CHAPTER 4:

16 2 0
                                    

AGNES POV

"Ano Agnes sasama ka ba o iiwan na lang kita?" Sabay abot sa akin ng kanyang palad.

Wala nako nagawa nun kung hindi humawak sa mga palad ni Erick at malayang nakalipad. "Grabe natatanaw ko ang lahat" masaya kong sambit

"Ayan nakangiti ka na"

"Erick malayo paba tayo?"

"Malapit na magtiwala ka lang sa akin"

"Akala ko ba sa buwan tayo pupunta?"

"Humawak ka sa akin ng mahigpit at wag kang bibitaw dahil lilipad na tayo patungo sa kabilang mundo"

"Mundo niyo?!" sigaw ko

"Oo kaya humawak ka at wag kang bibitaw heto naaaa" malakas niyang sigaw Napayakap ako sakanya at pumikit nararamdaman ko na para bang hinihigop kami.

"Erick anong nangyayari!" Usal ko habang nakapikit ang mga mata.

"Nasa kalawakan na tayo" masaya niya sambit habang mahigpit ang yakap ko sakanya.

"Pwede na kana dumilat" Halos hindi ako makapaniwala dahil sa mga nakikita ko na isang malaking templo at nakakaakit tingnan ang isang crescent nilibot libot ko pa ang buong paningin ko sobrang ganda at malakas ang hangin sa itaas nakarating na kami sa templo pati ang mga Ulap na kulay ube ay napakasarap pagmasdan lalo na ang mga bituin bukod dun nakakita din ako ng isang shooting stars.

"Gusto mo libutin natin lahat" Maamo niyang tanong sa akin na agad naman akong tumango

"Halika" Masaya kami lumilibot sa buong templo nang kaming dalawa lang nun at kapag may mga dumadaan na tao nagtatago kami at saka palihim na tumatakas.

kahit sa buong hardin lumilibot ako dahil ang gaganda at bawat paro paro na dumadapo sa aking kamay pinagmamasdan ko iyun.lahat na lang ng prutas na nakikita namin kinakain namin dalawa akala ko sa mundo lang namin mayroon ganun pero mayroon din pala sa kanila nakakatuwa lang isipin na kahit simple lang ang pamumuhay nila marunong sila makuntento.

malalim na ang gabi nasa itaas kami ng Templo at pinagmamasdan ang liwanag ng buwan ang bawat hangin na dumadampi sa aking balat ramdam ko ang lamig ng panahon ngayon.kasabay ng mga dahon na kumakaway."Grabe sobrang saya ng araw ko ngayon nag-enjoy ako kaso nakakapagod"

"kulang pa yun mga nakita mo kanina sobrang lawak dito sa mundo namin bukod sa templo marami ka pa makikita"

"tulad ng ano?" Tanong ko habang nakatingin sa mga bituin

"Dagat"

"Dagat?matagal tagal na din ako hindi nakakapunta ng dagat at namimiss ko na din lumangoy..ay siya nga pala Erick ano nga pala tawag sa templo niyo?"

"Selenophile Temple ang tawag dito"

"Wow Selenophile edi ibig sabihin moon lover ka?"

"Uhm..Parang ganon na nga"

"Teka hindi mo pa pinapakita sa akin yung itsura ng bahay niyo?wala ka ba tirahan?"

"Meron pero hindi ako madalas nakatambay,palagi ako malaya"

"Eh nasaan ang iyong Ina?"

"Naninilbihan siya sa aming reyna"

"Eh ang iyong Ama?"

"Ang aking ama pumanaw na dahil sa tumaob na isang bangka at isa sa kanila dun wala nakaligtas"

"Erick pumunta tayo sa pinakamalalim na parte ng dagat"

"Masyado na mataas ito"

"Okay lang namimiss ko na kasi makita yung mga gusto ko makita sa ilalim ng dagat sige na pagbigyan muna ako"

"Kaya mo ba hindi huminga ng matagal dun?"

"Ano ka ba sanay ako sa dagat kaya kahit ilang oras pa tayo dun pwedeng pwede aahon na lang tayo kapag hindi ko na kaya" masaya ko sambit sakanya

"Wala pa naman ang meteor shower baka mamaya pa hawakan mo ang kamay ko." Humawak ako sa mga palad ni Erick at masaya kami sumisid sa kailaliman ng Dagat marami ako nakikita tulad ng mga ibat ibang uri ng Isda at kung ano ano pa.samantalang si Fifi nasa Ibabaw lang ng bato at pumipitas ng mga petals habang nanonood sa amin dalawa ni Erick na nakaupo lang sa buhangin.

"Agnes may gusto lang ako itanong sayo" tumingin kay Agnes

"Hhm?"

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng First kiss?" (Ngumiti)

"Naranasan muna ba iyun magkaroon ng First Kiss?"

"First kiss?bakit umiibig kana ba?"

(Hindi makaimik)

"Ang first kiss kasi ginagawa yan ng mga taong nagmamahalan"

"Kapag ba nagkaroon ka ng first kiss galing sa akin ibig sabihin ba nun umiibig na ko?"

"pero kakasabi lang ng iyong Ina na hindi ka pwede umibig sa mga taong kagaya ko"

"Hindi naman niya nakikita ang mga ginagawa ko eh kaya gagawin ko yun,hahalikan kita kahit anong mangyari"

"Kung may pag-ibig kana nararamdaman sa akin pwede mo gawin yun,pero kung gusto mo lang maranasan ang mahalikan ka yan ang bagay na hindi pwede"

"Edi hihintayin kong mahulog ako sayo at kapag nangyari yun ikaw yung kauna-unahang Babae Hahalikan ko sa labi"

(Napangiti) "talaga ako lang yung unang babaeng hahalikan mo sa Labi?"

"Dahil ikaw lang ang babae Iibigin ko habang buhay"

Napatingin ako sa itaas nang makita ko ang mga meteor shower na labis ko na naman ikinatuwa. "Tingnan mo ang mga meteor shower!"sigaw ko ng malakas at Yumakap kay erick

"Teka anong ginagawa mo?" Pagtataka nito habang nakapikit ako

"May hiniling lang ako sa meteor shower"

"At ano naman yun?"

"Secret"

"Ang alam ko dapat sa shooting star ka humihiling"

"Mamaya kapag may nakita akong shooting star may isa pa akong hihilingin"

"Halika kana umuwi na tayo masyado na malalim ang gabi"

"Teka hintayin muna natin magkaroon ng shooting star"

"Wala lalabas na shooting star ngayon halika kana umuwi na tayo" Tahimik na ang buong paligid tanging liwanag na lang sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa loob ng maliit na kubo,hindi ako makatulog nun kaya't bumangon ako at dumungaw na lang sa bintana at pinagmamasdan ang mga bituin.

"Ang ganda pala dito sa lugar niyo pwede pa ba tayo lumibot parang meron ka pa lugar na hindi mo pa napapakita sa akin"

"Gusto mo makita yung tirahan ng mga fairies?" masaya niyang sambit sa akin

"Fairies?pero nung tinanong kita ang sagot mo lang siguro" sabay haba ng nguso

"Nasabi ko lang iyun dahil ang akala ko hindi mo ako paniniwalaan"

"Edi sige papayag ako"

Masaya namin pinagmamasdan ni Erick ang mga sumasayaw na mga fairies kahit ang kanilang Hari't reyna ay sumasayaw din.palihim niya tinitingnan si Agnes, umiiwas siya ng tingin kapag tinititigan siya nito, pero palihim niya pinagmamasdan ang dalaga hanggang sa tumayo Ito at hinawakan ang mga kamay ni Agnes at hinila niya itoh. "Saan tayo pupunta?" masaya ko tanong

"Sa Buwan" sabay ngiti ng matamis

"Sa buwan nakakamiss na pumunta dun" sabay tingin sa itaas habang nagkikislapan ang mga bituin

"Halika sumayaw tayo sobrang ganda ng liwanag ng buwan" Aya niya sa akin habang hawak hawak niya ang aking kamay.

Fly Me To The Moon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon