CHAPTER 13:

10 2 0
                                    

AGNES POV

Tuluyan na naging abo si Nightmare pati ang mga tauhan nito ay unti unti na din naging Abo.Bumaba na si Erick at naging masaya kami tatlo dahil nagtagumpay kami.

"Ang galing mo Erick....ang galing mo"-Agnes

"Ikaw din Agnes isa kang palaban"-Erick

Hinawakan niya si Agnes sa dalawang Balikat.alam niyang masakit na iuuwi niya na si Agnes sa mismong Mundo niya pero kailangan niyang gawin yun para sa ikakabuti ni Agnes.

"Agnes kailangan mo nang bumalik sa Mundo mo dahil dun ka lumaki kaya ibabalik na kita"-Erick

"Pero Erick...hindi ayoko pa Umuwi"-Agnes

"Pero paano yung mga magulang mo?!Agnes hindi mo ba naiisip na buong gabi nakabukas ang Bintana sa kwarto mo halos nakakatulog na ang iyong Ina kakaantay kung kailan ka babalik..Isipin mo yun Agnes"-Erick
"Pero Erick kahit naman makabalik ako sa Mundo ko hindi naman mababago ang Plano nila...Planong ipakasal sa iba"-Agnes

"Wala tayo magagawa Agnes kailangan mo sila sundin dahil mga magulang mo sila"-Erick

"ERICK!"(Sabay tulo ng luha)-Agnes

"Agnes??"(malungkot nitong sambit)-Erick

Hindi na nagsalita si Agnes nun at niyakap niya ng mahigpit si Erick na para bang hindi na niya Ito masisilayan,tanging luha na lang ang naisasagot niya Kay Erick.

"Wag kana umiyak Agnes kahit na Nandun ka na sa Mundo mo Araw-araw kita dadalawin"-Erick

"Pero hindi yun sapat Erick..ayoko makasal sa ibang lalaki na hindi ko mahal..."-Agnes

"Matutunan mo din siya mahalin..magtiwala ka lang"-Erick

"Ipangako mo sa akin na Araw araw mo ko dadalawin..."-Agnes

"Oo..pangako yun"-Erick

Matapos ang gulo na iyun bumalik na sa normal ang lahat at iyun na din ang huling Araw na makikita nila si Agnes sa kanila mundo.bago ihatid ni Erick si Agnes nun namaalam na muna siya kay Sandy,si Sadness naging kaibigan na din nila dahil wala na siya  mapupuntahan kaya't naging bahagi na Itoh sa kanila samahan.

"Sandy Mamimiss kita maswerte ako dahil nakilala kita"-Agnes

"Ako din Agnes mamimiss din kita Sana makabalik ka pa dito sa amin Mundo"-Sandy

"Hindi na siya babalik kahit kailan,wag kana umasa Sandy"-Erick

"Anong ibig mo sabihin?kakalimutan ko na si Agnes?"(malungkot niya sabi)-Sandy

"Dahil si Agnes ay magkakaroon na ng Bagong buhay at ang lahat ng Ito ay Unti-unti na niyang makakalimutan,Sandy alam mo naman na isa lamang tayo kathang isip sa mundo nila"-Erick

"Pero sa akin hindi kayo kathang isip dahil lahat kayo ay totoo hindi man ako paniwalaan ng iba basta ako maniniwala ako dahil hindi kayo magiging kathang isip sa akin habang buhay"(masayang sambit)-Agnes

"Talaga Agnes habang buhay mo kami maalala?"(masayang sambit)-Sadness

"Oo lahat ng karanasan ko dito hindi ko malilimutan,pati rin kayo hindi ko din kayo makakalimutan dahil sa mundo niyo....dito ko lang nahanap ang tunay na kasiyahan"-Agnes

Matapos sabihin ni Agnes ang mga katagang iyun ay nagyakap silang Tatlo.

"Paalam sa inyo dalawa"-Agness

"Agnes masaya ka namin tatanggapin dito sa Seleno,mamimiss kita  at ipinapangako ko na magiging maganda ang panaginip mo mamayang gabi"-Sandy

"Salamat Sandy"-Agnes

"Agnes Sana patawarin mo ko sa mga kasamaan ni Nightmare hindi ko naman gusto na saktan ka"-Sadness

"Okay lang yun Sadness pinapatawad na kita Sana next time kung sakaling makapunta ako dito nakangiti kana"-Agnes

"Oo Agnes pipilitin kong maging masaya"-Sadness

Kumalas nako sa pagkakayakap nila at saka nako pumunta kay Erick.gabi na nang ihatid ako ni Erick sa amin nadismaya ako nung nakita ko ang aking Ina na natutulog sa Upuan habang nakabukas ang bintana sa Balkonahe tanaw ko ang malulungkot na mga mata nito na wari'y umiiyak buong gabi dahil sa akin.

"Kasalanan ko Ito Erick"-Agnes

"Wag mong sisihin ang sarili mo,ako ang dapat parusahan dahil ako ang nagsabi na Sumama ka sa akin.."-Erick

"Wag mong sisihin ang sarili mo ginusto ko din naman na sumama sayo"-Agnes

"Oo nandun na tayo pero hindi ko naisip yung magiging kalagayan ng mga magulang mo kapag nawala ka sa tabi nila"-Erick

"Okay lang yun Erick ang mahalaga naman dun naging masaya tayo sa Isa't isa hindi ba?"-Agnes

(Sabay tango)"sige na pumasok kana sa loob ng kwarto mo at magpahinga kana masyado na malamig sa labas"-Erick

Fly Me To The Moon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon