JEANA'S
kanina pa ako nakatayo sa harap ng cabinet ko, pero wala pa rin akong mahanap na pwedeng suotin.
gusto kong humingi ng tulong kay kuya kaso alam ko naman na aasarin lang ako nun.
ilang beses ko rin pinagisipan kung sisipot ba ako mamaya.
pero kahit na ayaw kong pumunta ay pupunta pa rin ako.
oo na, ako na ang marupok. Kim Seungmin kasi eh!
makalipas ang ilang minuto ay nakapili na rin ako ng susuotin ko. sinuot ko ang napili kong damit at nag ayos.
tumingin ako sa orasan, malapit na mag 4 kaya kinuha ko ang wallet at phone ko tiyaka umalis na ng bahay.
hindi naman gaano kalayo ang Levanter pero nag taxi pa rin ako para hindi haggard pagdating doon.
saktong 4:00 pm ako nakarating sa Levanter. pagpasok ko ay in-assist naman agad ako ng waiter at hinatid sa pang dalawahan na upuan.
sinabi ko na mamaya na ako oorder pag dumating na ang kasama ko.
umupo lang ako doon at nag hintay kay Seungmin.
-
5:00 na pero wala pa rin siya.
minessage ko na siya pero walang reply.
baka natraffic?
pero ang lawak ng kalsada at alam kong parehas lang kami ng daan papunta dito.
nag hintay pa ako ng ilang oras hanggang sa dumilim na.
ilang beses na rin ako nilapitan ng waiter at ilang beses ko na rin itong tinanggihan.
sinubukan kong tawagan si Seungmin pero hindi siya nasagot.
nang mag sawa akong mag hintay ay tumawag ako ng waiter at umorder ng pagkain para kay kkami, nakakahiya naman kung hindi ako oorder. dalawang oras din akong tumambay at nag hintay sa wala.
putangina mo Seungmin.
nang dumating ang pagkain ay agad ko itong binayaran at mabilis na lumabas ng restaurant.
buti napigilan kong umiyak.
pero bakit ba ako iiyak? si Seungmin lang naman yan.
si Seungmin na gusto ko na simula grade 7.
si Seungmin na napakasungit at walang pakielam sa akin.
si Seungmin na desperada akong maging akin.
at si Seungmin na minessage ako ng happy 1st monthsary, niyaya pa akong mag celebrate pero hindi naman ako sinipot.
akala ko magnomove on na ako pero nang dahil sa letcheng message niya bumigay na ako.
napakarupok mo Jeana!
kahit na maluha luha ay nagpara ako ng taxi kahit na malabo ang nakikita ko.
peste na luha! basta basta nalang lumalabas.
nang may tumigil na kotse sa harap ko ay agad akong sumakay at sinabi ang address ko.
akala ko ay titigil na ang pag iyak ko pero mas lumala pa pala!
" kuya pwedeng pakihinaan ng radyo mo? nakakaiyak eh " sabi ko
" bakit umiiyak ka nanaman? " tanong ni Kuya driver at inabutan ako ng panyo.
tinanggap ko ito at pinunas sa mata ko.
" paano mo naman nasabi n- Soobin?! a-anong- p-paano?! "
putek, bakit nandito si Soobin?!
" nakita kitang umiiyak sa tabi ng kalsada habang napara. kaya tumigil ako at pinasakay ka "
" bakit ka ba naiyak? siya nanaman ba? " tanong niya.
maluha-luha akong tumango,
" magkikita dapat kami ngayon pero ang bwiset! hindi sumipot! putangina niya " sagot ko at pinanggigilan ang supot ng pagkain." hoy tama na yan! sayang ang pagkain! " saway niya at kinuha ang supot.
bwiset!
" akala ko ba nagmomove on ka na sa kaniya? bakit magkikita kayo?" tanong ni Soobin.
" first monthsary namin niyaya niya ako magcelebrate pero di siya sumipot "
" dapat pala di na ako pumunta, umasa lang ako sa wala " sabi ko, sumandal ako sa bintana at tumingin sa labas.
-
:(( ¡¡¡
BINABASA MO ANG
𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 √
Fanfiction- 𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘴𝘩𝘦'𝘴 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘦𝘳𝘢𝘵𝘦 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘴𝘦𝘶𝘯𝘨𝘮𝘪𝘯 𝘩𝘦𝘳𝘴 ___ 𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 𝘴𝘦𝘶𝘯𝘨𝘮𝘪𝘯 𝘹 𝘺𝘰𝘶 051120 - 060320 highest rank 🏅#3 Desperate