ERICK POV
**Makalipas ang dalawang Linggo**
Kahit na nakakapagod ang buong maghapon dahil sa pagtatrabaho nun napapawi din iyun kapag nakikita ko si Agnes na naghahain ng makakakain namin tuwing Uuwi ako.
"Oh mukhang ginabi kana ata?"-Agnes
"Uhmm oo marami kasi kami diniliver karamihan puro prutas kaya talagang pagod ako ngayon at masakit ang buong likuran ko"-Erick
"Heto kumain kana muna tapos magpalit ka ng damit dahil basa ang likuran mo..mamaya hihilutin kita"(sabay lapag ng Pagkain sa lamesa)-Agnes
"Salamat kumain kana ba?"(tanong ko bago Kumain)-Erick
"Oo nauna nako para pagdating mo ikaw na lang ang kakain"-Agnes
Naghuhugas na siya nang pinggan nun habang ako kumakain nang may malakas na hangin ang pumasok mula sa bintana mula sa aming bahay kakaiba hangin ang naramdaman ko nung mga oras na iyun pero hindi ko na pinansin iyun kaya mariin lang ako nakadungaw nun.
"Sino tinitingnan mo?"-Agnes
"Uhm..w-wala malakas kasi yung hangin baka uulan"-Erick
"Ganon ba maya maya pagtapos mo kumain isasara ko na iyan..patapos kana ba?"-Agnes
"Uhm oo ako na lang maghuhugas magpahinga kana"-Erick
"Teka isasara ko lang itong bintana"-Agnes
".........."-Erick
"Sige aakyat nako ng kwarto sumunod ka na dun"-Agnes
----------------------------------------------
Umakyat nako ng kwarto pagkatapos ko hugasan ang pinagkainan ko nun nang biglang bumukas ang bintana kaya muli ako bumaba para isara ang pinto.akmang aakyat nako ng bigla ako napaatras.
"Wanda?"-Erick
"Erick!...kailangan mo umuwi ng Seleno"-Wanda
"B-bakit? Wanda dito nako nakatira nagsasama na kami ni Agnes"-Erick
"Nagmahal ka ng isang tagalupa?!.....Erick alam mo bang labag iyan sa ating mga Seleno?!"(galit niyang Sabi)-Wanda
"Kaya nga nilisan ko na ang ating mundo dahil alam kong lumabag ako sa tungkulin...Wanda umalis kana"-Erick
"Erick magtapat ka sa akin.....kailan pa Ito??kailan ka pa umibig sa isang tagalupa?!"(sabay patak ng luha)-Wanda
"Yung mga araw na tinanong mo ko kung may iniibig na ba ako.yun ung Araw na Umiibig nako sa taga lupa"-Erick
"Hiwalayan mo siya....ako na lang ang ibigin mo"-Wanda
"Wanda hindi na maaari nagsasama na kami at magiging Asawa ko na siya"-Erick
Para akong nabingi sa mga sinabi ni Erick nun napahawak ako sa aking dibdib at tuluyan na tumagas ang mga luha sa aking mata dahan dahan akong Napaupo sa sahig.lumapit sa akin si Erick at niyakap niya ako samantalang ako tanging pag-iyak na lang ang aking nagawa.
"Wanda patawarin mo ko kung hindi ikaw ang pinili ko...sa totoo lang kapatid talaga turing ko sa iyo kaya sana tanggapin muna lang na may mahal nako iba at ikakasal na kami ni Agnes...Sana maunawaan mo"-Erick
"Paano ko mauunawaan kung mismo ikaw hindi mo pinakiramdam ang magiging mararamdaman ko kapag umibig ka sa Iba?!"-Wanda
"Pasensya na wanda pero mahal na mahal ko si Agnes at wala akong nararamdaman sayo"-Erick
"tama nga sila, di ko hawak yung nararamdam mo kaya okay lang kung may iba ka ng magustuhan"-Wanda
Kumalas ako sa pagkakayakap nun nang narinig ko yun ng sinabi ni Wanda at tiningnan ko siya sa mata.
"Pero kahit ganon pa man Ikaw pa rin ang laman ng puso ko kahit na may iba ka nang mahal...tatanggapin ko kahit sobrang sakit sa dibdib"-Wanda
"Wanda sana maunawaan mo na hindi sa lahat ng oras palagi ikaw ang pipiliin ng mga taong nandiyan sa tabi mo...pero lagi mo iisipin na meron at meron din pipili sayo.."-Erick
"Pero Erick ikaw lang gusto ko.....ikaw lang"-Wanda
"Wanda sorry pero hanggang kaibigan lang tayo...patawarin mo ako kung nasaktan kita hindi ko naman gusto iyun pero mahal ko talaga siya"-Erick
"Hindi na talaga Ito magbabago?"-Wanda
(Umiling iling)"Wanda wag mo Sana ipapaalam Ito sa ating Reyna...kahit na kanino"-Erick
"Hindi mo ba alam Erick kung anong nangyari sa iyong Ina?"(salitang nagpakaba Kay Erick)-Wanda
"A-anong ibig mong sabihin? Wanda??"-Erick
"Kailangan mo sumama sa akin"-Wanda
"Baka kasi hanapin ako ni Agnes??"-Erick
"Sasaglit lang tayo dun"(bulong niya sa akin)-Wanda
"Wanda kung nagkasakit man ang aking Ina ikaw na lang ang mag-alaga"-Erick
"Erick hindi na nagigising ang iyong Ina Simula nung lumayas ka ating mundo"-Wanda
"Patay na ang aking Ina??"-Erick
--------------------------------------------
Sinamahan ako ni Wanda sa aming bahay at nakita ko si Ina na para bang hindi na humihinga labis akong nanlumo nun,Dahan dahan akong tumabi sa higaan nito at niyakap ko siya tuluyan na din umagos ang luha sa aking mga mata...
"Ina..patawarin niyo ko kung iniwan ko kayo....patawarin niyo ko Ina kung Umibig ako sa isang taga lupa...Sana maunawaan niyo ko Ina kung bakit ako sumuway ako sa tungkulin...Ina...Gumising na kayo...nandito na ako....Ina....."-Erick
"Simula nung lumayas ka walang oras na hindi siya umiiyak..masyado niyang kinimkim ang Pagwkawala mo lalo na yung umibig ka sa isang taga lupa na lalo pang nakapag pabigat sakanya Dibdib"-Wanda
"Wala na ba ibang paraan para magising siya?"-Erick
"Sa totoo lang Erick si Bathala lang ang makakapagsabi niyan"-Wanda
"Wanda alam kong alam mo kung ano ang paraan para muling mabuhay ang aking Ina"-Erick
"Sa kabundukan ng Theresa may mahiwagang tubig dun kailangan mo kumuha dun sa kabilugan ng buwan kailangan mo gawin iyun at bumalik ka dito"-Wanda
"Saan ko makikita ang bundok ng Theresa?"-Erick
"Sa gitna ng silangan dun mo matatagpuan ang bundok ng Theresa"-Wanda
Sinunod ko ang sinabi sa akin ni Wanda tinungo ko ang kabundukan ng Theresa ilang oras ang ginugol ko bago ko marating ang mahiwagang Tubig.mga ilang oras lang narating ko na ang Kabundukan ng Theresa at nakita kona ang mahiwagang tubig kinuha ko ang maliit na bote at saka kumuha ng Mahiwagang Tubig sakto nun kulay Asul ang buwan.Pagkatapos ko kumuha ng mahiwagang tubig nun ikinuwintas kona Ito at saka na Umuwi.
BINABASA MO ANG
Fly Me To The Moon (Completed)
FantasyMagkaiba man Sila ng Mundo ngunit pagtatagpuin naman sila ng Tadhana ng Dahil Sa Pag-ibig at doon Magsisimula ang Maraming Sakripisyo ngunit Hindi iyun dahilan para Kay Erick kahit na Lumabag siya sa Kautusan na bawal umibig sa taga ibang Mundo Hand...