🖇 O31 || N

657 26 48
                                    

JEANA'S

maga-alas cuatro na nang makalabas ako ng kwarto ko. kasalukuyan akong nakain ng 'lunch' sa cafeteria.

habang nakain ako ay napansin ko na parang kanina pa sumusulyap yung lalaki sa katabing table.

ganda ko talaga, charot.

buti nalang at nag ayos ako ng kaunti, mukang may ipapalit na ako kay Seungmin ah, charot.

nang matapos akong kumain ay napagpasya ko na maglakad lakad sa gilid ng dagat, buti nalang at di na ganun ka-init.

umupo ako sa buhangin at tumingin sa dagat.

gusto ko tuloy mag swimming,kaso nakakatamad maligo ulit.

" hi miss, pwede bang umupo sa tabi mo? "

lumingon ako sa gilid ko at nakita ko yung lalaking panay ang sulyap sa akin kanina sa cafeteria.

tumango ako, agad naman siyang umupo sa tabi ko.

ang pogi! may ipapalit na ata ako.

" ako nga pala si Soobin! Choi Soobin " pagpapakilala niya at inilahad ang kamay sabay ngiti.

ang pogi hehe.

" Jeana Hwang, nice to meet you Soobin " sagot ko, tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti.

" sorry nga pala at panay ang tingin ko sa iyo kanina sa cafeteria, ang ganda mo kasi " sabi ni Soobin at napakamot sa batok.

" ahh ayos lang hehe " sagot ko, pogi naman kaya ayos lang.

ilang oras din kaming tumambay ni Soobin at nag libot resort. nalaman ko na silang mag totropa rin ang nag bakasyon. naiwan siyang mag isa dahil tulog pa siya nung umalis ang mga kaibigan niya at tinatamad siya na mag island hopping.

" Jeana, pwede ba tayong mag picture? remembrance lang " tanog niya.

pumayag naman ako, " sige, pasend sa messenger ah, naiwan ko phone sa kwarto ko eh " sabi ko.

tumango siya at nag picture kami. wala ng araw nang matapos kami sa pagkwekwentuhan.

sabay na rin kaming nag dinner, pagkatapos kumain ay inihatid niya ako sa kwarto ko.

" sana hindi ito yung last na pag kikita natin, Jeana" sabi ni Soobin.

" magka-floor lang naman tayo, for sure di yan. tiyaka next week pa ang alis niyo " sagot ko.

" sabagay..gusto mo bang sabay tayong mag breakfast bukas? libre kita " yaya niya.

" sige, ayos lang. anong oras? " tanong ko

" mga eight? chat nalang kita" sabi ni Soobin.

" sure! sige na Soobin, una na ako sa loob, goodnight" paalam ko.

ngumiti siya at nag paalam na rin, hinintay ko muna na makaalis si Soobin at tiyaka pumasok sa loob.

pagpasok ko sa loob ay nagulat akong nandito silang lahat at mukang nagkakagulo.

" JEANA! "

" bwiset ka! saan ka ba nag punta?!"

" kanina pa kami natawag sa iyo di ka nasagot "

" anong oras na Jeana! mage-eleven na ng gabi oh! kanina pa kaming five nandito "

" chill lang kayo, tumambay lang naman ako sa labas at naglibot, naiwan ko yung phone ko dito sa kwarto " explain ko sa kanila.

" grabe namang tambay at paglilibot yan, gaano kalaki ba ang resort at inabot ng anim na oras!? " sabi ni Seungmin at padabog na lumabas ng kwarto ko.

grabe, gagalet?

" anong nangyari dun? " tanong ko sa kanila.

" lagot ka, tsk tsk " sagot ni Jeongin habang umiiling pa.

" ba't lagot ako? " tanong ko ulit.

" bakit inabot ng anim na oras pag lilibot at pag tambay mo? " tanong ni Kuya.

" hindi namin namalayan ang oras kaya nataga- "

" namin?! sinong kasama mo?!" tanong ni Kuya Hyunjin

" Si Soo- "

" sinong kasama mo Hwang Jeana?! alam mo bang pinag-alala mo kaming lahat " putol ulit ni Kuya sa akin.

" si Soob- "

" sabihin mo kung anong buong pangalan niya, kung ilang taon na siya at saan nakatira. lalaki ba yan o babae? "

" chill lang kuya! paano ko sasabihin kung sumasabat ka at di ako pinapatapos? " sabi ko at inirapan siya.

" nga naman hyung! epal ka rin eh " sabat ni Jeongin

" sino ba kasi yung kasama mo? " tanong ni Kuya

" si Soobin yung kasa- "

" Soobin? lalaki? " tumango ako.

" pero mabait naman siya at gwapo" dagdag ko.

" ay gwapo? may picture ka? " tanong ni Ate Euri.

" hoy anong gwapo, ako lang dapat ang gwapo " sabat ni Kuya Minho at inakbayan si Ate Euri.

sana all

" may picture kami pero hindi pa nasesend " sagot ko.

" kaya pala di ka sumama mag island hopping " sabi ni Kuya Changbin.

" unexpected yun kuya! " sabi ko

sinermonan ako ni Kuya ng saglit at bumalik na sila sa kanilang kwarto.

nag linis ako saglit ng katawan at tiyaka nag handa na matulog.

-

jskdjsjjs

𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon