AGNES POV
***KINABUKASAN***
Pumunta kami sa pamilya ni Charles at pinagmeetingan yun tungkol sa kasal namin nguni't parang tumututol si Charles at gustong gusto niya na Iagad ang Kasal namin Alam kong malaki ang Pag-ibig niya saken nguni't ayoko talaga sakanya at ang masaklap pa dun ay mukhang wala na kaming Pag-asa at nanlumo ako nang Itutuloy talaga ang kasal namin wala din magawa ang mga magulang ko.hanggang sa dumating na nga ang Araw nang aming Kasal ang Lahat ay imbitado halata sa mga mukha nila na masaya sila sa aming pagkakaisang Dibdib,ngunit para sa akin ang araw na Itoh ay kalungkutan ang Bumabalot sa aking Puso't isipan.habang nagsasalita ang Pari ay para bang wala ako sa Sarili at panay naman ang ngiti saken ni Charles na animo'y nasasabik na sa Matamis Kong "Oo"."Ikaw Charles tinatanggap mo ba na maging Kabiyak si Agnes?"-Father
"Opo Father"-Charles
"At Ikaw naman Agnes tinatanggap mo ba maging Kabiyak si Charles?"-Father
(Tulala)
Halos lahat ng mga bisita ay Inaantay ang aking pagsagot bumubulong na si Charles sakin kahit ang mga bisita sa Kasal namin ay pinagbubulungan na kami,Naalala ko ang mga sinasabi sakin ni Erick lahat ng iyun ay bumabalik sa aking Isipan.
"AGNES!"(Singhal sakanya ni Charles)
"Ahm..Ah....Ha?"
"Ano bang nangyayari sayo?!Umayos ka nga napapahiya na tayo sa maraming tao"(bulong nito na may halong Galit)
"Agnes tinatanggap mo ba na maging kabiyak si Charles?"(tanong ulit ng pari)
" O-opo Father"Kahit Hindi ako sigurado sa aking nasabi ay Yun na lamang ang naisagot ko.Yung Gabing iyun Malungkot ako wala nako ibang gawin kung Hindi pagmasdan ang Buwan at sinasariwa ko ang masasayang Alaala namin ni Erick Palagi kong Tinitingnan ang Kuwintas niya nang Biglang tumunog ang pinto na siya naman dahilan para Itago ang kuwintas.
"Agnes bakit Hindi ka pa natutulog?"(malambing na boses ni Charles)
"Ahm.Hindi pa kasi ako inaantok kaya Hindi pako natutulog"
"Gusto mo tabihan na lang kita?"
"H-hindi na Maya Maya matutulog na din ako"
"Wag kana tumambay dito sa Balkonahe masyado na malamig baka magkasakit ka..halika kana sa Loob"(sabay akbay sa Dalaga)Habang nakaakbay saken si Charles tumingin pako sa Buwan at Umaasang Masisilayan si Erick.Nilock na ni Charles ang Sliding Door at saka tinakpan ng Kurtina at ako naman ay Nakaupo lang sa Kama,Hindi pa rin nawawala ang Lungkot ko hanggang ngayon Kapag Hindi ko nasisilayan si Erick parang nadudurog ang Puso ko,namimiss kona ang Halik niya.Nagulat ako ng Biglang humalik saken si Charles sa aking Noo at tumabi saken pagkatapos nun hinahawi niya ang Buhok ko habang kinakausap niya ako.
"Agnes ngayon Ganap na mag-asawa tayo ipinapangako ko sayo na lahat ng Gusto mo ay aking bibilhin basta't mahalin mo lang ako ng walang kahati sa Puso mo.."
"Charles alam naman natin dalawa na Kaya lang toh Ginawa dahil sa pagkakautang ng mga magulang ko sayo..kaya..Bakit natin toh seseryosohin toh?"
"Agnes Sumumpa kana sa Simbahan kanina na sa hirap at Ginhawa tayo ay Magsasama habang buhay"
(Hindi makaimik)
"Agnes Hindi naman ako mahirap Mahalin..Ang aking lang Mahalin moko ng Buo..at hihigitan ko yun..Agnes tumingin ka sa akin mga Mata..tumingin ka"Hindi ko Ginagawa ang sinasabi ni Charles kaya inilagay niya ang dalawang kamay niya sa mukha ko at dun lang ako tumingin sa mga Mata niya.inilapit niya ang mukha niya na para bang gustong gusto niya ako halikan.
"Agnes Yun lang naman ang hinihingi ko kapalit eh yung Pagmamahal mo?okay lang naman kung Hindi na magbayad sa pagkakautang ang iyong mga magulang ang mahalaga totoohanin na natin toh tutal totoo naman din ang kasal natin Hindi ba?at Hindi na rin Realonda ang Apelyido mo isa kanang Mrs.Lopez ganap na tayo mag-asawa Sana naman isipin mo rin yun"
Halos Hindi ako makapagsalita nun dahil sa mga nasabi niya,Mariin lang ako nakatitig sa mga maamo nitong mga Mata habang tumatagal Lumalalim ang pagtitingan namin dalawa at Naamoy ko ang kanyang hininga tanda na Hahalikan niya ako nang biglang Bumalik ang Alaala namin ni Erick,kung paano ako halikan sa Noo at ang hinahanap hanap ko dun ay ang matamis nitong Halik mula sakanyang mapupula't malambot nitong mga Labi.nang Bumalik yun lahat tinulak ko si Charles palayo sa akin at tumayo ako.
"Ahm.Sige na umalis kana matutulog nako"(pagsisinungaling ko)
"Alam Kong gulong gulo pa ang isip mo pero eto ang tatandaan mo Agnes kahit kailan Wala na pwede lalaki ang aangkin pa sayo...kung meron magtago tago na siya"(sabay labas)Pagkatapos ko marinig Pagbabanta niya parang akong naghabol ng hininga dahil natatakot ako para Kay Erick.Hindi niya pwede malaman na Meron na siyang kahati sa puso ko.Napaupo ako sa Aking higaan nun Para bang humahanap nako ng Paraan kung paano makakawala sa mga kamay ni Charles.Nagdarasal ako na Sana Magpakita sakin si Erick Hindi ako makatulog nun.nanggigilid na ang mga luha ko nun dahil sabik na sabik nako masilayan siya at alam Kong Iniisil niya din ako.
BINABASA MO ANG
Fly Me To The Moon (Completed)
FantasyMagkaiba man Sila ng Mundo ngunit pagtatagpuin naman sila ng Tadhana ng Dahil Sa Pag-ibig at doon Magsisimula ang Maraming Sakripisyo ngunit Hindi iyun dahilan para Kay Erick kahit na Lumabag siya sa Kautusan na bawal umibig sa taga ibang Mundo Hand...