Prologue:
Tuwing sumasapit ang gabi kasabay ng liwanag ng buwan na pumapasok sa loob ng aking kwarto ay madalas akong makarinig ng mga kaluskos sa bintana. Halos hindi ako makatulog nun kaya't bumangon ako para tingnan kung ano ba talaga ang kaluskos na iyon.
Mabilis kong binuksan ang bintana para makasigurado ako. Nilibot ko pa ang aking mata pero tahimik ang buong paligid ng biglang may bumagsak na mabigat na bagay dahilan para magulat ako.
"N-naku yung vase!" nagulat naman ako ng makitang nakatumba yung malaking vase sa gilid ng bintana namin kaya maingat ko itong itinayo.
Naalerto ako at nagmasid sa paligid ng marinig ulit yung kaluskos. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa bintana pero gaya nung una, wala akong nakitang kakaiba. Pinilig ko na lang yung ulo ko at inisip na guni-guni ko lang ang narinig.
Huminga na lang ako ng malaim bago bumalik sa kama ko at humiga. Pinikit ko na yung mata ko at pinilit kong matulog pero mukhang malabong makatulog pa ko ng maayos.
Ilang segundo ang lumipas ng maramdaman kong may tumulong likido sa noo ko kaya agad akong napamulat.
Napatingin naman ako sa itaas at nagulat ako ng makita ang isang lalaking parang butiking nakadikit sa kisame ng kwarto ko.
At mas lalo akong nagulat ng mapansing may parang sugat siya sa tagiliran...
BINABASA MO ANG
Fly Me To The Moon (Completed)
FantasyMagkaiba man Sila ng Mundo ngunit pagtatagpuin naman sila ng Tadhana ng Dahil Sa Pag-ibig at doon Magsisimula ang Maraming Sakripisyo ngunit Hindi iyun dahilan para Kay Erick kahit na Lumabag siya sa Kautusan na bawal umibig sa taga ibang Mundo Hand...