ERICK POV
Nakarating nako nun at naabutan ko si Wanda na katabi ni Ina,hinubad ko sa aking leeg at iniabot ko sakanya ang maliit na bote na kung saan ay naglalaman ng mahiwagang Tubig.
"Ikaw ang magpapainom sakanya hindi ako Erick"-Wanda
"Uhm...ganun ba"-Erick
"Sige na ipainom muna sakanya iyan para makauwi kana at baka hinahanap kana"(pag-aalala niya)-Wanda
"Uhm.."-Erick
Binuksan ko ang maliit na bote at dahan dahan ko iyun ipinatak sa bibig ni Inay.
"Sige lang Erick dahan dahan mo ipatak ang mahiwagang tubig sa bibig niya hanggang sa maubos iyan"-Wanda
"Uhmm...Sana nga umepek ito"-Erick
"Magtiwala ka lang"-Wanda
Unti unti na nauubos ang mahiwagang tubig pero hindi pa din nagigising si Inay hanggang sa huling patak ng mahiwagang tubig pero hindi tlaga siya nagigising nun blanko na ang isip ko kaya niyakap ko na lang si Inay at umiiyak sa kanyang balikat.hanggang naramdaman ko ang malalim niyang paghinga.
"INA??"(Masaya kong Sambit)-Erick
(Inhale.....exhale)
"Ina...salamat naman at gising kana"-Erick
"Erick..."(bulong nito)-Ina
"Ina patawarin niyo ko kung lumabag ako sa inyo...patawad din kung kinimkim niyo yung paglisan ko sa inyo"-Erick
"Akala ko hindi kana babalik..."(sabay iyak)-Ina
"Inay..mahal ko lang po kasi si Agnes eh kaya ako lumayas dito dahil gusto ko na po siya makasama"-Erick
"Uhmm....akala ko pa naman bumalik ka dahil gusto muna ako makasama...yun pala bumalik ka lang dahil nalaman mong hindi nako nagigising"-Ina
"Ina ang akin lang naman na palayain niyo ko kung sino yung taong gusto ko mahalin.."-Erick
"Hindi ba ang sabi ko sayo pwede ka umibig maliban na lang kung sa isang tagalupa ay hindi maaari sapagkat Iba tayo sakanila..."-Ina
"Alam ko naman iyun Ina pero masarap din magmahal ng taga lupa...sobrang sarap Ina dahil kung ano ang ipinaramdam sa iyo ni Itay noon ganon din ang inibig kong Babae alam niyang hindi ako kabilang sa kanila pero tinanggap niya ako.kaya wag kayong magtaka kung bakit siya pa din ang pipiliin ko..pero Ina hindi na ibig sabihin nun hindi ko na kayo mahal"-Erick
"Erick...Iiwanan muna Naman ba ako?"-Ina
"Ina kasi Inaantay nako ng aking kasintahan sa kabilang mundo kaya nais kong umalis kaagad...dahil nagtatrabaho po ako"-Erick
"Trabaho?? Ibig sabihin Inaalila ka niya?"-Ina
"Hindi ho Ina ako po ang nagkusa dahil nagsasama kami at pareho kami nagtatrabaho"-Erick
"Nagsasama??hindi ba ang ibig sabihin nun nasa iisang bubong??"-Ina
"Opo at plano na ho namin magpakasal....Ina bubuo na ho ako ng sarili kong pamilya.."(mahinahon kong sabi)-Erick
"Pero anak napaka bata mo pa para magpakasal at bumuo ng pamilya"-Ina
"Ina eto ang pangarap ko ang maikasal ang Babaeng gusto ko at magkaroon ng sariling pamilya...Ina pinandigan ko na Ito sa aking sarili at hinding hindi na ho mababago ang isip ko"-Erick
"Talaga bang papakasalan mo ang Babaeng iyun?"-Ina
"Ina ang pag-ibig walang pinipili iyan kapag mahal mo tanggap mo kung ano ang pagkatao niya at kung ano siya...dahil ang Pag-ibig walang pinipili kung sino ang pwede mo Ibigin...ganon po ako kay Agnes siya ang babaeng para sa akin...Sana ho matanggap niyo na siya o kaya kahit sa magiging anak namin gusto ko din po kasi maging malapit ang mga anak namin sa inyo"-Erick
(Huminga ng malalim)"kung iyan ang kagustuhan mo anak osige pinapalaya na kita kung saan ka masaya hahayaan kita basta ang aking hiling ay maging mabuti kang Ama tulad din ng iyong ama kung paano ka pinalaki at pinakita ang pagiging responsable niya sa iyo bilang Ama"-Ina
Bago ako umalis nun binigyan niya ako ng mga payo niya kasama niya lang si Fifi nun alam kong nalulungkot din si Fifi dahil si Ina na lang ang kasama niya dito sa aming mundo pero nangako ako na dadalaw-dalawin ko sila kapag nagkaroon ako ng pagkakataon...
"Anak alam kong nakagawa ako ng kasalanan kay Bathala pero bilang Ina nararamdam kong masakit ang kinokontra ang isang anak sa kagustuhan niyang magawa ang isang bagay Simula sa araw na ito hinahayaan kita kung ano man ang kagustuhan mo sa iyong sarili.tutal nandiyan na iyan wala na ako magagawa pa"-Ina
"Salamat ho Ina at tinanggap niyo din si Agnes kahit na hindi natin siya kauri"-Erick
"Wala na ako magagawa dahil magiging Apo na siya ng magiging Anak niyo"(sabay ngiti)-Ina
"Uhmm...Salamat ho Ina napakasarap sa pakiramdam"-Erick
"Masaya ako sayo anak sana ay maging masaya ang pag-iibigan niyo dalawa kahit na magkaroon kayo ng mga supling ipakita niyo sa kanila na nagmamahalan kayo dalawa..kung mag-aaway man kayo wag sa harap ng mga anak niyo dahil iyan ang isang gagay na hindi maganda lalo na maliit pa ang mga anak niyo"-Ina
"Opo Ina palagi ko po iyan tatandaan"-Erick
"At Sana kung ano kayo hanggang ngayon sana sa dulo ganon pa din"-Ina
"Maraming salamat Ina dahil binigyan niyo po ako ng pangaral"-Erick
"Para sa ikakabuti mo iyun para kapag tumanda ka at magsisipag asawa na ang mga anak niyo ito din ang maipapangaral mo sakanila....tandaan mo anak ang pangaral ng isang magulang ay isang napakahalaga sa inyo"-Ina
"Opo Ina tatandaan ko po iyan..aalis na po ako"-Erick
"Mag-iingat ka"-Ina
"Opo.....Fifi alagaan mo si Ina ah magpakabait ka"-Erick
" T^T di ka na ba Babalik?!"-Fifi
"Wag kang mang-alala dadalaw-dalawin ko kayo ni Ina"-Erick
"Pramis?? T^T"-Fifi
"Pramis basta magpakabait ka"-Erick
(Sabay tango)
"Siya nga pala bago ka umalis heto itago mo muna iyan"(sabay bigay)-Ina
"Ano po Ito Ina?"-Erick
"Iyan yung tela na ginamit ko sayo nung pinanganak kita magagamit mo iyan sa Oras na nagkaroon kana ng anak"-Ina
"naitago niyo pa pala Ito akala ko naitapon niyo na"-Erick
"Iningatan ko iyan dahil alam kong kapag nag-asawa ka pwede mo pa magamit iyan..."-Ina
"Salamat po ina aalis na ho ako"(sabay yakap sa Ina)-Erick
"Mag-iingat ka sana maging maayos ang buhay niyo dalawa"-Ina
Kumalas nako sa pagkakayakap nun at saka na umalis para makauwi na dahil alam kong inaantay nako ni Agnes sa bahay kayat hindi ako nagtagal kay Inay labis akong nagpapasalamat kay Wanda dahil kung hindi dahil sakanya hindi pa ulit mabibigyan ng pangalawang buhay ang aking Ina.
BINABASA MO ANG
Fly Me To The Moon (Completed)
FantasyMagkaiba man Sila ng Mundo ngunit pagtatagpuin naman sila ng Tadhana ng Dahil Sa Pag-ibig at doon Magsisimula ang Maraming Sakripisyo ngunit Hindi iyun dahilan para Kay Erick kahit na Lumabag siya sa Kautusan na bawal umibig sa taga ibang Mundo Hand...