CHAPTER 5:

23 2 0
                                    

AGNES POV

Nakalagay ang dalawa kong kamay sa balikat niya habang nakalagay naman ang mga kamay nito sa aking bewang mariin lang na nakatingin sa mga mapupungay nitong mga mata nararamdaman kong malakas ang tibok ng puso ko kahit siya ramdam ko.

tinanggal niya ang isang kamay nito para hawakan ang kamay ko at dahan dahan kami umiikot kasama ng mga Fairies na pumapaikot sa amin tila ba sobrang saya nila habang sumasayaw kami ni Erick sa itaas,malapit kami sa Buwan kaya't sobrang nakakaakit ang liwanag nito.pinagmamasdan ko lang ang mukha niya kahit siya ganun din.

"Agnes naaalala mo ba tinanong ko sayo tungkol sa First kiss?" seryoso niyang tanong sa akin habang nakatingin sa aking mga mata

"Oo naman"

"Sa totoo lang gusto ko gawin yun nung tulog ka kaso nangamba ako na baka isipin mo pinagnanasaan kita"

"Bakit mo naman gagawin yun?dahil ba maingay ako?dahil lang sa pagod yun"

"Kaya nga hindi ko na ginawa eh dahil nakonsensya ako"

"Pero alam mo dream come true ko iyun yung bang may hahalik sa akin habang tulog ako para ba si sleeping beauty,kaso panaginip lang yun"

"Hindi yun magiging panaginip kahit sa totoong buhay pwede den mangyari yun"

"Hahaha bakit gagawin mo din ba?" natatawa kong sagot sakanya habang nakatitig sakanya mga mata

"Oo kaso nakokonsensya kasi ako lalo na sayo"

"Wag kana makonsensya hindi bagay sayo"

(Sabay tawa)

Sunod naman namin pinuntahan ang lugar ng mga Sirena,wala pang isang minuto nang magpakita sila sa amin,pare-pareho sila ng itsura,kulay,at mga matutulis nitong kuko na nakakamatay."Ganito pala itsura nila..mababait ba sila?"

"Hindi sa lahat ng oras,may araw na humahatak sila ng tao kaya hindi tayo pwede lumapit sa kanila hanggang dito lang tayo sa itaas ng bato"

"Tingnan mo Erick lumalapit sila sa atin mukhang gustong gusto nila makipagkaibigan sa atin" Agad naman siyang tumingin sa mga ito habang nakaturo ang aking daliri sakanila.

"Tingnan mo parang may gusto sila ipahiwatig sayo?" Sabay tingin sa seryoso niyang mukha

"Si Nightmare" ang baritonong boses nito.

(Sabay tingin sa Binata)"sino naman si Nightmare na binabanggit mo?"

"Marami nabibiktima si Nightmare bukod dun nang dahil sakanya marami na din ang namamatay hindi na nagigising"

"Anong meron sakanya bakit niya ginagawa yun?"

"Gusto niya lang ng karamay kaya ganon"

"Ano iyon?Barko ba iyun nakikita ko?" Sabay tayo habang nakatuon ang paningin sa isang malaki at nakakatakot na itim na barko.

"Si Nightmare naghahanap na naman siya ng mabibiktima" Hindi nila kami maaabot dahil nasa itaas kami ng bato kaya't nakatingila na lang sila sa amin.malakas ang kulog at kumikidlat pa kasabay ng mga maiitim na ulap sa itaas.pero umalis din kami dahil gusto niya pigilan si Nightmare,nasa Ibabaw kami ng Ulap nakatambay habang pinagmamasdan ang Isang Nakakapanindig balahibo na itim na Barko at may nakadesenyong Bungo na may Sungay pa sa harap.lumapit pa kami ng bahagya para makita talaga kung saan tutungo ang Barko.

"Kamahalan!kamahalan!Sumapit na ang gabi!maliwanag ang buwan!hindi ba't ito ang gusto niyo!ang masilayan lagi ang liwanag ng Buwan!" Isang malakas na boses ang sumasalubong kay Nightmare tuwing siya'y natutulog.kaya't sa tuwing naiirita siya'y naiistorbo sa pagtulog at naririnig ang nakakairita, nakakaasar na boses palagi niya itong binabato ng mga babasagin bagay.

"Sadness ilang beses ko ba sasabihin sayo na kapag ako ay nanaginip ayoko na ayoko naiistorbo"

"P---paumanhin po kamahalan maliwanag ho kasi ang buwan hindi ba't gustong gusto niyo pagmasdan ang buwan" panginginig na boses nito.

"Malamang matutuwa na naman si Santanas dahil muli na naman siya makakakuha ng mga tao para pahirapan sa dagat dagatang apoy" ang nakakatakot nitong boses habang sinusuot ang kanyang kalawit sa kabilang kamay.

"Ahm.tama ho kayo diyan pero paano nga naman mangyayari yun kung wala na kayo isang mata"

Fly Me To The Moon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon