"Good morning, Liah." Nakangiting bati sa akin ni Kuya Ruel, guard dito sa kompanya.
"Good morning din po." nakangiti ko ring sagot.
Ngayong araw ay wala naman akong masyadong gagawin. Tatahiin ko lang ang mga nasimulan ko kahapon. Hindi pa ako gano'n ka-pro kaya may naggaguide pa rin sa'kin.
Nang makapasok na ako ay sa locker muna ako unang pumunta para iwan ang mga gamit ko pagkatapos ay pumunta na ako sa silid kung saan do'n nagtatahi.
"Hi, Liah." Bati sa akin ni Joy, kasamahan ko.
"Hello. Kanina ka pa?" sagot ko naman.
"Hindi naman. Kararating ko lang din. Alam mo naku ang gaganda ng mga gawa mo talaga. Tulungan kita ngayon, wala naman akong gagawing iba."
"Hala naku salamat ha. Nakakahiya man pero mas mainam na rin para matapos ko lahat." Nakangiti kong sagot sa kanya.
Nang handa na lahat ng gagamitin namin ay nagsimula na kami ni Joy. Hindi naman boring ang mga oras na lumipas dahil nag-eenjoy ako sa mga shinare na experience ni Joy sa buhay niya. Kung bakit sila nakapalda, kung bakit mahaba ang buhok nila. 'Yong mga youth camps din na nasalihan niya. Para tuloy akong nacurious.
Nang tanghali na ay sabay naman kaming kumain. Pagkatapos noon ay nagpatuloy kami sa pagtatahi. Hanggang sa pagpatak ng alas tres ay sakto ring natapos namin ang lahat.
"Liah, sama ka please." nagpapuppy eyes pa ang loka.
"Saan naman 'yan?" Sagot ko habang nag-aayos ng mga gamit.
"Sa church. Gusto ko lang naman makabonding ka pa. Ewan ba, ang gaan-gaan ng loob ko sa iyo." Sagot niya.
Napaisip naman ako. Gusto kong sumama, tutal magsisimba rin naman kami bukas.
"Sige. Tawagan ko lang si mama, magpapaalam ako." Sabi ko sabay kuha ng cellphone.
"Yeeees!!!!!" Tumatalon sa tuwa pa niyang sigaw.
"Hi, Liah. Ako nga pala si Aaron." pakilala ng panghuling youth nila sa akin. Sa dami nila ay hindi ko naman matandaan ang mga pangalan nila kaya tango-tango nalang ang ginawa ko.
Mayamaya ay nagsimula silang maglinis sa simbahan, gusto ko mang tumulong ay tinatampal naman ni Joy amg kamay ko. Sabi niya pa bisita raw ako kaya wala akong nagawa, patingin-tingin nalang ako sa malaki nilang simbahan. Maganda ang simbahan nila Joy. Ang ganda pa ng atmosphere, ang welcoming ng atmosphere.
"Ayan na ang Salmo!" Sigaw ng kasamahan ni Joy. Napatingin naman ako sa labas at may sasakyan ngang dumating. Sasakyan nila Alec. Agad naman silang lumabas at sinalubong nila ang mga ito. Nagkakatuwaan pa sila nang mahagip ako ng mga mata ni Zia.
"ATE LIAAAAAH!!!" Agad na tumakbo si Zia pagkatapos niyang sumigaw. Namula naman ako sa hiya.
Agad niya akong hinagkan nang makarating siya sa pwesto ko. "H-hi, z-zia." Bati ko sa kanya na nauutal pa.
"Hello po ate. Namiss po kita. Naparito ka po?" Sabi niya habang abot tenga ang ngiti at nakapulupot pa sa braso ko.
"Ah ano, inimbitahan kasi ako ni Ate Joy mo. Sumama na ako." sagot ko.
"E ate pangit naman kung sasama ka tapos 'di ka magsisimba. Magchurch ka na po ate." Direktang sagot niya ulit sa akin.
"Ah, oo naman. Kaya nga nandito ako. Magsisimba kami bukas." Nakangiti kong saad.
"Talaga, Liah? Wow. Worth it 'yong prayer natin! Glory to God." Biglang sabat ni Alec.
Hindi ko alam na marami pa lang nakikinig sa amin. Narinig ko naman ang hiyaw nila. Masaya sila para sa amin.
Nagpakain pa ang magkakapatid dahil dapat daw namin icelebrate ito. Pagkatapos noon ay nagpractice na sila. Nag-eenjoy ako kakapanood sa kanila. Nagpractice din sila ng choir para bukas. Grabe ang mga boses nila. Nanindig ang balahibo ko na parang naluluha, natotouch ako sa kanta nila. Sa lahat ng narinig kong choir, ito ang pinakaperpekto.
Ngayon pa lang nararamdaman ko na ang Diyos.
BINABASA MO ANG
God Bless the Broken Road
SpiritualEvery long lost dream, lead me to where you are. Others who broke my heart, they were like northern stars. Pointing me on my way into your loving arms. This much I know is true, that God bless the broken road that led me straight to you. ___________...