ERICK POV
"S-sino ka?!" sigaw ko
"Shhhhh magpapaliwanag ako"
"Maaaaaa...maaaaaaa" tawag ko sa aking ina mula sa kabilang kwarto.
"Sandali wag ka muna sisigaw" Mabilis ako tumungo sakanyang harap.
"Kumalma ka hindi ako masama tao" bulong ko habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa aking sugat na tumatagas na ang dugo sa sahig.
"Kung hindi ka masamang tao eh anong ginagawa mo dito?"
"Pabalik na Sana ako ng Templo kaso bigla na lang may pumana saken kaya mabilis ako tumungo dito"
"Pero paano ka nakapasok dito?" Pagtataka kong tanong sakanya
"Kasi iniwan mong bukas yung bintana kanina kaya mabilis akong nakapasok dito"
"Teka saglit kukunin ko lang yung emergency kit gagamutin ko lang sugat mo"Mabilis ako tumungo sa akin Cabinet para kunin ang emergency kit at bumalik muli sa Kama.
Napangiwi siya ng inilabas ko ang alcohol at bulak"Masakit ba iyan?" tanong niya
Natawa ako ng bahagya bago umiling "Basta tiisin mo lang tanggalin mo na rin d'iyan ang kamay mo"wika ko na agad naman niyang sinunod.Hindi ko akalaing may lalaki palang talaga takot sa gamutan paano na lang kaya kung injection ang nakita niya? Hindi ko tuloy maiwasang hindi matawa sa sariling isip.
Habang ginagamot ko ang kanyang sugat sa tagiliran nag-uusap kami."Taga saan ka ba talaga at paano ka napadpad dito?" Seryoso ko tanong.
"Taga ibang mundo ako tsaka mahilig talaga ako pumunta dito sa mundo niyo mga taga lupa" masaya niyang sambit habang nakatingin sa mga bituin
"Saan nga?ayaw mo pa kasi sabihin kung taga saan kang mundo" sabay haba ng nguso
"Kapag inamin ko ba sayo maniniwala ka?" Sabay kunot sa Noo
"Hindi mo pa naman sinasabi paano ako maniniwala"
"Galing ako sa buwan" masaya niyang sambit habang nakatingin sa akin.
"Buwan??seryoso ka" Agad akong napatingin sa kanya
"Bakit hindi mo ba nakikita itong suot kong kuwintas at yung nakaguhit sa noo ko?" Sabay turo sa kanyang Noo
"Parang imposible naman yun"
"Paano kung sabihin ko sayo may Templo dun maniniwala ka?" Seryoso niyang sabi sa akin.
"Templo?" Pagtataka ko sambit."Oo templo" Bago ako magtanong inilapit ko ang aking mukha na kanya naman ikinagulat.
"May mga fairies ba dun?" Mausisa kong tanong habang ginagamot ang kanyang sugat.
"Siguro"
"may mga palasyo ba dun mga king and queen? tsaka marami ba mga prinsipe at prinsesa?!" Muli kong tanong sakanya.
"Oo pero maliban sa fairies hindi ko alam kasi hindi ako masyado naglalabas sa templo" Medyo nadismaya ako nun sakanya pero bago siya umalis nun meron siyang pahabol na sinabi.
"Pero alam mo ba marami ka makikita bituin bukod dun makikita mo yung mga shooting stars" masaya niyang kuwento sa akin habang nakatitig sa akin
"Talaga" masaya kong sabi na tila ba naeeganyo sa aming usapan.
"Oo masaya manirahan dun"Pagkatapos niya sabihin yun dahan dahan na siyang tumayo at tumungo sa bintana.
"Teka sandali lang" Habol ko sakanya.
"Bawal ako magtagal mahal na binibini sapagkat magsasara na ang daan patungo sa amin baka hindi nako makabalik"
"itatanong ko lang sana kung ano ang pangalan mo?"
"Erick ang pangalan ko..salamat nga pala sa pag-gamot ng sugat ko"
"Mag-iingat ka huh?sariwa pa ang sugat mo" Pag-aalala ko sakanya
"Salamat sige makakaalis nako" magalang niya sambit sa akin.
"Teka huling tanong na Ito" Bago siya humarap sakin huminga siya ng malalim.
"Babalik kapa ba?" malungkot kong sambit bago siya umalis.
"Kung hihintayin mo ko hanggang sa sumapit ang gabi Oo babalik ako para masilayan ka muli mahal na Binibini" ang magalang niya sambit sa akin bago siya umalis
"Uhm wag muna ako tawaging Binibini Agnes na lang ang itawag mo sa akin" masaya ko sambit sakanya habang nakatitig sa kanyang maamong mukha.
"Agnes makakaasa ka hanggang sa muli" bago siya umalis isang matamis na ngiti ang kanyang ibinigay sa akin.
BINABASA MO ANG
Fly Me To The Moon (Completed)
خيال (فانتازيا)Magkaiba man Sila ng Mundo ngunit pagtatagpuin naman sila ng Tadhana ng Dahil Sa Pag-ibig at doon Magsisimula ang Maraming Sakripisyo ngunit Hindi iyun dahilan para Kay Erick kahit na Lumabag siya sa Kautusan na bawal umibig sa taga ibang Mundo Hand...