JEANA'S
nakangiti ako habang nag aabang sa labas ng pintuan ni Seungmin.
20 minutes na akong naka abang dito sa labas pero di pa rin siya gising.nung mag thi-thirty minutes na ay naisipan kong katukin na siya.
kakatok na dapat ako ng bigla itong bumukas at iniluwa ang gwapo kong boyfriend.
boyfriend hehe.
" good morning babe! " nakangiti kong bati sa kaniya.
nakita ko namang kumunot ang noo niya,"babe?"
"yes babe?" Nakangiting tanong ko.
" bakit babe? a-anong meron? " tanong niya
" bakit? ayaw mo ba na babe? pwede namang iba nalang ang itawag ko sa iyo. Baby, sweetheart, honeybun-" naputol ang sinasabi ko nang mag salita siya.
" kailan pa naging tayo Jeana? what the fu-" magmumura na siya nang hinalikan ko siya bigla sa labi- charot sa pisngi lang.
" duh! nakalimutan mo na agad? kagabi mo lang ako sinagot, tinanong kita habang nasa kwarto mo tayo kung pwedeng kitang maging boyfriend at tumango ka naman " sagot ko
natigilan siya saglit at tumingin sa akin, " naalala mo na ba? tara na sa cafeteria, nagugutom na ako eh " sabi ko
hinawakan ko ang kamah niya at hinila siya papasok ng elevator.
nang makarating kami sa cafeteria ay hinawakan ko ang kamay niya bago kami pumasok sa loob.
" anong gusto mong kainin? ako na ang mag oorder, humanap ka nalang ng pwes- "
" Jeana, mag usap nga tayo " seryosong saad niya.
" eh? pwedeng mamaya na? nagugutom na ako, thirty minutes ba naman kitang hinintay na luma-"
" mag usap tayo Jeana, ngayon na " sabi niya at hinila ako palabas ng cafeteria.
hindi ko alam pero habang hinihila niya ako ay kinakabahan ako.
makikipag hiwalay na ba siya sa akin??
huwag naman sana ㅠㅠ
wala pa nga kaming twelve hours eh!
ilang minuto niya akong hinila bago huminto sa may garden ng resort.
" anong pag uusapan natin Seung? " nakangiti pero kinakabahan kong tanong.
" Jeana, kung ano man ang nangyari o ginawa ko kagabi, kalimutan mo na ang lahat ng iyon. Lasing ako at pagod kagabi kaya di ko alam ang pinag gagagawa ko " seryosong sabi niya.
" yung sinasabi mong pumayag akong maging boyfriend mo? kalimutan mo na iyon dahil wala akong naaalala na sinabi ko yun " sabi niya.
" pero Seung- "
" hindi mo ako boyfriend,hindi kita girlfriend. wala tayong relasyon dalawa Jeana " sabi ni Seungmin.
" kaya please kalimutan mo na ang nangyari kagabi " tuloy niya at naglakad palayo sa akin.
" kung pwede lang, kalimutan mo na rin ang nararamdaman mo para sa akin. dahil nag sasayang ka lang ng oras sa isang tulad ko " sabi niya at tuluyan ng umalis.
-
thank u sm for 400+ reads !! <33
BINABASA MO ANG
𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 √
Fanfiction- 𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘴𝘩𝘦'𝘴 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘦𝘳𝘢𝘵𝘦 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘴𝘦𝘶𝘯𝘨𝘮𝘪𝘯 𝘩𝘦𝘳𝘴 ___ 𝐝𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 ; 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐌𝐈𝐍 𝘴𝘦𝘶𝘯𝘨𝘮𝘪𝘯 𝘹 𝘺𝘰𝘶 051120 - 060320 highest rank 🏅#3 Desperate