"Bessywap, ayaw mo bang umalis kela aling Merced?" Tanong ni Hannah sa'kin.
Nandito kami ngayon sa pwesto ni Aling Merced, ewan ko ba at bakit sumama sa'kin 'tong babaeng 'to ngayon. Ang sabi niya'y wala na raw siyang trabaho kaya sa ngayon ay dito muna siya habang hininintay niya ang tawag ng pinag-applyan niya.
"Kung may makikita akong ibang trabaho na mas maganda ang sahod at benipisyo, bakit hindi? Pero sa ngayon dito muna ako. Oy pero hindi naman ibig sabihin na kakalimutan ko na si Aling Merced." Agap ko.
"Naku! 'Di naman 'yon ang punto ko. Natanong ko lang naman. Nga pala may gagawin ka sa sabado?" Tanong niya ulit.
"Depende. Bakit?"
"May livelihood program training seminar na gagawin sa gym. Sama ka?"
"Para saan naman 'yan? Baka 'di naman tayo kikita diyan."
"Try mo lang naman. Try natin baka makapasa tayo."
"Tignan ko kung free ako sa araw na 'yan. Anong oras ba?"
"Hmm. 9am to 5pm ata? Tapos free lunch at snacks kaya okay na okay siya." Sagot niya sa akin.
Napaisip naman ako at parang may bumubulong sa akin na pumunta.
Kaya naman pagsapit ng sabado'y maaga akong gumising at ginawa ang dapat munang gawin bago umalis sa bahay. Pagkatapos ay hinanda ko ang aking sarili bago pumunta sa gym ng barangay hall dito.
"Oh! Ang ganda-ganda naman ng kaibigan ko. 'Yong totoo, saan ang punta natin?" Nangingiting saad sa akin ni Hannah.
"Dito lang. Bakit ba?" Sagot ko at agad akong napatingin sa suot kong pedal shorts at tshirt na color gray. Bagay naman siguro 'yong suot kong ito sa gaganapin ngayon?
Agad kaming pumunta sa entrance ng gym at pumunta front desk kung saan magpapa-attendance ang bawat dadalo.
Napansin ko'y parang pamilyar ang mga babae do'n kaya agad ko silang pinasadahan ng tingin at oo nga! Sila 'yong mga babae kahapon na may mahabang buhok at mahabang palda at hindi revealing ang suot na pang-itaas. Ang gaganda pala nila sa malapitan.
"Good morning po. Ito po ang 'yong id at notes para sa event na ito. Huwag po kayong mahiya ha. Feel free lang po at may bondpapers po at pen para makapag-take notes po kayo. God bless po sa inyo. Pwede na po kayong pumasok." Saad no'ng isa matapos mag-attendance at bigyan ng mga id at kung ano-ano pa.
Ang babait at ang hinhin ng boses. Sila na talaga ang pinagpala!
Agad kaming humanap ng pwesto kung saan pwede kaming umupo. Halatang pinaghandaan nila ito. Sa harap ay may malaking tarpaulin na may nakalagay na "Apostolic Apparel Clothing Line Company Livelihood Training Seminar". Ngayon ko pa lang narinig ang kompanyang iyan. Bago ata 'yan dito.
BINABASA MO ANG
God Bless the Broken Road
SpiritualEvery long lost dream, lead me to where you are. Others who broke my heart, they were like northern stars. Pointing me on my way into your loving arms. This much I know is true, that God bless the broken road that led me straight to you. ___________...