AGNES POV
Binawi kona ang mga kamay ko nun sa mga kamay ni Erick at dahan dahan na pumasok sa kwarto at nahiga,nang biglang magising si Ina at tumingin sa Bintana,akala niya siguro habangbuhay nako hindi makakabalik kaya't nawalan Itoh ng Pag-asa kaya isinara na niya ang bintana sa Balkonahe at saka lumabas ng kwarto.bumangon ako nun at tumayo sa higaan at nanatili lang na nakatayo dahil alam kong nawalan ng pag-asa si Mama pero hindi na Ibig sabihin nun sumuko na siya sa akin.
"Hindi na tlaga ako binalikan ng anak ko...pero??paano kung nandito na siya??ahh si Agnes???"-Marga
Nang matauhan si Marga ay nagtatakbo Itoh pabalik sa kwarto ni Agnes..hindi siya makapaniwala sakanya nakikita nang buksan niya ang pinto ng kwarto nito at nanatili lang Ito nakatayo,hindi niya napigilan ang kanyang emosyon kaya't niyakap niya ang kanyang Anak.
"AGNES!!!DIOS KOOOO...*sup*SAAN KABA NAGPUNTA ANAK KOOO!!ALAM MO BANG BUONG GABI KA NAMIN INIISIP,BUONG GABI KO BINABANTAYAN ANG KWARTO MOOOO AT UMAASA AKO NA SANA MAKABALIK KANA..*Sup*SALAMAT SA DIOS AT DININIG NIYA ANG PANALANGIN KO..."
"Mama okay lang poh ako..alam niyo poh ba mama may ikukwento ako sayo"
"Sandali lang tatawagin ko lang ang Iyong Ama...malamang Umiinom na naman yun sa Baba....RAMON!!!RAMON!!RAMON HALIKA DITO!!! SI AGNES NANDITO NA!!RAMON!!!! ANG IYONG ANAK BUMALIK NA"(masayang sambit ng Ina habang umiiyak)-Marga"Mama mukhang hindi ka ata naririnig ni Papa?"-Agnes
"MARGAAA!!A-ANONG S-SABI M-MO?"-Ramon
"Pa,nandito na ho ako"(nahihiyang sambit nito sa ama)-Agnes
"AGNES!!!DIOS KO ANG ANAK KOOOOOO!!!BUMALIK NA SIYAAAAAA!!!!ANG ANAK KONG SI AGNESSS!!!!BUMALIK NA!NAKAUWI NA SAMEN!!!!AGNESSS"(Sabay yakap sa Anak)-Ramon
At iyun ang nasisilayan ni Erick ang maging masaya si Agnes sa piling ng kanyang mga magulang nakikita niya sa mga ngiti nito na masayang masaya siya.nanonood lang siya kay Agnes nun habang kinukwento niya ang mga magagandang natanaw nito sa mundo ng Seleno kahit ang mga mga magulang nito Masayang masaya na nakikinig sa kwento ni Agnes.kahit si Erick napapangiti dahil nakita niya kung ano talaga ang kasiyahan ni Agnes at yun ay ang makapiling ang mga magulang nito.napawi lang ang Ngiti niya nang banggitin nito ang kasal ni Agnes at muli na naman nadurog ang puso nito.Sobrang Mahal na mahal niya na si Agnes pero iniisip niya din kung dapat na ba niya palayain ang babaeng minahal niya na ng sobra.
"Anak nakahanda na ang lahat para sa kasal niyo at alam kong magiging Happy Ending ang pag-iibigan niyo dalawa ni Charles"(masayang sambit)-Marga
"Anak kapag naganap na ang Kasal niyo dalawa hihilingin ko na sana maging masaya ang Buhay mo at magkaroon ng masayang pamilya"-Ramon
"Uhmmm Ma....Pa....may gusto lang ho Sana ako sabihin sa inyo kaso baka hindi niyo ko pakinggan"-Agnes
"Osige Anak ano yun?"-Marga
"Ma..pa..pwedeng wag na lang ituloy yung Plano niyo na ipakasal ako kay Charles....gusto ko sana ako yung Hahanap ng taong mamahalin ko,dahil sa totoo lang hindi ko mahal si Charles okay lang saken kung hindi mayaman ang mapangasawa ko ang mahalaga naman dun diba yung mahal at tanggap ako kung sino talaga ako"-Agnes
"Pero Anak hindi ba't napag-usapan na Itoh?"-Marga
"Pero Mama ang hirap ng role ko kung ipapakasal niyo ko sa taong hindi ko naman talaga mahal..hindi ba kayo na din ang nagsabi na "ang pag-ibig ay walang pinipili basta't mahal nyo ang isa't isa hindi niyo titingnan kung ano ang Naging buhay nyo dalawa" bukod dun sabi niyo sa akin Ang tunay na pag-ibig ay kusa lang nararamdaman..kaya't bakit hindi niyo ko hayaan na ako ang mamimili kung sino ang Pwede kong Mahalin?"-Agnes
"Anak Agnes makinig ka sa sasabihin ko..nauunawaan ko naman iyun alam kong sa edad mong iyan ay imposible makahanap kana ng lalaking iibigin mo pero anak eto lang ang paraan para makaahon tayo sa kahirapan,ayokong lumaki ka na mahirap kagaya ng iyong Ama,gusto namin maging masarap ang Buhay mo at si Charles lang paraan para matupad mo lahat ng gusto mo."-Marga
"Ma,Hindi ko kailangan maikasal sa lalaking Mayaman para lang masabi ko sa sarili ko na lahat ng gusto ko nabibili,ang gusto ko sa isang lalaki yung kaya akong tanggapin kahit na hindi niya naibibigay yung gusto ko basta't Mahal niya ako yung totoong ako"-Agnes
"Uhm.anak pag-uusapan lang namin ng Daddy mo saglit...Ramon pwede ba tayo mag-usap?"-Marga
Naiwan na lang ako mag-isa sa Kama nun,tumingin ako sa bintana at nakita ko si Erick na paalis na kaya't Dali dali ako kumaripas ng takbo at tinawag siya na nakuha ko naman agad ang atensyon niya.
"Erick?!"(sabay tulo ng luha)
"Aalis nako hanggang sa Muli"
"Sandali lang pwede ba tayo mag-usap kahit limang Segundo lang.*sup*Nakikiusap ako"
(Sabay hinga ng malalim)
"Erick...Babalik ka pa ba?para sa akin"
"Hindi ko maipapangako Agnes"
"Mahal mo pa ba ako?"
"Higit pa sa buhay ko Agnes Minahal kita..ako ba Agnes?minahal mo din ba ako?"
"Oo Erick unang kita ko palang sayo Gumaan ang loob ko..habang tumatagal unti unti na kita minahal..sa huling pagkakataon na Itoh Hindi na kita masisilayan pero palagi mong tatandaan na palagi kang nasa puso't isip ko"
"Ikaw den Agnes palagi ka din nakatatak sa puso't isip ko.."
"Kahit ba ikasal ako?ako pa rin ba ang Babae sa Buhay mo?wala ba ako magiging kahati sa puso mo?kahit na may naging kahati ka sa puso ko?Hindi ba mababago yun pagmamahal mo saken?"Bago siya lumapit nun huminga pa siya ng malalim at saka siya lumapit saken bago siya magsalita nun Isang matamis na halik sa aking Noo ang pinadama niya saken,yumakap ako sakanya nun na para bang ayoko na pakawalan pa.kahit siya niyakap na rin ako na sobrang Higpit.Inilapit niya ang mukha niya saken tenga at bumulong Itoh na dahilan para Humagulgol ng iyak.
"Kahit ilang Babae pa ang makita ko at magkagusto saken ikaw ng ikaw ng ikaw pa rin ang iisipin ko kahit ano pang mangyari...kahit ikasal kana Hindi ako hahanap ng atensyon sa ibang babae kahit ikasakit ko pa yun iisipin ko pa rin yung magiging damdamin mo kapag may kahati kana sa puso ko...Agnes palagi mo lang iisipin na hinding Hindi na magbabago ang pagmamahal ko sayo...kahit na magkaanak kapa,kahit na tumanda pa tayo ikaw lang ang mamahalin ko..tandaan mo iyan.."
Pagkatapos niya Sabihin ang mga katagang iyun muli niya ako hinalikan sa Noo bago siya umalis nun hinubad ko ang kuwintas nito pero tinanggihan niya na iyun at muling isinuot saken.
"Ang kuwintas na iyan ay sayo na"
"P-pero baka hanapin Itoh ng iyo Ina?"
"Sasabihin ko Naiwala ko o kaya habang nakikipaglaban Kay Nightmare sasabihin ko napigtas at nahulog sa kailalimam ng dagat..handa ako magsinungaling sa aking Ina basta't para sayo Lahat gagawin ko"
"Erick...mangako ka Saken...please mangako ka saken na Babalikan moko..Hindi ko matitiis na Hindi ka masisilayan"
"Basta't magtiwala ka lang mahal kita pero Hindi kona maipapangako sayo kung masisilayan mo pa ako"Yun na ang huling Pag-uusap namin ni Erick bago niya ako iwan nun isang matamis na Halik sa aking labi ang Iniwan niya kahit na 3 minuto lang yun Dama ko ang Halik na iyun na kumakahulugan na Tunay talaga ang Pag-ibig niya saken.pinagmamasdan kona lang ang kanyang imahe hanggang sa unti unti na Itoh Nawala,bago ako pumasok nun pinunasan ko ang aking luha at saka itinago ang kuwintas para Hindi makita ni Ina.Naabutan ko pa din sila nag-uusap nun kaya't lumapit ako para malaman ko kung ano na ang kanilang napag-usapan.
BINABASA MO ANG
Fly Me To The Moon (Completed)
FantasyMagkaiba man Sila ng Mundo ngunit pagtatagpuin naman sila ng Tadhana ng Dahil Sa Pag-ibig at doon Magsisimula ang Maraming Sakripisyo ngunit Hindi iyun dahilan para Kay Erick kahit na Lumabag siya sa Kautusan na bawal umibig sa taga ibang Mundo Hand...