

stream ->https://youtu.be/o7lqCcE4Lho



𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon